Lincoln-54

10 1 0
                                    

***

Katulad ng plano pag katapos ng practice tinungo namin ang mall upang bumili ng pwedeng i-regalo kay ian bukas, kasama din namin si Louise sinama ito ni Axel kaya naman hindi ito tinatantanan ni Wyatt sa panunukso.

"Louise.  . .ano ba ang binibigay pag home blessing?" Seryusong tanong ni Tyler dito.

"Hindi ko alam eh!. . .parang di naman nag reregalo pag home blessing?" Hindi siguradong sagot naman ni Louise.

"Oo nga! Parang tayo lang ang naka isip nun"  Ani Axel na nginisian ni Wyatt.

"Food na lang!" Bulalas ni Tyree na naka tingin sa isang restaurant, tss. . .I'm sure gutom na naman ito.

"Ree!. . .mamaya pa tayo kakain ha!? Doon tayo sa clothes section  reregaluhan ko sya ng hoodie?" Bulalas ni Wyatt " ako naka isip ng hoodie mag isip kayo ng sa inyu!" May pag irap nitong dagdag at kume-kendeng kendeng na nag lakad na naka tikwas pa ang kamay.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa saka sinundan ito sa pag lalakad, "Gago!" Rinig kung bulong ni Tyler saka tumawa,  kaya wala na kaming nagawa kundi sundan ito.

"Sweater sa akin! " Sigaw ni tyree at tumakbo patungo sa gustong bilhin nito.

"Kailangan ko din bang tumakbo?" Tanong ng pinsan ko habang nakatingin sa gawi ni tyree na namimili na sa mga sweater.

"Oo ba!. . .basta isama mo itong si Louise!" Sagot ni Tyler na nginuso pa si Louise.

Yun na nga ang ginawa ni Axel hinila nito si Louise saka pabirong sinabi dito. . . takbo!. Naiiling na Lang Kami ni Tyler saka pumasok sa isang games shop.

"Nakikita ko si Ian nanunuod tuwing nag lalaro si Wyatt sa psp nya Kaya balak ko bigyan sya nito" Sabi ni Tyler saka tumingin tingin sa mga psp na nandun nag paalam ako sa kanya Dahil ako na Lang ang wala pa naiisip.

Hindi ko alam kung ano ang ibibigay ko dito mahilig syang kumain katulad ni Tyree,  mahilig syang kumanta parang si Axel,  sa pag sasayaw naman pareho sila ng hilig ni Wyatt, aiisst!. . .ang hirap mag isip bigyan ko na lang kaya ng pera yun pero sure ako na hindi nito tatanggapin baka isampal pa nito pabalik sa akin.

"Hoy!. . . .ano na? Kanina ka pa dyan ahh?!" Singhal ni Tyler sa akin na kinagulat ko dahil ambilis naman nya.

"Hindi ako mabilis bro!. . .kanina ka pa dyan tulala!" Sagot nito sa iniisip ko, diko na lang sya pinansin at tinungo ang isang shop kung saan ako makakabili ng gusto kung ibigay sa kaibigan namin.

Makalipas ang ilang sandali nakabili na kami at kasalukuyan naka upo sa isang restaurant na ayun kay Tyree ay masasarap ang mga pagkain, sya na lang din ng pinag order namin.

"Paki bigay na lang itong gift ko kay Ian ha?!" Maya-maya sabi ni Louise na pinakita pa ang isang pink na paper bag.

"Naku!. . .hindi yan magugustuhan ni ian! Pink eh!" Tudyo dito ni Wyatt.

"Ano ka ba hindi naman ganun si ian!" Sabat ni Axel

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon