*****
Ian PoV **
Makalipas ang ilang araw wala parin balita kung pumasa ba ako o hindi, sa susunod na linggo na ang pasukan kaya naman kinakabahan na ako, dumagdag pa itong malditang Madisyn na ito. Wala kasi itong tigil kakatukso na umaasa pa daw ako na papasa, Wag daw akong ambisyosa na puro sa malalaking paaralan pa daw ang balak kung pasukan.
Yung akin lang naman kung saan ako makakatipid, eh sa malalapit ang mga iyon haiist!! Kainis talaga.
Andito ako ngayun sa likod ng bahay katatapos ko lang mag laba. Pabagsak akong umupo sa upuan na nandon sa ilalim ito ng malaking puno ng mangga. Saka inis kung dinukot ang aking bulsa para kunin ko aking cellphone nyunit wala ito rito.
Nakalimutan ko pala sa silid ko kaya muli akong tumayo at tinungo ang aking silid, mag isa lang ako dito sa bahay wala ang tatlo kakain daw sa labas. Minabuti ko ng doon na mag pahinga tiningnan ko ang aking cellphone at laking gulat ko na lang na may tatlong mensahe ito.
Wala naman kasi nag t-text sa kanya kasi ang nag iisang kaibigan nya walang cellphone. Kaya excited na tiningnan ko ito halos walang masidlan ang aking tuwa ng mabasa ko na tinanggap ako sa U,N pati na sa G,I,S at S,I,S. Halos mapatalon ako sa tuwa hindi ko na aasahan ang B,T,S na mag text ok na ako sa G,I,S at S,I,S ayuko rin sa U,N.
Maluha-luhang napatingin ako sa larawan ng aking mga magulang, "Ina...ama!! Pumasa po ako!!" Pagkabanggit ko sa katagang iyon tuluyan ng pumatak ang luha ko.
Maya-maya pa dumating na ang tatlo lumabas ako para maiayus ang mga pinamili ng mga ito, nag grocery na rin pala sila "Oh! Bakit parang umiyak ka? Aba!! Ano na naman ang inaarte mo?" Si tita May ng mapansin na mapula ang aking mga mata.
"Eh kasi Mommy...hindi sya pumasa kahit isa sa mga pinag eksaman nya! Ambisyosa kasi!" Si Madisyn na inismiran pa ako nito.
"Aba! Problema mo na yun mahina ang kukuti mo! Sayang lang naman ang pera ko kung pagaaralin kita!" Mataray na wika ng tiyahin nya.
"Kawawa ka naman! Wala na ngang alam hindi pa makakapag----"
"Pumasa ako!" Putol ko sa sasabihin ni Madisyn na kinalaki ng mga mata ng mag ina.
"Anong sabi mo?" Kunot nuong tanong ni Madisyn sa akin.
"Pumasa ako sa U,N pero wag kang mag alala dahil wala yun sa pagpipilian ko. Pumasa din kasi ako sa G,I,S at S,I,S!" Sabi ko sa mga ito at tinalikuran ko na sila narinig ko kasi tumutunog ang cellphone ko na nasa silid ko.
Hindi nya kilala ang numero ng tumatawag nakita nya rin na nakasunod sa kanya ang mag-ina kaya sinagut na lang nya ang tumatawag.
"Hello!" Ani ko
"Is this Miss Ian Leigh Corteza?" Sabi naman sa kabilang linya na boses babae.
"Yes, po?"
"Oh! Miss Corteza, this is Miss Santiago from B,T,S? Naalala mo pa ba yung nag interview sayo last week?"
"Opo...opo...Miss Patty...ano po ang atin?" Kabadung tanong ko dito.
"Sorry Mas pinili kung tawagan ka, Mas okay kasi kung sa tawag ko sasabihin na-"
"Na?..... Na ano po?" Pigil na hiningang tanong ko dito, pabitin pa kasing nalalaman.
"Na ikaw ay pumasa!!!!" Tuwang sigaw nito sa akin na animo'y sya ang pumasa, napatulala naman ako hindi ko alam kung ano ang gagawin basta ang alam ko masayang-masaya ako.
"Thank you po!" Maluha-luhang pasasalamat ko dito at agad naman itong nagpaalam, basta magkita na lang daw kami sa lunes.
"Sino yan?!" Mataray na tanong ni Madisyn
"Secretary ng B,t,s binalita nya na pumasa ako at pwede na akong pumasok sa lunes!" Sagot ko sa kanya, kitang-kita sa mukha nito ang pagkainggit. Dahil sino ba naman ang hindi pangangarapin na makapasok sa eskwelahang iyon.
Padabog na naglakad si Madisyn papalayo sa akin si tita naman matalas ang tingin sa akin. "Sisiguraduhin mo lang na bago ka pumasok tapos ka na sa mga gawain mo dito!!" Sigaw nito sa akin at umalis na rin lihim na lang ako napangiti at nag usal nang mga katagang,.. THANK YOU LORD Ang hiling ko po isa lang pero binigyan nyu ako ng maraming pagpipilian, Da Best ka talaga God!.
**********SHORT CHAPTERS ********
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...