***
Still ian PoV *
Nang sa tingin ko nakuha ko na lahat nang kailangan ko pinuntahan ko na si Jin at niyaya itong bayaran na para ma deliver na ang mga ito, Kaya magkasama kaming tumungo sa counter.
Kinuha ng cashier yung card ni Don Howard saka I'd ko to make sure daw ako si ian Leigh Corteza, may pinapirmahan ito sa akin saka inabut na muli ang card at I'd ko yung receipt ko pinunit nito yung baba na may sub total.
Nag tatakang tinanong ko sya kung bakit? Sagot naman nito utos yun ng Don wag daw ipakita sa akin kung magkano ang kinuha ko, hindi na lang ako sumagot bagkus nag paalam na lang ako dito.
Pinaalalahanan ko din na dapat ipa-deliver na ang mga binili ko sabi naman nito inaayus na bago mag tahghali andun na sa condo ko ang mga yun.
"Next?" Nakangiting tanong ni Jin kaya napaisip ako kung saan nga ba? Dapat yung importante talagang kailangan ko.
Hindi na ako sumagot hinila ko na lang sya sa bookstore pag pasok namin humila ako ng malaking cart, nagulat ako ng humila din si Jin ng isa pa kaya nagtatakang tumingin ako sa kanya.
"Ano ka ba?. . .Alam kung ngayun mo lang gagamitin ang card na yan kaya lubusin muna!" Anito saka may tinuro sa gawing kanan nya, "ako na ang kukuha ng iba't ibang klase ng libro mo bahala ka na sa iba" Dagdag na sabi pa nito at umalis na.
Tama sya ngayun ko lang gagamitin ito upang makapag simula ng panibagong buhay, pag nagkita muli kami ng mga Howard ibabalik ko ito.
Unang kinuha ko ang iba't ibang klase ng notebook , box of pencil, iba't ibang klase ng mga ballpen n tig iisang box, stationary na iba't ibang kulay at disenyo, papers at kung ano-ano pa na gamit ko sa pag aaral.
Nang mapuno na ang aking cart dinala ko muna sa may counter saka nag libut muli, hindi ko nakalimutang kumuha ng mga gamit sa pag pinta bata palang ako mahilig na akong gumuhit.
Halos lahat ng merun ang shop na yun kumuha ako, nung matapos ako saka ko pinuntahan ang kaibigan ko na hindi pa tapos sa ginagawa,nung nakita ko sya laking gulat ko na lang umaapaw ang cart na dala nito.
"Whoa!. . .ang dami naman nyan ahh!" Tanong ko sa kanya.
"Syempre ang dami mo kayang biniling bookshelves!" Anito at tinulungan ko na syang mag tulak ng cart at tinungo na ang counter. Habang patungo kami sa counter panay dampot ng kung ano-ano ito saka nilalagay sa cart na tulak namin pinabayaan ko na lang pero yung sa tingin ko na hindi ko naman kailangan binabalik ko.
Tulad din ng nauna yung card at I'd ko saka may pinapirmahan sa akin, iniwan ko na mga pinamili ko sila na bahala mag dala nun sa mag de-deliver ng mga pinamili ko, bale dalawang deliver yung gagawin uunahin yung mga pinamili ko kanina tapos yung pangalawa pag tapos kung mamili saka nila e-deliver.
"Music shop!!!" Tuwang bulalas ko saka hinila na si Jin papasok sa naturang store.
"Grabe!" Usal na lang ni Jin at sumunod sa akin.
"Diba sabi mo lubusin ko na!" Tuwang sabi ko pa at lumapit na sa isang drum set na nandun. Nag tanong ako kung pwede i-try sabi naman ng sales lady okay naman kaya umupo ako at sinimulan ng mag drums marunong ako, simula grade school nag aaral na ako nakiki-practice kasi ako sa mga kaklase ko na drummers.
Nang matapos ako na bigla na lang ako dahil may nag palakpakan ng tumigil ako, "Wow! Thats awesome ian!" Naka taas pa ang hinlalaking daliring wika ni Jin ngumiti lang ako saka sinabi kung gusto ko nito.
Pinili ko kulay itim din, saka bumili din ako ng guitar, ukulele, violin at organ. Hindi ko na sinubukang tumugtog ayaw ko nang makatawag ng pansin katulad ng nangyari kanina. Kumuha ako ng recording set saka nag bayad na muli.
Sunod na aming pinuntahan ang tindahan ng mga gadgets, tuwang-tuwa si Jin dahil pwede na daw kami mag text lagi, ako naman hindi ko maiwasang malungkot nang maalala ang aking lumang cellphone, bukod sa bigay iyun ng aking ina may boses pa ito ng aking ina habang kumakanta.
Sayang lang lang kasi yung cellphone na yun walang memory card hindi katulad ng mga makabagong cellphone ngayun, Dapat sa mamahaling brand ng cellphone kami pupunta ni Jin pero pinili ko itong hindi kamahalang brand.
Una namin kinuha ang cellphone na touchscreen kulay itim din ito may mga kasama na itong charger at case pati na earphone. Sunod na pinuntirya ni Jin ang isang videocam at camera na parehong kulay itim ang pinili nito. Kumuha din ako ng laptop dahil talagang kailangan ko ito humirit pa si Jin ng tablet na may kasamang pen at keyboard maganda daw yun dahil mayrun din sya nun.
Nakita ko ang isang Playstation noon pa man gusto ko na magkarun ng mga ganun pero diko naman kailangan kaya diko na lang sana titingnan para di na ako matukso ngunit itong magaling kung kaibigan napansin siguro nito na tinitingnan ko ang mga yun.
Hinila nya ako sa gawi kung nasaan ang Playstation, "itong switch ang kunin mo ian! . . ." Sabi nya sa akin pero sabi ko sa kanya hindi ako marunong sa mga ganyan kaya naman sya ang pumili excited pa ito.
Yung Nintendo switch set ang kinuha nya tapos humingi pa ito ng mga extra controller para lahat daw kami makalaro, sabi ko na may balak talaga itong tumira sa akin.
Matapos namin katulad ng dati card ng mga Howard gamit ko saka lumabas na kami di namin akalain tanghali na pala kaya nag-Yaya si Jin kumain libre daw nya.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...