Chapter 29

625 35 58
                                    

Francheska Eloise Marcos' POV

Sumilip muna ako sa gate para makita kung saan si mom.. Sorry phoe 🤭

Nasa main door siya nagtatayo at halatang galit - shocks ano ginagawa mo, Eloise. Pumasok nalang ako para makunan na ng tinik.

"FRANCHESKA ELOISE MARCOS!!" sigaw ni mommy.

Eto na papagalitan na wampipti.

"Hi mommy.." bati ko at ngumiti.

"Wag mo ako ngitingiti-an, Eloise ha.."

"Bat ba kase highblood na highblood ka mom?" tanong ni Borgy.

"Nag-withdraw sa savings niya ouh.." sabi ni mom.

"Oo, sinamahan ko - hindi ka raw nagbigay ng allowance eh need niya sa schoolworks."

"Schoolworks eh, 500 sakto na yan.." sabi ni mom.

"Oh 500 lang din naman winithdraw niya.." sagot ni Kuya Borgy.

"500? eh 50,500 yung kinuha!!"

"50,500??" nasorpresa na tanong ni Kuya Borgy.

"Bakla! Tas ikaw pa nagpapalibre!" dagdag pa niyang biro.

"Aanhin mo ba yan, Eloise? Balik. Balik mo yan sa savings mo.." sabi ni mom.

"Sabi mo ako magbabayad sa food- edi ako.." sagot ko naman.

"Jusko! Di mabiro, ibalik mo na nga to kung saan mo napadpad, Borgy! Anak ko ba to? Walang sense of humor ha.." biro ni mommy.

"Akin na, ipapabalik ko to bukas.. At ikaw.. magready ka na, early tayo tomorrow.." sabi ni mommy.

FF: October 5

Today's my birthday!! And magma-mall daw kami ni mommy.
Wala daw ang families nina Tita Irene at Tito Bong, si Kuya Borgy lang din nandito with me and mo.

"Hey mommy!!" bati ko kay mommy.

"Hmm, mamaya na Eloise please - I don't feel well.." sabi ni mommy at natulog ulit.

"Kuya Borgy!!" bati ko naman kay kuya.

"Ano ba, El!! I'm still so sleepy.." sabi ni Kuya Borgy.

Mga amp kayo ha, napaka-cold niyo.

"Ang weird niyo ha.. baba na lang ako nagugutom na ako may buffet naman dun.." padinig ko sakanila pero walang umimik.

Bumaba nalang ako kasi ilang araw naman din kami dito at sanay na ako sa mga halls, chuchu papuntang buffet.

I enter the hall and medj madaming tao na din ang kumakain. Kumuha nalang ako ng pagkain at tumungo sa seat sa pinakacorner, overviewing the busy streets na. Magso-solo muna ako, pangit nila kabonding.

"Happy Birthday, Eloise!" bati ko sa sarili ko.

Kumakain lang ako habang nagguguhit Nahinto yung kapayapaan ko nung may pamilya sa kabilang table nagkakanta ng Happy Birthday sa anak nila. Pashnea sanaol.

Kaya binilisan ko nalang kumain at tumungo na sa kwarto. Wait, may familiar dito ah, nagbu-business meeting yata, parang kakilala ng family or something, parang nakita ko na siya sa isang album sa bahay. Napahinto nalang ako upang titigan siya, kakatitig ko, parang nakita niya ako. Kahiya. Kaya tumungo nalang ako sa kwarto.

Mas gaganda pa ba ang umaga ko nung nakita ko silang dalawa ni Kuya Borgy at mommy kumakain ng room service? Di man lang ako sinabihan.

"Ang mean niyo today! Nang-iignore kayo tas di niyo man lang ako sinabihan na dito lang pala kayo kakain.." nadidismaya kong sabi.

La Douleur Exquise: Imee MarcosWhere stories live. Discover now