***
"Ingat sa pag uwi!" Nakairap na Sabi ni Ian Ng ihatid nya ako sa lobby papauwi na ako na maraming dalang pag Kain.
Mayaman Kami marami kaming pagkain at pang bili pero iba ang luto ng kaibigan ko napakasarap Kaya Naman gigil ito sa akin ng dalhin ko ang cupcakes nya na ihahanda bukas.
"Come on!. . .akyat Ka na baka Masunog yung cupcakes na niluluto mo" natatawang taboy ko sa kanya saka sumakay na ng sasakyan.
Kumaway pa ako bago sinabihan ang driver ko na umalis na nilingun ko pa si ian, na kumakaway sa akin na naka ngiti.
Gumanting kumaway ako sa kanya saka ito naka ngiting tumalikod at nag lakad papasok ng building. Masayang binalik ko ang aking paningin sa harapan.
Dahil nga malapit lang ang ang condo ni Ian sa village namin kaya mabilis lang ako naka uwi, Pag dating ko nasa sala lahat ng pamilya ko kasama ang boyfriend ni ate saka mga kaibigan ni kuya.
"Ginagabi ka yata Zoe?" Nakangiting bungad ni kuya Greg na boyfriend ni ate.
"Tinulungan ko Lang kuya ang best friend ko mag ready for tomorrow" sagot ko dito saka humalik sa pisngi ng mga magulang ko.
"Ano yang dala mo?" Tanong ni Daddy habang nakatingin sa paper bag na dala ko.
"Oh! . . . It's a pork adobo na tira namin ni Ian kanina tanghali and cupcakes" Naka ngiting sagut ko dito, saka pinatong ko sa table ang paper bag na dala ko.
"Tira!?. . " May Pag ka arteng tanong ng Isang kaibigan ni kuya na hindi ko matandaan ang pangalan.
"Yes! Tira! Leaf over!. ." Sagot ko dito.
"Pinadalan ka ng tira?. ." Natatawang Sabi pa nito, tss ano bang problema nito tirang pagkain?.
"Hindi!. . Kasi ako mismo ang dala nito. . Dahil I want my mom to taste it!" Nakangiti ko kunwari sagot dito.
" Tama yan anak . . .nagugutom daw si Daddy mo sasabayan ko na lang sya." Nakangiting sabin ni Mommy saka tinawag ang isang katulong para ipag hain sila.
"Tikman nyu rin itong cupcake na gawa ni Ian. . .pero isa lang akin ito eh!" Aniko na nilabas ang isang pirasong cupcake saka pinalagay ko sa reff yung iba.
Bago pa makuha ni Mommy yung cupcakes kinuha na ni ate at kinagatan ito."Wow!. . Seryuso si ian gumawa nito?" Bulalas ni ate after nya kagatin ang cupcake saka pinakagat din nya si Mommy na nagustuhan din.
"Pahingi pa Zoe!. . Bigyan mo sila kuya mo ng matikman din itong masarap na cupcake " Anito na tuwang-tuwa sa kinakain.
"Ayaw ko. . Ayan oh tikman nyu din yung pork adobo na gawa ni ian grabe! Daig nya pa ang chef ng mamahaling restaurant!" Mayabang na sabi ko na agad naman sinunod ni Daddy tinikman nga nya ito saka tumango-tango ito.
Pihikan ang Daddy ko na minana ng kuya ko kaya paiba-iba Kami ng chef kasi maarte sila tss. ."This is good!" Bulalas ni Daddy habang kumukuha pa ng adobo saka binigay kay kuya na agad din sinubo naman nito "Yeah! . . This is good. . Chef ba yung kaibigan mo?" Seryusong ani kuya.
"Hindi kuya. . Sixteen lang din sya kaklase ko magaling lang sya sa mga bagay-bagay!" Pagmamayabang kung sagot dito.
"Oh! Balak ko sana hire sya maging chef here mag re-resign na si chef" Dadag na sabi ni kuya habang kinakain na ang food ni Mommy ang lagay sila na ni Daddy ang kumain.
"Naku! . . Diko alam pero ask ko!" Kahit ako kung pag pipiliin ako chef vs ian sa luto na ako ni ian talaga.
"Sige anak! Para may maganda tayong chef!" Masiglang sabi ni Mommy na tinawanan naman namin ni ate, Dalawa na silang team ian.
Natatawang nag paalam na ako sa kanila kasi nga Maaga pa ako bukas kasi tutulungan ko pa si ian. Pero bago ako umakyat binilin ko na wag kainin ang cupcakes ko.
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
Teen FictionIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...