***********
Ian PoV*
Nang makasakay na ako ng jeep saka ko kinain ang baon kung biscuits, haysstt! Ang lalaking yun aagawan pa ako ng kakainin ito na nga lang ang pagkain ko.
Wala pang kinse minuto nakarating na ako, agad akong sinalubong na galit kung tiyahin. "Aba! Ian!, mabuti naman umuwi kana!?" Anito na naka pamaywang pa. Hindi ako umimik, sayang kasi di rin makikinig ang tiyahin ko.
Pagka-pasok dumeretso ako sa silid kung tinutuluyan, nag palit na ako ng damit saka ako lumabas. "Bastos ka talagang bata ka!! Aba'y kinakausap kita ahh!"Gigil na sabi nito, ganito naman ito pag sumagot ako bastos daw kasi nasagot na ako, pag tumahimik naman bastos pa rin.
"Bago ka mag lakwatsa ayusin mo muna ako trabaho mo dito ahh!" Galit pa rin na sabi nito, tumango na lamang ako para hindi na mag haba. Trabaho ko dito tss...eh Mas grabe pa nga ang trabaho ko sa ibang kasambahay. Wala naman akong sahod mabuti Sana kung ayus ang pagkain ko.
Matapos na sigawan dumeretso na ako sa kusina at nag luto na hindi pa man nag tatagal may isa pang bweset na dumating. "Oh ano ian...nakakuha ka ba ng scholarship? Kawawa ka naman , walang pera!" Sabi ni Madisyn habang tumatawa at iniwan na ako nito at nag tungo sa Sala.
Walang pera ako?!...wala talaga akong pera, kung may pera ako wala ako dito. Naiinis na pinagpatuloy ko na lang aking ginagawa matapos kung magluto naghain na rin ako upang makakain na ang mga ito. Saka ako pumasok sa aking silid at nahiga.
Ganito lagi matapos mag linis ng bahay at mag luto maghahayin ako, kahit pagalitan ako diko talaga sila tinatawag hinahayaan ko lang doon bahala sila kumain kung kailan nila gusto. Pag katapos nilang kumain saka ako kakain pag minamalas minsan wala ng pagkain hindi ko Alam kung sinasadya talaga ubusan ako o talagang masarap lang ako magluto, kaya minsan kape o toyo na lang ang Inuulam ko.
Malungkot kung pinagmasdan ang larawan ng aking mga magulang, "Ina...Ama....Katatapos ko lang po mag exam para maging iskolar sa susunod na linggo ko po malalaman kung pumasa ako!" Malungkot na usal ko habang nakatingin parin sa larawan.
Siguro kung buhay ang mga magulang ko hindi ako maghihirap ng ganito. Si Madisyn naka enroll na nakapamili na rin sya ng gamit sa school. Kahapon nilabhan ko ang bagong uniform nito. Samantalang ako kung di ako papasa hindi ako makakapag-aral.
Sana kahit isa man lang sa pinag-eksaman ko pumasa ako dahil hindi ko Alam kung ano ang gagawin ko,...... bahala na.
*****SHORT CHAPTERS ********
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...