****
IAN POV *
Dahil hindi natuloy ang pag sama ko sa dalawa pinag paliban ko muna ang mamili ng mga gamit ko gagamitin ko na sana ang card na binigay ni Don, Howard grabe hanggang ngayun di ako makapaniwala na Bilyonaryo pala ang matandang tinulungan ko.
Nag linis muna ako ng condo ko saka nilista ang mga importanteng bagay na bibilhin o mas magandang sabihin kukunin sa mall ng mga Howard.
Nakakahiya man pero tatanggapin ko na ang tulong na inaaluk ng mga ito sa akin. Magsisimula ako ng panibagong buhay na mag isa dahil kahit anong gawin ko mag isa na lang talaga ako sa buhay.
Saktong pag labas ko ng banyo tumunog ang Doorbell nag tatakang tinungo ko ang pintuan at sinilip ko sa butas kung sino ang nasa labas, dalawang babae na may dalang Tupperware.
"Hi! . . ."Masiglang bati ng isa na may dalang Tupperware ngumiti lang naman ang isa na Animo'y nahihiya.
"Hello?" Diko sure na sagot na kinatawa naman nung masiglang babae.
"I'm Carla althea Min and this is my cousin Anne Carmela Min. . .kami yung mga bagong lipat dyan sa tabi mo hehe!" Turo pa nito sa katabing pinto.
"Ian! . . ." Pag papakilala ko din tapos kinuha ang kamay nitong inabut upang magkamay kami, nagulat din ako ng agawin nung pinsan nito ang kamay ko saka kinamayan ako.
"Hi!" . . .Sabi nito saka binitiwan ang aking kamay at tumakbo papasok sa pinto ng mga ito.
Natulala naman ako sa nang yari medyu nagulat pa nga ako nung nag Salita ang isa.
"Pasensya ka na. . .natatae lang yun dapat ako lang mag bibigay nito sayo eh! " Anito at binuksan ang Tupperware nitong dala may laman itong parang Shanghai. "Nagluto kasi yung Isa ko pang pinsan nitong turon" Dagdag pa nito saka kumuha ng isa,turon pala kala ko Shanghai maliit kasi ito.
"Naisipan namin na bigyan ka. . .nakita kita kanina nung nilabas mo yung mga basura mo." Anito pa saka kinagat ang turon na dala, pinanuod ko lang sya habang dumadaldal ito kinakain nito ang dala para daw sa akin.
"Diyos ko Althea!. . .Bakit kinakain mo yan?!" Sigaw ng isang magandang babae na galing sa loob ng bahay ng mga ito.
"Naku!. . . .naubos ko!" Gulat na bulalas nito saka humingi ng paumanhin sa akin tinawanan ko na lang sya saka nagpaalam na papasok na ako sa loob.
"Aahh. . .pasensya na aahhh may katakawan kasi talaga ang isang yun, by the way my name is Andrea Carlene Min " Ani ng isa mukhang sya ang panganay sa tatlo nag pakilala ako din dito saka nag paalam na wala nahita sa binigay nila, kinain din nila.
Naiiling na pumasok na ako sa loob saka humilata bukas aagahan ko para marami akong mabili. Hindi ko maiwasang ma-excite kanina galing ako sa mall ng mga Howard akala ko scam kaya ginamit ko ang card para makabili ng ilang pagkain nung iabut ko ang card inalam lang yung name ko saka tiningnan yung I'd ko tapos yun na binati pa ako nung cashier tunay pala yung card.
Makalipas ang ilang oras nagising ako sa tunog ng Doorbell hindi ko alam kung anong oras na wala akong kahit na anong orasan o cellphone para malaman kung anong oras na basta ang alam ko gabi na kasi madilim nasa labas.
Pupungas-pungas akong lumapit sa pintuan at sinilip kung sino ang istorbo sa aking pag tulog, Sila na naman ang tatlo kung kapitbahay na bagong lipat, Pinagbuksan ko ang mga ito ng pinto saka tinanong kung ano ang kailangan nila.
"Nagluto ako ng Pancit dinalan ka namin kasi kanina kinain nitong si Althea eh!" Sabi ni Andrea saka inabut sa akin ang Tupperware na dala nag pasalamat ako sa kanila saka nag paalam sa mga ito.
"Balik ko na lang bukas itong lalagyan nyu" Habul ko pang sabi nung papasok na sila ng pinto nila ngumiti lang naman ang mga ito saka pumasok na rin ako."hindi ko man lang na tanong kung anong oras na" Bulong ko sa sarili ko.
Binuksan ko ang Tupperware saka kinuha ang isang supot ng tasty bread ipapalaman ko na lang itong pancit ng tres Maria's, bago ko ilagay sa aking tinapay tinikman ko muna ito pero mabilis na nailuwa ko ang kinain ko may pabrika yata ng asin ang nag luto nito subrang alat eh!.
Nanghihinayang naman akong itapon kaya kunti kunti lang nilalagay ko sa tinapay para hindi masyadong maalat, sa huli pinilit kung ubusin ito sayang mas okay na ang may maalat na pagkain keysa walang makain.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
RomanceIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...