Part_24

9 2 0
                                    

***

Pabagsak kung sinara ang pinto ng aking silid saka napapaluhang Napa upo na lang ako sa aking maliit na papag, Napadako ang aking paningin sa larawan ng aking mga magulang at doon tuluyan ng umagos ang aking luha.

"Saan ako ngayun pupunta ina?" Mahina kung usal habang pinapahid ko ang aking mga luha, Sana hinabaan pa nya ang pasensya, Sana hindi sya nag iisip kung saan sya pupunta ngayun.

Hindi nya pwedeng bawiin sa tiyahin ang bahay, hawak nito ang papel kinakailangan nya pa ang isang abogado para mabawi ito.

Napabuntung hiningang tumayo sya at kinuha ang bag upang mag impake na, bahala na kung saan sya makakarating wala syang kapera-pera.

"Mukhang magagamit na kita ahh!" Sabi ko habang hawak ang Bank book ko na savings ni ina para Sana sa pag aaral ko. Wala na akong magagawa kundi gamitin ito mag iipon na lang sya pag nakahanap sya ng trabaho.

Matapos kung mailagay lahat ng gamit ko lumabas na ako at tinungo ko ang pridyider saka kumuha ako ng pagkain doon, Kinuha ko yung mag kakasya sa isang linggo  nasa tiyain nya ang perang pinag bentahan ng bahay kaya kahit ito na lang ng makabawi man lang, pinili nya ang pagkaing hindi mapapanis kahit di ilagay sa ref.

Nilibut ko ang aking paningin sa kabuuhan ng bahay saka mapait na ngumiti. "Babalik ako at babawiin kita!" Bigkas ko at lumabas na nang bahay, noon kahit pa pabalik balik ang tiyahin nya sa probinsya hindi talaga pumapayag ang ina nya na tuluyan ng ibigay ang bahay na yun sa tiyahin nya.

Ang sabi nito pag binigay na nya ang bahay at lupa dito hindi na ito magpapakita sa kanila, kahit salbahe ang tiyahin mahal na mahal ito ng ina nya ngunit mag kaiba sila ng ina nya darating ang araw na babalikan nya ang mga ito at babawiin nya ang mga bagay na dapat ay sa kanya.

Sa ngayun ang problema nya saan sya tutuloy kaya naman nag pupuyos ang galit nya sa tiyahin halos mag hating gabi na wala ng bukas na Bangko upang Maka withdraw sya pang bayad sa silid na uupahan.

Kumukulo ang kanyang tiyan ng maupo sya sa isang upuan na nandon,  nasa isang Parke pala sya wala ng katao-tao kaya medyu natakot sya naghanap sya na pwedeng pag palipasan ng gabi na hindi mapapahamak, nakita nya ang isang bench na may mga puno sa palibut nito.

Dali-daling lumapit sya dito matapos ineksamin nya ang lugar Mas pinili nya na sa ilalim sya ng bench mahiga para kung may tao man hindi sya mapapansin.

Nilatag niya ang isang hoodie  na nilabas nya galing sa kanyang maleta saka tinago ito pailalim sa bench ang backpack ko naman ginawa kung unan. Dala ko ang maliit na kumot na ginagamit ko dati nahiga na ako at pinatong ko ang aking mga paa sa maleta ko saka napagpasyahan ko nang matulog.

"Lord! Kayo na po ang bahala sa akin" Maluha-luhang dasal ko at tuluyan ng nakatulog.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon