***
Naalimpungatan ako mula sa aking pagkakatulog ng may marinig akong mga boses ng mga lalaki. Nakiramdam ako mabuti at Dahan-dahan akong bumangon sa pagkakahiga ko nakalimutan ko nasa ilalim ako ng isang bench na gawa sa bakal napapikit na lang ako sa subrang sakit ng naumpog ako dito.
Kinuha ko ang aking cellphone na naghihingalo na sa kalumaan tiningnan ko ang oras dito alas dos na pala ng madaling araw, Maya-maya pa narinig ko na naman ang mga lalaki na animo'y nag aaway kaya Dahan-dahan akong sumilip kung saan ko naririnig ang mga ingay, hindi na ako mag Tataka kung maaga akong mamatay sa pagka tsismosa ko.
Pagkasilip ko mula sa kinatatayuan ko napansin ko ang limang lalaki na pawang mga naka itim at isang lalaki na naka luhod. Maya-maya pa nakita ko ang isang lalaki na may patalim na animo'y sasaksakin ang lalaking nakaluhod sa lupa.
Agad naman akong na alarma hindi ko Alam ngunit kusang kumilos ang aking katawan patungo sa mga ito bago pa man masaksak ang lalaki nag Salita ako na kinatigil ng mga lalaki.
"Anong merun dito?!" Tanong ko sa mga ito na di pinapahalata na nanginginig na ang aking mga tuhod sa takot.
"Sino ka!" Pabulyaw na tanong nung lalaking may hawak na patalim boses pa lang nito nakakatakot na, pero imbes na matakot mas lumapit pa ako sa mga ito at mayabang na nag wika ng.
"Huh!...sino ako??! Hindi nyu ako kilala?"
Kumunot naman ang mga noo ng mga ito saka nagtatakang tumingin sa isa't-isa saka tumingin sa akin na animo'y kinikilala ako. Paano ba naman nila ako makikilala bukod sa hoodieng humaharang sa kalahati ng mukha ko bibig at ilong lang ang nakikita nila sa akin at higit sa lahat napadpad lang ako dito.
"Sino ka ba?!!" Galit na tanong ng isa sa mga ito, ngumisi ako sa mga ito.
"Ako lang naman ang papatay sa inyu pag di nyu pinakawalan ang lalaking yan!" Seryuso kung sabi sa mga ito at hinanda ko na ang sarili ko sa mangyayari. "Walang hiya ka corteza!..maaga kang mamatay sa ginagawa mong yan!" Mahina kung singhal sa sarili ko.
Dahil sa sinabi ko nagalit ang mga ito at sabay-sabay na sumugod sa akin ang apat na lalaki mabuti na lang ay mga payat ito kaya hindi sya mahihirapang ibalya ang mga ito pag nagkataon.
Animo'y sasapakin sya ng isang lalaki ngunit agad nyang nahawakan ang braso nito at ito ang sinapak saka sinipa tumalsik ito. Hindi pa man lang sya nakakabawi may isa na namang susuntukin sya kaya naman sinipa nya ito sa mukha mismo.
Mahihina!, kasi ang dalawang yun ay di na bumangon tumingin ako sa dalawa pa na natigilan saka sabay na sumugod sa akin sinuntok ako ng isa ngunit nailagan ko yung Isa naman animo'y gusto akong hawakan sa dalawang braso ko kaya inikutan ko ito saka sinuntok ng dalawang beses na mag kasunod tumba! Ang isa naman ang pinanggigilan kung bugbugin naalala ko ang mag ina nag palayas sa akin kaya kahit na tumba na ang mga ito wala akong tigil kakasipa sa mga ito, natigil lang ako ng marinig kong magsalita ang isa pang natitira.
Tinatawag nito ang apat na wala ng malay, ngumisi ako dito at lumapit pansin ko ang panginginig ng kamay nito at napapalunok pa nang akmang susugurin ko na ito bigla itong tumakbo papalayo habang sumisigaw.
"Tss...duwag naman pala!." Bulalas ko at tiningnan ang lalaking nakasalampak pa rin sa lupa ng titigan ko ito matanda na pala ito nasa idad singkwenta na pataas ito siguro.
"Ayus lang po ba kayo?" Tanong ko dito at inalalayan itong makatayo.
"Maraming salamat iha!.." Nanghihinang sabi nito
"Wala po yun!..teka po umalis na muna po tayo dito baka mag tawag pa yun ng mga kasama baka mapahamak pa tayo." Sabi ko dito saka inalalayan papaalis doon.
" pasensya na hindi ko po alam kung saan ang hospital o police station dito hindi kasi po ako taga dito mabuti pa po mag intay tayo ng tricycle o jeep, maski na taxi para madala kayo sa ospital" Sabi ko dito nang makalayo na kami kung saan kami galing saka inalalayan ko syang umupo sa isang mataas na semento, nasa gilid kami ng kalsada halos wala na talagang dumadaan sa gawing parteng yun Kahit nga bukas na tindahan wala.
"Ayus lang iha...baka may cellphone ka pwede ba ako makitawag?" Anito na napapadaing pa sa sakit siguro ng mga tama nito. Kaya kinuha ko ang aking de-keypad na cellphone at inabut dito,Maang na napatingin sa akin ang matanda saka titingin sa cellphone ko.
"May load pa po yan pwede nyu po gamitin" Sabi ko dito
"Gumagana pa ba ito iha?" Kunot noong kinuha nya ang cellphone ko saka nag dial ito doon, Tss minaliit pa ang cellphone ko. May tinawagan ito lumayo ako para mag hanap ng bukas na tindahan o gising pang tao para mapagtanungan.
Wala talaga kaya bumalik na ako kung saan ko iniwan ang matanda, nakangiting binalik nito ang cellphone ko saka nag pasalamat.
"Maraming salamat talaga iha..utang ko ang buhay ko sayo ..darating ang mga tauhan ko para sunduin ako pwede ka sumama sa akin" Anito sa akin na umiling lang ako.
"May naiwan po ako eh, maraming salamat na lang po" Sabi ko dito at tumango-tango naman ito.
Nag hintay kami sa mga tauhan na sinasabi nito hindi rin naman nag tagal dumating ang mga ito at nag makasigurado na ligtas na amg matanda umalis na sya. Hindi na nya inalam kung sino ito at hindi na rin sya nag pakilala sa matanda.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...