****
IAN POV *
Kinabukasan maaga akong bumangon naligo agad ako saka nag bihis bago ako lumabas nilinis ko muna ng mga kalat ko kagabi saka ako umalis.
Pagbaba ko ng lobby saka ko lang nalaman maaga pa pala mag ala-sais palang ng umaga, mabilis akong lumabas ng gusali saka sumakay ng jeep sakto naman pag labas ko may nakatigil na jeep sa tapat, nag bayad ako ng limang piso malapit lang naman ang aking bababaan nag mamadali lang ako kaya ako sumakay.
Wala pang ilang minuto narating ko na ang aking destinasyon, matapos tumigil ang jeep agad akong bumaba, Pag baba ko nilibot ko ang aking paningin sa malawak na Park medyu malapit lang ito sa bahay ng tita May.
Umupo ako sa isang bench dito ko na lang hihintayin si Jin sabi nya kasi araw-araw syang tumatakbo dito malapit lang din ito sa lugar kung saan sya hinarang ng dalawang lalaki.
Hindi pa man lang umiinit ang aking pwet sa pagkakaupo nakita ko na syang tumatakbo habang may nakasunod na dalawang lalaki na parehong naka barong saka may kotse din na nakasunod dito.
" Jin! . . ." Tawag ko sa kanya nung matapat sya sa kinauupuan ko, takang napahinto ito at tumingin sa akin. "Yo!. . "Bati ko pa ulit dito saka tinanggal ko ang hoodie ko.
"Ian! . . ." Masayang bati nito sa akin saka yumakap. "I'm so sorry! Hindi kita nasamahan si Mommy kasi eh!" May pag ka inis nitong sabi pa.
"Ayus lang!. . .si Wyatt din nga eh hindi rin pwede kasi may pupuntahan din ang alam ko same event yata ang napuntahan nyu" sagot ko dito.
"Yes! Nakita ko sila dun!. . .pero sorry talaga! Promise babawi ako" Sabi nito saka niyakap ulit ako.
"F-free ka ba?. . N-ngayun?" Paputol-putol kung tanong sa kanya nahihirapan kasi akong huminga sa higpit ng yakap nya.
" Oo!. . .saan tayo?" Excited na tanong pa nito saka binitiwan na ako.
"Mall? . . ."patanong kung sagot na kinatawa nito saka hinila na ako papunta sa sasakyan nito.
"Need kung mag shower at mag bihis bago tayo pumunta sa mall" Anito saka tinulak na ako papasok sa loob ng sasakyan.
" Wag mong masamain ian! Pero alam kung nag titipid ka?. . . May sadya ka ba sa mall?" Tanong nito
"Oo! Need kung mamili ng mga kailangan ko para mag simula ulit. . .mamaya kwento ko sayo!" Nakangiting sagot ko dito
"Bakit mamaya pa!. . .simulan mo na!" Anito na lumapit pa sa akin, tinulak ko naman sya palayo
"Ang lagkit mo!" Natatawang singhal ko dito natawa na rin sya sabay sabing "ang arte! . . .mag kwento ka na dali!".
Kaya naman nag kwento na ako lahat sinabi ko simula ng makilala ko ang Don hanggang sa makaalis ang mga ito papuntang states. Katulad ko namangha din sya dahil Katulad daw ng kuya nito Bilyonaryo din.
Dahil abala kami sa kwentuhan hindi na namin namalayan na nakapasok na pala ang sasakyan sa gate ng mga ito. Pag tingin ko sa labas ng bintana napanga-nga na lang ako sa Ganda at subrang laki nito.
"Ano ito palasyo!!!?" Malakas na Bulalas ko na kinatawa ng katabi ko.
" Sabi ko sayo Bilyonaryo ang kuya ko!" Pag kasabi nun bumaba na ito ng kotse saka ako sumunod.
