*****
Namangha ako sa laki ng B,T,S ang laki ng field nila. "Teka! Asan ang building?...anak nang pusit naman ano yan?" Malakas na tanong ko sa sarili ko ng makita ko ang hinahanap ko " ano yan palasyo? Teka tama ba pinasukan ko?" Hindi ko maiwasang mag taka ngunit ng makita ko ang malaking pangalan ng naturang paaralan saka lang ako naniwala na ito na nga ang paaralan.
Mula sa pinasukan ko nasa gawing kaliwa iyon, tatlo ang gate ng school isa sa harap main gate yun doon mo makikita ang parking lot at sa kaliwa't kanan. At pansin ko rin bawat gate may tatlong guards na nagbabantay dito masyadong matataas din ang bakod na hindi mo talaga makikita ang labas kundi mo sasadyaing lumabas.
Mula sa main gate may path way na patungo sa campus building mag kabila yun na konektado sa magkabilang gate. Sa gitna nun may batibot na maraming bulaklak na mistulang naging garden na rin malapit yun sa main gate tapos yung malaking field Sa harap ng gusali ay doon naka pwesto ang flagpole.
May Anim na palapag ang palasyo este ang building, nag mamadali akong pumasok dahil 12:30 na 1pm ang take ng exam. Pag pasok ko naman ito na naman ako nganga! napaka Ganda kasi parang nasa ibang bansa lamang ako. Napaka Ganda ng hagdan yung feeling na pag baba mo ng hagdan na yun naghihintay na yung prinsipe mo ayieee...
Nasa bungad ang malaking hagdanan na konektado sa lahat ng palapag ng school dito lahat dadaan palabas o papasok pero sa kaliwa't kanan ng gusali makikita mo naman yung fire exit. Sa kanan naman malapit sa hagdan makikita mo ang school clinic sa kaliwa naman ang office na may pangilan ngilang tao mag e-exam rin ata ang mga ito.
Matapos akong ma-interview nagtake na rin ako, hindi na ako umaasa na papasa ako napaka taas ng passing grades nila para maging iskolar ka nila. 90 ang kailangan upang matanggap ka. Nandito na rin naman ako tinuloy ko na lang bahala na.
Matapos kung mag-exam nag pasya narin ako na umuwi na rin, nalaman ko na ito pala ang pinaka malaki at pinaka magandang school dito sa pilipinas at confirm!!! Mga mayayaman lang ang mga nag aaral dito dahil subrang mahal ng tuition fee, ang sabi ng secretary nitong school ngayun lang kukuha sila ng iskolar kaya dapat matalino.
Kaya pala 90 ang kailangan siguro ayaw talaga nila ng iskolar dahil wala nga naman silang mapapala sa mga ito. Nagmamadali na rin akong lumabas ng building nagugutom na kasi ako. Uupo muna ako at kakainin ko ang Hansel na dala ko.
Dinala ako ng aking mga paa sa gilid ng field sa tabi ng puno may upuan Saka naupo doon, nilabas ko ang Hansel at nag dala rin ako ng tubig nasa lalagyan lang ito ng mineral water pero nung monday ko pa ito binili nilagyan ko lang ito ulit ng tubig para di na ako bumili sayang din kasi.
Pag bukas ko ng Hansel biglang, "it's that Hansel?" Tanong ng isang napaka gwapong lalaki mataman itong nakatitig sa aking Hansel agad ko naman nilayo sa kanya ang Hansel ko. "Hey! Just give me one" Aba gago to ahh..sino ba to? Pero binigyan ko na lang sya, inabut ko sa kanya ang Hawak ko saka kumuha naman ito ng isa at ngumiti ito nang pagkalakilaki. Sinto-sinto yata ito eh sayang gwapo pa naman.
Umalis na lang ako bago pa maubos itong nagiisang baon ko. Hindi ko na nilingon ang lalaki nag patuloy na lang ako sa paglabas ng campus, kung saan ako pumasok dun din ako lumabas, at next week malalaman ko kung pumasa ba ako text na lang daw nila ako.
************SHORT CHAPTERS *********
***********⛔⛔ POV ALERT⛔⛔*********
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
RomanceIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...