***
Charlotte PoV *
Hindi ko alam kung ano pumasok sa isip ko kung bakit ko ginagawa iyun kay Ian. Hindi ko maiwasang ma guilty Lalo na umiiyak sya ngayun.
"Ipaayus mo ito" Umiiyak na sabi nito.
"Naku ian. . . .mukhang di na maayus yan saka wala na rin ganyan cellphone ngayun" Ang magaling kung boyfriend na ang tumugon dito Kaya naman lalo lang nag puyos ang galit ko.
"Huh!! . . .like what I said papalitan ko yan ng bago! Kahit mamahaling cellphone pa kapalit ng bulok mong cellphone!" Galit na sabi ko pilit na winawaksi sa isipan at damdamin ko ang pagka guilty.
"Bakit?. . . Simula pa lang ng pasukan mainit na ang dugo mo sa akin!, Hindi kita kilala. . .hindi mo rin ako kilala pero bakit ano ba ang ginawa ko sayo?" Mahina pero may diin na tanong nito sa akin habang nakatitig ito sa sahig. Ramdam ko din na nagpipigil lang ito ng galit.
"Nothing! I just don't like you!" Mataray na sagot ko at nilabanan sya ng titigan.
"You just don't like me?. . . Huh!?. . . Bakit tinanong mo ba kung gusto kita?. . . Yung patirin habang naglalakad ayus lang,. . . yung buhusan ng tubig ayus lang din, . . . yung ipahiya sa klase okay lang, . . yung sabihan mo ako ng kung ano-anong masasamang Salita okay lang din," Mahabang usal nito habang tumutulo ang masaganang luha nito hindi ako makakibo Sa mga sinabi nya.
"Oo mahirap ako alam nyu lahat yan, . . . Alam mo ba na nagpipigil lang ako na hindi ka patulan kailangan eh sayo walang mawawala sakin malaki!, pero ngayun y-yung nag iisang bagay n-na pinagkakaingat-ingatan ko." Pagkasabi nyang yun bigla na lang ito napa-upo kaya naman sila Zoe dali-daling inalalayan ito.
"Yanna! Tama na. . .bumili na lang tayo ng bago" Ani Lincoln na pinapunsan ang luha ni ian, umiling-iling ito at tumingin sa akin.
"Hindi nyu ako naiintindihan!, hindi sa akin mahalaga ang cellphone ang mahalaga sa akin ang laman nito." Patuloy na pag iyak ni ian halos di ako maka-kibo kitang-kita ko sa mga mata ni ian na subrang lungkot at sakit.
"I'm sorry ian, sa ginawa ng best friend ko, pero hindi na talaga yan maaayus pa" Naiiyak na wika ni Louise Lalo lang naman umiyak ng malakas si ian. Marami na rin ang mga nakiki-usyuso.
"Kailangan ko to!"
"Ano ba! Sabi ko papalitan ko na lang!" Sigaw ko sa kanya, masama naman nya akong tinitigan.
"Ilang beses ko din sasabihin sayo! Hindi mo pwedeng palitan yan! Andyan lahat ng mga mensahe sa akin ng inay ko! Kailangan ko yan! Kailangan kung marinig ang boses ng nanay ko" hagulhol na iyak nito.
" Ian pwede naman tayo mag bili ng bago tapos pwede pa yan Sim mo pwede mo pang tawagan ang inay mo" Mahinahong sabi ni Tyler dito umiling-iling ito kay Tyler saka malungkot na sumagot.
"Ty, wala na si i-inay. . . .w-wala na akong tatawagan pa yun na ang H-huling mensahe ng inay sa akin"
At dahil doon tuloy-tuloy na nag patakan ang luha ko, ano ba itong nagawa ko?. Bakit ba ako ng kakaganito?.
"I'm s-sorry " Umiiyak kung paumanhin kay Ian, Pansin ko naman na masama ang tingin sa akin nila Tyler ang mga studyanteng nandun kung ano-anong bulungan na naririnig ko rin naman.
"What's happening here!" Ani ng tinig, Si Dean pala kaya Kanya-kanyang alisan ang mga studyante upang bumalik sa klase, naiwan naman kami.
"In my office!" Galit na sabi ni Dean saka tumalikod at umalis naka alalay sa akin si Louise umiiyak na rin, Si Stephen naman nasa may likod ko.
Malungkot kung sinundan nang tingin ang mag kakaibigan na naka alalay kay Ian papalabas ng cafeteria, subrang guilty ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...