"Kami lang ni Mommy ang nandito, nasa business trip si Daddy at kuya si ate naman ayun kasama ng boyfriend nya mag bakasyon " Sabi pa nito saka niyaya nya ako sa loob sinalubong naman kami ng nasa mahigit sampung babae na naka uniform ng pang maid, Binati kami ng mga ito at yumuko.
"Asan ang Mommy?" Tanong ni Jin sa mga ito, sinagot naman ito ng isa at sinabing nasa dining room na daw ito kaya naman niyaya ako ni jin papunta sa dining room nila.
"Jin?" Tawag ko dito nilingon naman nya ako." Hindi ba kayo naliligaw dito? Ang laki eh . . .Mas malaki pa sa school natin!" Tanong ko dito ngunit tinawanan lang nya ako saka hinila na papunta sa Mommy nito.
Pumasok kami sa isang napakalawak na dining, mayrun silang napaka laking dining table mula sa pag iikot ng aking mga mata napadako ang aking mga mata sa isang magandang ginang na naka-upo sa unahan ng dining table sa gilid ng table may mga maids na naka tayo naka uniform din ang mga ito.
Nang makita kami ng ginang nangunot ang noo nito na animo'y nagtataka, bumati naman ng sabay-sabay ang mga maids sa amin o kay Jin.
"Good morning! . . ."bati naman ni Jin sa mga ito.
"Ang bilis mo naman makabalik?" Tanong ng Mommy nito saka tumingin sa akin alanganin naman akong ngumiti dito.
"Mom! Si ian!. . .Ian Mommy ko" Pagpapakilala ni Jin sa amin ng Mommy nito, Sa gulat ko ng biglang tumili ang Mommy nito saka tumayo at niyakap ako.
Gulat akong napatingin kay Jin, nag kibit balikat ito at nag paalam, "I'm going to my room. . .mag shower lang ako ikaw na muna ang bahala kay Ian Mommy!" Saka ito umalis hindi man lang hinintay ang pag sagot ng ina nito.
"Oh My God! . . .totoo nga ang sinabi ng dalawa kung anak napaka Ganda mo iha!!" Bulalas nito matapos bumitaw sa pag kakayap sa akin at hinila ako papunta sa dining table.
"Kumain ka na ba iha?" Tanong nito saka ako pinaupo sa may tabi ng inuupuan nito kanina.
"Aah! Tapos na po" Pag sisinungaling ko nakakahiya eh.
"Ay!. . .kahit kunti lang kumain ka iha! . .matagal maligo si Zoe kaya kumain ka muna" Sabi pa nito saka nilagyan na yung pinggan sa tapat ko ng pagkain.
"Thank you iha!. . .thank you for saving my daughter " Anito at hinawakan pa ang kamay ko nagulat man ngumiti na lang ako saka sinabing wala po yun nagkataon lang na dumaan ako.
Ganun pa man daw salamat pa rin at kung ano-ano pa ang sinabi nito hindi ko na naiintindihan nasa pagkain kasi ang pansin ko, napaka sarap kasi hindi ko alam kung anong tawag dito.
Hindi nag tagal dumating na si Jin mukhang nagulat ulit ang Mommy nito, "Wow! Ang bilis mo ngayun ahh! . ..may pupuntahan ba kayong dalawa o papasok kayo?" Tanong nito.
" may pupuntahan kami ni ian Mom!. . .Wala naman masyadong gagawin sa school absent muna ako!" Sagot ni Jin na kinagulat ko.
"Huh! May pasok ka? Naku!. . .next time na lang tayo mag mall!" Bulalas ko.
" No!. . .Im ready na. . .Kaya let's go!" Anito saka tumayo, napapatingin naman ako sa ina nito na nginitian lang ako.
" take care ha!. . . .and enjoy! " Sabi ng Mommy nito, wala na akong nagawa ng hinatid na kami ng ina nito sa sasakyan matapos mag beso-beso sumakay na kami ni jin.
"Ian balik ka ha!" Habol pang wika ng ginang ngumiti lang ako dito at kumaway.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...