Part_28

8 2 0
                                    

***

Pagkagaling nya sa eskwela dumeretso sya sa isang bangko, Nag withdraw sya ng pang upa nya ng matutulugan ngayun gabi, mabilis lang naman ang proseso lalo't na kompleto sya sa requirements.

Naisip nya kung mangungupahan sya o bibili sya ng sarili nyang bahay, pag kasi mangungupahan sya paano na kung maubus ang pera nang ina nya?, pero kung bibili sya ubus nga ang pera ng ina nya pero siguradong hindi sya mapapaalis.

Kaya nakapag pasya sya na mag hanap na lang ng isang condominium na malapit sa BTS para makatipid sya ng pamasahe, hindi naman sya nabigo maraming nag sisilakihang condominium ang malapit sa paaralan nya.

Nag hanap sya ng medyu mura at safe na rin, halos mawalan sya ng ulirat sa mga presyo ng isang condo, "Diyos ko ina! . . . .mauubos ko na agad ang pinaghirapan mo" nanghihinang wika nya sa sarili, Maya-maya pa tinawag na sya ng isang receptionist.

"Ma'am. . . .sasamahan na po kayo para makita yung condo nyung bibilhin" Nakangiting sabi nito kaya naman matapos na mag pasalamat dito sumama na sya sa taong tinawag nito para samahan sya makita muna ang silid, Iniwan muna nya ang maleta safe naman daw iwan ito doon.

Nagtungo sila sa ika-apat na palapag pag kagaling sa elevator na sinakyan dalawang pinto ang aming nilampasan saka kami pumasok sa isang silid, pag pasok sa silid hindi mo agad makikita ang loob nito kasi pader ang makikita mo at doon may daan patungo sa Sala.

" Ma'am! . . .ito po ang sala" turo nito sa salang di kalakihan saka dumako naman kami sa dining at kitchen katamtaman lang ang laki nito, nahahati lang ang sala at dining sa isang mahabang sofa salamin naman na sliding door ang sa kitchen pwede na para sa kanya.

Dumako naman kami sa isang cr maliit lang yun pero may shower ito, sa kabila naman isang kwarto na maliit wala itong c,r may isa pang silid silang pinasukan Mas malaki ito keysa sa isang kwarto may sarili din itong cr na medyu malaki dun sa c,r sa labas.

"Ma'am. . . .okay na po ba ito sa inyu? O titingin pa po kayo ng iba?" Tanong nito matapos nitong ipakita lahat sa kanya.

"Kukunin ko na po, okay po ba na ngayun din lumipat ako?" Tanong nya sa dito.

" opo ma'am. . . .kaso kukunin po ng dating may ari nito ang mga gamit at bukas na po yun" sagot nito

" ayus lang po, " Sabi nya tapos sumama na syang bumaba sa kanya upang mag bayad, Maraming sinabi ang receptionist about sa babayaran buwan buwan, katulad ng tubig at kuryente at marami pang iba.

Matapos ang pag uusap nila umakyat na rin sya dala na rin ang susi, pag pasok nya agad syang naupo sa sofa na bukas daw kukunin na nang may ari. Matutulog na lang sana sya naalala nya na wala na syang susuotin bukas sa eskwela kaya bumangon saka tinungo ang maliit na cr, doon muna sya maliligo.

Matapos maligo, kinuha na nya ang mga maruruming damit saka tinungo ang maliit na terrace kung saan pwedeng mag laba at mag sampay. Halos mag alas-otso na sya natapos kumakalam na rin ang tiyan nya.

Kinuha nya ang bag kung saan naka lagay ang pagkain na pinabalot ng mga bagong kaibigan. Magagalit daw sila pag hindi nya dinala ito kahit gusto man nyang mag kwento sa mga ito ngunit hindi pa pwede hindi pa nya lubusan kilala ang mga ito.

Pagkatapos nyang kumain at mahilanan dumeretso sya sa sofa sa ngayun may tutulugan pa syang sofa baka bukas manghihingi na lang sya ng isang kahon na karton upang may maisapin sya sa pag tulog.

"Ina...sorry po wala na talaga akong pag pipilian na gastos ko na ang pera mo" umiiyak na wika nya habang nakikinig ng isang kanta sa Luma nyang cellphone, miss na miss nya na ang boses ng kanyang ina.




"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon