***
Napapangiting naiiling na lang ako kay jin habang inaayus nito ang paper bag na pinag lalagyan ng cupcakes at salad, Kanina pa naka alis sila Tyler nag paiwan lang si Jin dahil yung cupcakes daw nya kasi diko pina balotan sila Tyler marami naman pag kain mga yun.
"Oh, sya ingat. . Text mo ako pag naka uwi kana!" Masayang wika ko kay Jin na naka ngiting tumango sa akin, "Thank you so much!!" Anito saka nag beso kami saka tuluyan ng pumasok ito sa sasakyan nito.
Kumaway pa ako ng ibaba nito ang salamin ng sasakyan naka ngiting kumaway din ito saka tuluyan ng umalis ang sasakyan nito.Masayang tinungo ko ang elevator marami pa akong liligpitin pinalaki kasi ako ni ina na dapat malinis ang buong bahay bago mag pahinga maliban na lang kung masama talaga ang pakiramdam.
Pag pasok ko sa unit ko agad ko niligpit ang mga tsinelas binalik ko sa lalagyan ang mga ito, Dumeretso ako sa sala inayus ko at binalik ang mga controller nang switch nag laro kami kanina after movie, Nag vacuum na din ako at pinunasan ang coffee table.Sinunod ko naman ang kusina binalik ko na ang mga ginamit ko sa mga kabinet, nag vacuum din ako saka nag mop ng sahig. Mag ten na rin ng gabi nang matapos ako naligo at humiga sa bago kung kama, Nag reply din ako sa mga message ng mga kaibigan ko na naka uwi na daw sila.
Mapait na napangiti ako halo-halong imusyon ang nararamdaman ko pero sa kabila ng lahat nag papasalamat parin ako sa maykapal sa mga biyaya nya sa akin. Ito na ang simula ng bagong buhay ko.
"Ina. . .Miss na miss ko na po kayo!" Aniko na hanggang ngayun umiiyak pa din ako tuwing mamimiss ko ang aking ina. "Alam ko po kasama nyu na si ama masaya po ako para sa inyu atleast hindi kayo nag iisa kasi ina. . .Malungkot pag mag isa ka lang. . .pero alam po ina may mga bagong kaibigan ako kahit papaano naiibsan ang kalungkutan na nararamdaman ko." Hinayaan ko na lang umagos ang mga luha ko at pinikit ang aking mga mata.
***
Zoe🥰ian
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...