*****
Ian PoV *
Hindi parin ako makapaniwala na maipagpatuloy ang aking pag-aaral hanggang ngayun ay wala akong kasing saya, kaya nang dumating ang araw ng lunes maaga akong nagising upang gawin ko na ang mga gawaing bahay.
Nasa ikalawang palapag ang kwarto ng tatlo kaya naman malaya akong nakakagawa. Matapos kung maglinis ang pag lalaba naman ang aking ginawa may washing machine naman kaya hindi ako masyadong nahihirapan.
Habang nakasalang sa washing ang aking mga nilalabhan tumungo ako sa kusina at hinanda ko naman ang aking mga lulutuin na almusalan. Nilabas ko na rin ang manok na lulutuin ko para pananghalian ko mamaya.
Nang matapos ako saka ko binalikan ang nilalabhan ko madali ko itong tinapos, at binalikan naman ang gawain sa kusina. Sakto alas sais na nang umaga ng matapos ako kaya naman naligo na rin ako.
Matapos maligo tumuloy na rin ako sa aking silid, kagabi pa lang hinanda ko na ang aking susuotin damit iilan lang naman ang aking damit. Isang jeans at puting t-shirt saka syempre ang aking hoodie.
Sinuot ko muna ang aking t-shirt mamaya na ang hoodie pag aalis na ako. Hinanda ko ang aking baon, dali-dali ko itong nilagay sa isang lalagyan. Hindi kasi alam ito ng tiyahin nya malamang pagagalitan sya nito. Siguro naman sa lahat ng pang aalila ng mga ito sa kanya deserve nya ito.
Matapos hugasan ang mga ginamit kumain din ako para di ako magutom, Matapos ihanda ang aking bag na itim maingat kung binalot nang magandang tela ang aking baon. Tela pa ito ng kanyang ina dito nya minsan binabalot ang kanyang baon nung nabubuhay pa ito.
Nilagay nya muna ang binalot sa bag bago nilagay ang isang notebook at ballpen. Nilagay din nya ang kanyang cellphone na malapit ng masira.
Umalis na rin ako, diko na hinintay ang mga ito magising lumabas na ako at sinarado ang pinto. Halos madilim pa kaya pangilan-ngilan pa lang ang mga taong nag lalakad. Maaga syang papasok di kasi sya sasakay ng jeep. Naisip nya kung maaga sya aalis kahit na mag lakad sya hindi sya mahuhuli sa klase.
Ngunit hindi pa man lang sya nakakalayo may narinig sya sumisigaw ng tulong, dala ng pag ka mausisa tinungo nya ang pinang gagalingan ng boses.
"Ano ka ba corteza!!! Mapapatay ka nyan sa ginagawa mo eh!" Singhal ko sa aking sarili habang patuloy na naglalakad patungo sa gawing yun.
Maya-maya nakita nya ang dalawang lalaki na nakatalikod sa gawi nya habang may isang magandang babae na animo'y takot na takot sa mga ito. Nag isip sya kung paano matutulungan ang babae, "Bahala na! Pinasuk mo yan Corteza kaya panindigan mo!" Bulong ko sa sarili ko at ginawa na ang plano na mayrun ako.
"Doon po mamang pulis! May dalawang lalaki dun kasama nung babaeng humihingi ng tulong" malakas na bigkas ko upang marinig ng dalawang lalaki. Mukha naman ito natigilan nag katinginan pa nga ang dalawa."Owkay! Man.... Palibutan nyu ang area!!" Sigaw ko na naman na medyu pinalaki pa ang boses Saka paulit-ulit na naglakad na sinasadya ko talagang ingayan ang bawat hakbang ko pero di naman ako umaalis sa tinataguan ko.
"Tara na!" Rinig kung sabi ng isang lalaki at dali-daling nag takbuhan ang mga ito papalayo.
"Ayus gumana!" Natatawang usal ko
"Eh kung di gumana? Anong gagawin mo? Tanong ng babae na inaayus ang damit nito mukhang nag jo-jogging lang ito ng atakehin ito ng dalawang lalaki.
"Ayus ka lang ba?" Tanong ko sa kanya diko na lang pinansin ang tanong nya, diko rin alam kung ano ang isasagot dito.
Ngumiti ito at tumango, "Zoe Jin McLaren!!!...utang ko buhay ko sayo!" Pagkuway sabi nito at nilahad pa ang kamay nito.
"Ian....wala yun kung kahit sino man ang dumaan dito sigurado ako ganito rin ang gagawin" Sabi ko dito at inabut ang kamay nito.
"Siguro! Maliban na lang sa plano mo" Natatawang sabi pa nito na tinawanan ko na lang...
Maya-maya pa ay may mga dumating na lalaking mga naka itim na kasuotan. Siguro hindi bababa sa sampu ang mga ito. "Young lady! Andito lang po pala kayo kanina pa po kayo pinapahanap ni Master" Nakayukong sabi nang isa sa mga lalaking dumating.
Mukhang bigatin ang babaeng ito. Mabilis na nilisan ko ang lugar na yun baka ma late pa ako.
*****Zoe Jin McLaren 💜 💖 💕
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
RomanceIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...