*******
Napabuntong hininga na lang sya ng tuluyan ng sumara ang pintuan ng naturang silid. Muli nya naman pinasadahan ng tingin ang kanyang magiging silid bukod sa maliit lang ito mayrun lamang itong maliit na papag at sa tabi nito may drawer na halos kapantay lamang ng papag. Tatluhan itong drawer Kaya sa malamang dito nya rin ilalagay lahat ng gamit nya.
Lumapit sya sa papag na halos dalawang hakbang lang nasa may bintana na sya, ang bintana ay may mahabang kurtina na may kakapalan, nang hawiin nya ito bumungad sa kanya ang likuran ng bahay mukhang doon sila nag lalaba at nag sasampay na rin, Nasilip nya ito kahit di binubuksan ang bintana jalousie kasi ito.
Kinuha nya ang cellphone nyang di keypad sa bulsa ng kanyang bag at tiningnan ang oras mag alas dyes na pala ng gabi. Halos pitong oras pala ang byahe mula sa probinsya nila hanggang dito sa tondo.
Maya-maya naisipan nyang ayusin muna ang mga gamit nya bago mag pahinga. Iilan damit pang lakad lang naman ang merun sya at yung maayus na pang bahay lang ang dinala nya yung iba kasi iniwan nya na lang sa kaibigan nyang hikahus din sa buhay tulad nya.
Hiniwalay nya ang mga ito sa pinaka babang drawer nilagay nya ang mga pang araw-araw nyang damit sa gitna naman yung maayus dalawang jeans at tatlong t-shirt saka apat na hoodie na puro itim. Sa taas naman yung mga pang loob kasuotan at yung mga importanteng papel nya. Yung larawan naman ng kanyang mga magulang pinatong nya ito sa ibabaw nilagay nya rin ang larawan nila ng kanyang ina kuha last year nung nag tapos sya sa second year highSchool wala itong picture frame kaya inipit nya lang ito sa gilid ng picture frame ng larawan ng mga magulang nya.
May dalawang pares lang syang sapatos isang converse na itim hindi ito tunay nag titipid kasi ang kaniyang ina. At yung Isa rubber shoes na kulay puti ang tatak naman ay Nike hindi rin tunay. Dala rin nya ang tsinelas nyang pang araw-araw. Nilagay nya ang mga ito sa ilalim ng papag saka binalingan ang maliit na kahon na kasing laki lang ng kahon ng sapatos, Dito nakalagay ang mga masasayang araw nya sa Grade school at nung first and second year highSchool sya mula dito nilabas nya ang isang Bank book saka pinatong ang maliit na kahon sa drawer sa may likod ng picture frame nya ito nilagay.
Saka nya dali-daling inilagay ang Bank book sa bag may sekretong bulsa kasi ito. Saka nya tinupi ang naturang bag at maingat na nilagay sa loob ng drawer. Pinailalim nya ito sa mga damit nyang pang araw-araw kahit na halug-hugin man ito nino man hindi nila aakalain na may laman
pa ito.Matapos ayusin ang kanyang gamit at mag palit ng damit pang tulog nag pasya na rin syang matulog. Tinupi na lang nya ang mga hinubad na damit bukas na lang nya ito lalabhan.
Kahit anong pilit nya matulog di nya magawa iyak pa rin sya ng iyak. "Inay!...miss na miss ko na po kayo!!!" Humihikbing saad nya kasabay nun niyakap nya ang isang unan na meyrun sya.
*****
***************SHORT CHAPTERS **************🥰🤩😍🥰
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...