Part_26

10 2 0
                                    

***

Binalikan ko ang bag at maleta ko sa park kung saan ko iniwan ang mga ito, sinilip ko rin ang lugar kung saan nangyari ang pag liligtas ko dun sa matanda ngunit pansin ko wala na doon ang mga nawalan ng malay siguro binalikan ang mga ito ng kasamahan.

"Mabuti na lang talaga umalis kami agad nung matanda" bulong ko sa sarili ko saka nahiga muli sa pwesto ko alas-tres pa lang naman mamaya na lang ako mag hahanap ng pangsamantalang matutulugan.

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mga mata akmang tatayo ako ng maalala ko nasa ilalim ako ng bench baka mauntog na naman ako dito. Pansin ko may mga tao na rin at maingay na ang paligid sinilip ko ang aking cellphone alas sais na pala ng umaga kaya dahan dahan akong bumangon at niligpit ang aking hoodie at kumot binalik ko iyun sa aking maliit na maleta.

Kumuha na rin ako ng pag kain at tubig, nang biglang naalala ko na may pasok pala ako kaya naman dali-daling tumayo ako upang mag hanap ng palikuran na pwedeng maligo yung magbabayad ka lang makakaligo kana.

Mukhang sinuswerte sya ng may nakita sya gasolinahan na may banyong pwedeng pag liguan. Agad akong nag bayad mabuti na lang may sampung piso pa akong natitira,  sampung piso lang din naman ang bayad matapos makabayad agad akong pumasok at naligo. Kahapon pa pala itong Suot ko nakakadiri man pero diko na napansin.

Mabilis akong naligo at nag bihis wala syang magagawa kundi ang mag lakad patungo sa paaralan  wala na syang pera kahit piso. Hila ang aking maleta binagtas ko ang daan patungo sa aking paaralan lakad takbo ang aking ginawa para hindi ako mahuli.

Tagaktak ang pawis ng dumating ako ilang minuto na lang mahuhuli na ako, nakiusap ako sa guard na makiki-iwan ako ng aking maleta nag biro pa nga si manong guard na kung nag layas daw ako tumawa lang naman ako at nag pasalamat dito.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako late, marami ng mga studyanteng naglalakad papasok ng gusali yung iba pa nga tumitingin sa akin diko na lang pinansin ang mga ito nag patuloy na lang ako mag lakad ng mabilis gusto ko na kasing mag pahinga.

"Ian!..." Maya-maya pa may tumawag sa pangalan ko, nilingun ko ito si Wyatt pala saka yung mga barkada nya kumaway lang ako saka nag patuloy na pumasok.

"Yah! Hinintay ka namin tapos iiwan mo kami?" Singhal sa akin ni Wyatt na nakasunod na sila akin.

"Pasensya na ahh! Gusto ko na kasing umupo!" Sagot ko dito habang umaakyat patungo sa ikatlong palapag kung saan ang aming silid.

"Tumakbo ka ba Ian?" Tanong sa akin ni Tyree kung di ako nag kakamali ang palatandaan ko sa kanila ng kakambal nito ay yung nunal nito sa may taas ng kilay nito.

" tama ka!..Kaya gustong gusto ko ng umupo" hingal na sagot ko saka Mas lalong binilisan ang lakad. At sa wakas narating na namin ang aming silid nandun na rin ang mga klasmeyt namin na Kanya-kanyang ingay na naman.

Mabilis ako umupo sa tabi ni Jin na animo'y natutulog sa pagkakayuko nito sa table namin. Ginaya ko sya saka huminga ng malalim, hindi pa man lang nag tatagal may kumalabit na agad sa akin kaya naman iniangat ko ng kunti ang aking mukha si Axel pala may dala itong inumin.

"Drink this ian" anito at lumakad na pabalik sa upuan nito sinundan ko ito ng tingin napansin ko nakatingin sa akin ang maganda nitong katabi na mukhang malungkot.

Kinuha ang bote saka ko binuksan, tumingin ako sa gilid ko nakita ko yung apat naka tingin sa akin kaya tinaas ko ang bote saka uminom. Pag katapos napansin ko nakatingin pa rin sila sa akin kaya nag tanong  na ako sa kanila ng bakit?

"Did you hit yourself?" Lincoln

"You look tired " Tyler

" are you okay?" Tyree

Sunod sunod na tanong nila kaya tumungin ako kay Wyatt kung may itatanung din ito.

"Wala na naitanung na nila eh!" Sabi nito na animo'y naiintindihan nito ang pag tingin ko sa kanya, lumingon ako sa katabi ko na noon ay bumangon na, tumingin lang sya sa akin at nag kibit balikat.

"Mamaya mag ku-kwento ako sa inyu, pahinga lang muna ako bago dumating si Miss," Sabi ko sa mga ito at pumikit na ako naramdaman ko na lang ang pag patong ng kamay ni Jin sa aking balikat.

Hindi rin naman nag tagal dumating na ag adviser namin, kung sa dati kung school kaming mga studyante ang lumilipat ng silid kung saan ang subject dito teacher ang lumilipat-lipat ang kalat daw kasi kung ang mga studyante ang lilipat may chance pang mag cutting class.

Mabilis lumipas ang oras, lunch time na sabi ko kay Jin sa pwesto na lang namin ko sya hihintayin gusto ko kasing humiga muna, ngumiti ito at tumango lang kaya pag labas namin nag hiwalay muna kami ako patungo sa pwesto namin kung saan kami kumain dati, sya sa canteen upang bumili ng pag kain nya.

"Life Goes On!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon