***
Halos dalawang oras lang ang tulog ko dahil nag sangkutsa ako ng mga lulutuin ko, Roasted chicken, BBQ, Beef nilaga and beef caldereta na specialty ko.
Naalala ko tuwing may okasyun kami lagi ni ina hinihiling na lutuin ko ang caldereta bukod sa favourite nya masarap daw talaga ako mag luto nito. Sa Dessert naman gumawa ako ng cake saka cupcakes dapat two dozens lang ginawa ko ng four dozens balak Kong bigyan ang tatlo kung kapitbahay at syempre hindi mawawala ang favorite ko na fruit salad madami akong ginawa dahil kung kunti lang baka sa akin kulang pa ito.Mabuti na lang na malaki yung reff na napili ko halos kasi mapuno ito sa Drinks naman gagawa ako ng lemon water saka yung madami cans drink na kinuha ko sa mall ni Don Howard.
Nag set up na ako para maging maayus naman kahit papaano, nag labas na din ako ng mga plates gagawin ko kasi buffet na lang. Mamaya pa naman ako mag luluto sabi kasi ni father baka before lunch sya dadating uunahin daw nya ako bago sya pumunta sa unit na i-bless nya.
Naalala ko wala pala akung seafood kaya lalabas muna ako para bumili saka ng ice cube para ilagay sa cooler dun ko kasi papalamigin mga cans drink.
Saktong four thirty ako lumabas ng unit ko usual outfit sempre may dala lang akong echo bag para sa bibilhin ko naisipan ko kasi i-withdraw na lahat ng natitirang pera ni ina nangako ako sa sarili ko na ibabalik ko lahat ng ipon ni ina kung paano diko pa alam.
Di na ako sumakay medyu malapit lang dito ang public market mamaya na lang ako sasakay pag may dala na ako.
Matamang nilibut ko ang paningin ko sa paligid ko marami -rami na rin kasing mga tao kung siguro nasa probinsya ako halos wala pang tao sa oras na ito, hindi ko na pansin na red light na pala kaya nag mamadali akong tumawid ng biglang may sasakyan palang paparating napansin ko green light na mabuti Di pa ako masyadong nakakalayo sa tabi ng daan.
"Ineng!. . .ayus ka lang ba?" Sabi nung driver ng sasakyan na muntik ng bumangga sa akin. Tumango lang naman ako na hawak pa din ang aking dibdib na malakas ang kabog.
"Tss. . .if you want to die don't waste someone time! Go find another way to die!" Ani baritonong tinig ng isang lalaki galing sa loob ng sasakyan diko makita ito napasulyap lang ako sa matandang driver na nakatingin sa akin na humihingi ng pasensya ang mga mata nito. "Let's go! . . " Dagdag pa nung lalaki kanina na diko pa rin nakikita kaya naman tinaas na nung driver ang salamin ng bintana saka umalis ito.
Masamang tingin na lamang ang pinukol ko sa papalayung sasakayan wala akong alam sa mga sasakyan pero sa tingin ko mamahalin ito napansin ko ang plate number nito "hmp! Pag nakita kita ulit bubutasin ko yang gulong mo!" Galit kung bulong sa sarili ko.
Well kasalanan ko din naman Di ako nag iingat, kaya bago pa masira ang araw ko lumakad na ako.
Nang makarating ako agad pumunta sa seafood area tamang-tama mga sariwa pa ang mga isda, may nakita ako lapu-lapu kumuha ako ng isa malaki, steamed ko na lang ito bumili din ako ng isang kilong shrimp, Butter shrimp naman ang gagawin ko dito saka kalahating kilong pusit calamares naman para may prito Kami.
Matapos naman pumunta ako ng gulayan, bumili ako ng lettuce at cabbage kulang kasi yung kinuha namin, Bumili din ako ng saging na saba favourite ko din kasi ito.
Palabas na sana ako ng market ng makita ko ang pancit sabi ni ina tuwing birthday ko dapat lagi may pancit para humaba ang buhay. Gusto ko sanang bumili pero next time na lang uunahin ko muna ang mga dapat.
Bago umuwi ako ng tuluyan dumaan ako sa seven eleven para bumili ng mga ice cube nag paload na rin ako diko dala yung cellphone ko pero memories ko number ko kaya nakapag paload ako.
Matapos ang lahat sumakay na ako ng tricycle tulad ng sabi ko malapit lang may dala lang ako kaya sumakay na ako bente lang naman ang bayad.
Nang marating ang building agad akong umakyat, laking gulat ko pag labas ng elevator mukha ni jin nabungaran ko.
"Oh!. . Ang aga mo naman!?" Bulalas ko sa nakabusangot na mukha ng kaibigan ko. Nakita ko kasi five forty-five pa lang ng umaga.
"I hate my family!" Mangiyak ngiyak na sabi nito saka kinuha ang isang echo bag na may lamang ice cube.
"Bakit anong nangyari?" Tanong ko habang binubuksan ang pinto saka pinauna syang pinapasok.
"I hate them!!"anito ulit habang nag dadabog na pumasok sa unit ko atleast hindi nya nakalimutan hubadin sapatos nya saka kumuha ng pambahay na tsinelas, sinadya ko kasi yun na mag lagay ng tsinelas na pang bahay para Di madumi ang unit ko.
"Ano bang nangyari?" Tanong ko dito at kinuha ko ang echo bag dito saka nilapag sa lababo pinaupo ko sya saka nag wash muna ako ng hands.
"Well!. . .naalala mo yung cupcakes na binigay mo?" Anito
"Kinuha mo" Pang tatama ko dito na inismiran lang ako nito. "So anong nangyari sa cupcakes?" Dagdag na tanong ko dito.
"Kinain nila lahat!!" Naiiyak na sambit nito na agad na kinatawa ko, masamang tinitigan naman nya ako.
"Sus! Yun lang marami pa dito bibigyan kita" natatawang sabi ko dito habang binibigyan sya ng tubig.
"Pero sabi ko sa kanila wag nilang pakialaman!" Anito na may sama pa din ng loob. "Okay lang yun gagawan pa kita kung gusto mo?" Sagot ko dito.
"Talaga!?" Masayang bulalas nito na tinanguan ko lang saka binalikan ko na ang ginagawa ko sa lababo.
Nilagay ko na ang ice sa dalawang cooler saka inutusan si jin na sya na lang ang mag lagay ng mga drinks sa cooler na agad naman sumunod.
Hinugasan ko muna ang mga pinamili ko saka nilagay sa mga tupperware at nilagay sa reff. "Nag breakfast kana?" Tanong ko sa kaibigan ko na seryusong seryuso sa ginagawa nito.
"Nope!. . I'm so mad kanina kaya umalis akong Di kumakain." Sagot nito Di na lang ako sumagot mag luluto na lang ako ng breakfast namin.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...