*******
*Someone PoV *
Anong someone PoV wala nang pa mysterious effect..wala na rin entry entry! Ako si Ethan Wyatt Carter....16 year old, gwapo, matipuno matalino,mabait seryuso---
"What are you doing?" Epal ng kaibigan ko sa iniisip ko"Tyler naman ang epal mo!" Sabi ko dito at inismiran lang ako, aba?!! Bakla din to eh!.
Anyways! Andito kami sa campus 6am wala pa man masyadong studyante, nandito na kami. Bakit? itanong nyu na lang kay Tyree haha Ewan ko ba dito 5:30 nasa bahay na ang dalawa kailangan daw nyang mauna sa school.
Dahil nga mabait ako binagbigyan ko na saka ko Nalaman na may gustong abangan si Tyree may nakilala daw itong magandang babae, tinanong ko ang pangalan ngunit hindi nya daw alam, nakakagago diba nakilala ngunit di alam ang pangalan.
"Baka Hansel! Haha!" Biro ko pa nga dito ng sinabi nyang binigyan sya nito ng biscuits na Hansel. Na kinatawa rin ng kakambal nito na si Tyler inismiran lang naman kami nito.
Tumambay muna kami sa may batibot iniintay pa namin ang dalawa pa naming kaibigan. Sabi ni Tyree on the way na daw. Parami ng padami na ang mga studyante na dumadating ang iba nga naka palibot sa amin at kanya kanyang bulungan may tumitili pa nga,. Ganyan ako kasikat. Wahahaha!!!
Maya-maya pa dumating na ang dalawang mag pinsan na Smith. Mula sa pwesto namin sa batibot tanaw namin ang dalawa nag lalakad papasok ng main gate. Walang ano-ano napatid ang tumatakbong si Louise kaya naman kitang kita namin kung paano ito sambutin ng kaibigan naming si Axel! Naknang! Dagdag pogi points na naman ang Smith na yan Ani ko sa isip ko.
Teka si Louise ay crush ni Axel hahahaha nakakakilig ang p*ta nababakla na tuloy ako. Kaya naman nang lumapit ang mga ito sa amin ay kaylaki ng ngiti nang Smith na ito!.
"Naka pogi points ka kaagad Axel ahh!" Bungad ko dito ng makalapit ito sa amin. Na nginitian lang ako ng gag* at kunting kamustahan saka nag-yaya na mag lakad si Lincoln doon daw kami sa may field sa tapat nang buiding maaga pa naman daw. Kow! Hula ko matutulog ito doon. Tss bagay silang mag sama ni Tyler mga tamad!.
Hindi pa rin Maawat yung mga tiliian ng mga studyanteng nandun hindi man sa pagmamayabang sikat kaming lima sa school na to! Hindi ko Alam kung bakit maliban sa gwapo ako wahahahah.
Narating na namin ang gustong puntahan ni Lincoln at yes! Tama ako pag dating kasi dun sabay silang nahiga ni Tyler sa dalawang bench na nandun. Haiist! Sabi ko na at dahil wala na kaming maupoan tatlo sa lapag na lang kami umupo. Malinis naman ang Bermuda grass na nakalatad sa buong field.
"Napaka-aga naman natin!?" Ani Axel na mukhang masaya ang mokong!
"May gusto kasi akong makita! Mukhang wala sya" malungkot na sagot ni Tyree na agad ko naman tinapik ang balikat nito.
"Ano kaba maaga pa baka mamaya pang 9 dadating?" Sabi ko dito na sinamaan ako ng tingin. Nag peace sign naman ako sa kanya.
"Oh!!!!...it's her!...i-its her!!!" Malakas na usal ni Tyree habang may tinuturo sa amin, nagulat kami sa kanya pati yung mga tamad naming kaibigan napabangon bigla.
"Alin dyan?"tanong ni Lincoln sa kanya habang lahat kami nakatingin sa tinuturo nya. May mangilan-ngilan kasing studyante pumapasok sa kaliwang gate kaya di namin alam kung sino doon.
"Yung naka black hoodie!!" Bulalas nito at tumayo mukhang lalapitan itong sinasabi nya, mukhang tinamaan ang mokong. Sumunod naman kami sa kanya.
Hindi namin makita ang mukha ng sinasabi ni Tyree naka hoodie kasi ito at naka yuko, mataas ito at mukhang maganda mag dala ng damit kahit simple simpleng plain black hoodie jeans na black, shoes nya black din pati bag black. Ano to gangster?.
Tumigil si Tyree sa may gilid ng Daan kaya napatigil din kami kaya pala malapit na yung babae, ngunit nilampasan lang kami. Hinintay lang naman namin si Tyree kung ano ang gagawin. Makalayo ng kunti yung babae sinundan na namin ito. Papasok sa building namin.
***************Thank you!!!!😍🥰
********SHORT CHAPTERS *******
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...