Part-2

44 6 0
                                    

***




Matapos nang dalawang araw tuluyan na naibenta ang aming bahay kung magkano hindi ko Alam, at ngayun kasalukuyan kaming lulan ng van na pag mamay-ari nang tita May, dala rin namin ang mga gamit namin na pwede pa daw paki nabangan.

Tanging dala ko lang damit ko at larawan ng aking mga magulang na naka lagay sa isang maliit na picture frame. Dala ko rin ang mga importanteng document ko sa school at yung Bank account na naka pangalan sa akin.  Actually tinatago ko ito kay tita May hindi naman sa Madamot ako ngunit iniipon kasi ito ng aking ina para sa aking pag-aaral.

Malungkot akong tumingin sa labas ng bintana at muling tumulo ang aking luha. " inay!...inay!..inay!" Paulit-ulit kung sambit habang tumutulo pa rin ang mga luha ko, "Bakit kasi ikaw pa? Ikaw na lang ang merun ako...bakit iniwan mo ko? Paano na ako ngayun?" Mahina kung usal muli.

Hindi nya alam kung anong buhay ang naghihintay sa kanya sa manila kasama ang tita nya at ang pamilya nito. Basta hindi na nya inaasahan na buhay prinsesa sya dun at hindi rin magiging maayus.

Umiiyak pa rin na pinikit nya ang mga mata at sinandal ang ulo,  sigurado bukas mugto na naman ang mga mata nya. Yun na nga hindi nya namalayan nakatulog na sya dahil ng idilat nya ang mga mata naka tigil na ang sasakyan. At naririnig na nya ang sigaw ng tiyahin na pinapababa na sya nito.

Dahan-dahan naman syang bumaba, at pag kababa nya saka nya nilibot ang paningin. Nakahinto pala sila sa tapat ng isang bahay na dalawang palapag at sa unang palapag nito ay may sari-sari store ito daw ang pinagkakaabalahan ng tiyahin nya.

"Ano pa bang hinihintay mo dyan?" Paasik na tawag sa kanya ng tiyahin nya. Saka naman sya dali-daling sumunod dito,pumasok sila sa naturang bahay.

Simple pero maganda pag pasok mo sa main door Sala agad  at may isang pintuan papunta naman yun sa tindahan nila naka bukas kasi yun kaya nalaman nya, pagkatapos naman ng Sala eh dining area na may harang lang ito na kabinet na mukhang Pina sadya may mga pictures at mga figurines na maliliit sa gitna nun malaking TV. Sa likod nun yun na nga dining area  at kitchen nila gets mo? Pag di mo gets bahala ka, sa gilid nun may dalawang magkatabing pintuan.

Dala ko ang di naman sa kalakihang maleta ko na kinalalagyan ng mga gamit ko sumunod ako sa tiyahin ko papunta sa Isa sa dalawang pintuan na nasa gilid ng kitchen nila. Pumasok ito dito at sumunod naman ako dito." Mag pahinga ka muna, simula ngayun ito na ang magiging kwarto mo, Bukas na tayo mag usap!"  Seryusong sabi nito at iniwan na sya nito.





*************

*********SHORT CHAPTERS *********🥰😘😍

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon