****Maayus ko naman nairaos ang pagkuha ko ng exam sa apat na paaralan na gusto kung pasukan para maging iskolar at ngayun Friday naghahanda na ako papunta sa B,T,S ito na ang huling school na susubukan nya.
"Wala ka na bang ibang damit!?" Mataray na tanong ni Madisyn ng madaanan ko sya sa Sala na nanunood ng TV. Naka pants na maong lang kasi ako na pinarisan ko ng itim na hoodie puting t-shirt naman ang pinang ilalim ko at itim na sapatos. Wala akong dalang bag tanging dala ko lang ay isang transparent envelope.
"Oo nga pala! Wala ka nga palang pera haha! Kung bibigyan naman kita ng damit baka hindi kumasya sayo kasi ang taba mo!" Tumatawang dagdag nito ngunit katulad ng dati tiningnan ko lang sya at tuluyan ng umalis. Wala talaga akong Pera tanging Pera ko na lang ay pamasahe na binigay ng tita May inabutan nya ako ng dalawang Daan pagkasyahin ko na daw ng isang linggo.
Hindi na lang ako nag reklamo baka bawiin pa nag tipid na lang ako. Sa hapon naman binibigyan ako ng tita May ng isang biscuits pang snack at nag kakape na lang ako hindi ko na kinakain ang biscuits para maibaon ko sa pagkuha ng exam mahirap kasi mag exam ng gutom.
Paglabas ko gumawi ako sa may tindahan ng tita, wala naman bumibili nakaupo lang ito sa upuan nito at nanunuod sa TV ito yung dala nila na gamit nila ng kanyang ina nilagay nito sa tindahan. "Alis na po ako.." paalam ko sa kanya at tinalikuran na rin ito ganito ako magpaalam sa kanya di na iniintay sumagot sya baka kung ano-ano pang sabihin nito.
Sumakay ako ng jeep, otso lang naman ang pamasahe papunta sa naturang paaralan. Ayun sa Google isang sakay lang naman ito at doon ka na mismo bababa kaya ayus din. "Bts...Bts..oh! Bts! Yung mga bababa ng Bts dito na!" Sigaw ni manong driver, kaya naman dalidali akong bumaba.
Ngunit sa pagbaba ko nilibot ko na ang aking paningin wala naman akong makitang campus. Ang tanging nakikita ko lang ay Coffee shop, may mga restaurant , sweet shop muli kung pinasadahan ang kaliwa't kanan ko baka naliligaw na ako. Kaya naisip kung magtanong na lamang.
Lumapit ako sa isang waiter ng isang korean restaurant doon, "ahm!...sir! Pwede po magtanong?" Tanong ko sa waiter na bahagya pang natulalang nakatitig sa akin. "Saan po yung campus ng B,t,s?" Dagdag tanong ko pa dito na di pa rin kumikibo nakatitig pa rin sa akin kaya kinaway-kaway ko ang aking kamay sa tapat ng mukha nito.
Mukha naman nagulat ito at kumakamot sa ulong naghingi nang pasensya sa akin. "Ano nga pala kailangan mo?" Tanong nito sa akin kaya inulit ko na lang ang tanong ko. Agad naman nya akong tinuro sa gawing kanan sa unahan daw ng coffee shop may Daan doon papuntang bts campus. Kaya nag pasalamat ako at nag paalam dito.
Pag kalampas ko sa naturang coffee shop binagtas ko ang daan saka ko lang nakita ang mataas at malaking gate na kulay berde. At sa gawi doon may parang bahay-bahay na may mga guards may Ilan tao din na pumapasok habang iniinpeksiyon ng isang guard.
"Saan kayo miss?" Ani manong guard ng sinuri nito ang dala ko.
"Mag take po ako ng exam for scholarship " mahina kung sagot dito Kaya agad naman nya tinuro kung saan ginaganap ang exam. Matapos mag pasalamat kay manong guard pumasok na ako.
************SHORT CHAPTERS ***********🥰😍🤩
BINABASA MO ANG
"Life Goes On!"
RomanceIan Leigh Corteza 16 year old, ulilang lubos kaya napilitang manatili sa malupit na tiyahin. Gayun pa man hindi ito naging dahilan upang sumuko sya sa buhay, bagkus pinagbutihan nya upang makapag aral,at sa taglay na talino natanggap sya bilang nag...