***
IAN POV*
Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko?. .hindi ko na maririnig ang boses ng aking ina kahit man lang sa cellphone. Lumuluhang inuuguy ko na lang ang duyan na sinasakyan ko andito na naman ako sa park.
Hinayaan ko na lang umagos ang mga luha ko hayaan na lang hanggang matuyo ang aking mga luha. Wala na rin naman akong magagawa nangyari na hindi ko rin alam kung kaya ko pang ipag patuloy ang buhay ko.
"I'm glad to see you here!" Ani ng isang boses lalaki na kinagulat ko ng bahagya. Tumingala ako dito naka ngiting mukha ng isang matandang lalaki ang aking nasilayan ngunit ang pagkakangiti nito napalitan nang pag-aalalang mukha ng masilayan ako nito.
"Iha!?. . .What's wrong?" Takang tanong nito at nilapitan ako nito, hindi ko alam imbes na sumagot ako dito Lalo lang akong napahagulhol ng iyak, Walang imik na niyakap na lang ako ng matanda habang hinahaplos ng bahagya ang aking likod.
Matapos kung umiyak ng umiyak nag malay na lang ako na nasa isang restaurant na kami. Pina inom nya ako ng tubig saka nag order ito ng aming makakain hindi na nya ako tinanong sya na mismo ang nag order para sa akin.
"Mabuti naabutan kita dito. . .lagi akong pumupunta dito nag babakasali makita kita at hindi ako nag kamali" Nakangiting sabi nito.
"Bakit po?" Tanong ko dito.
"Iha! Malaki ang utang na loob ko sayo kung hindi sayo baka na patay na ako ng mga lalaking yun!" Sagot nito.
"Wala po yun, saka kahit sino man po ang mapa-daan doon siguradong tutulungan kayo" Sabi ko habang pinupunasan ang aking mukha.
"Nung gabing yun iha, hindi lang ikaw ang nakakita sa akin, may dalawang lalaking nakitang binubugbog ako ngunit tumakbo lang ang mga ito!" Iiling-iling na bulalas nito, bahagyang natawa naman ako.
"Gusto ko iha!. . .bago ako bumalik sa states. . .gusto kung tulungan ka" Mahinahun na sabi nito. "Wag kang magagalit pina-imbestigahan na kita alam kung namumuhay kang mag isa, hindi ko nga lang alam kung saan ka nakatira ngayun?" Dagdag na wika nito.
"Hindi ko nga po alam kung paano ko ipag papatuloy ang aking buhay" Matapat na sabi ko dito.
"Gusto mo bang sumama na lang sa amin sa states?" Tanong ng matanda na kinagulat ko. "Siguradong matutuwa ang Misis ko pag sumama ka sa amin" Dagdag na sabi pa nito.
"Naku hindi po!. . .maraming salamat na lang po" Nahihiyang tanggi ko naman dito, hindi na ito naka sagot ng dumating na ang order nito, kumain muna kami.
Matapos kumain nag pasalamat ako dito, sa totoo lang naging magaan ang nararamdaman ko matapos kung umiyak dito.
"Here! . . ." Sabi nito at inabut sa akin ang isang papel nag tatakang tiningnan ko naman ang papel na halos lumuwa ang mga mata ko ng makita iyun. Isang tseke pala ito na nag lalaman ng isang daang milyon pesos.
Dali-daling binalik ko ito dito at sinabing hindi ko matatanggap iyun dahil masyadong malaki. Pinilit pa ako ng matanda pero hindi ko talaga tinanggap ito.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
RomanceIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...