About 3 months later..
Imee Marcos' POV
It's now June 28, 1997 and I'm now 6 months and about a week pregnant.
Nagising ako kaninang 4:00 a.m., kasi gusto ko kumain ng french fries ng Jollibee at saba na saging. Buti nalang may malapit na 24/7 na Jollibee at naabutan pa si Manong Berto ng dalawang oras kakahanap ng saging (saan ka kasi maghahanap ng saba sa Metro Manila ng ganitong oras, manang 😭) buti nalang may nagse-set-up na daw sa tyangge.
Alas 6 na ng umaga, pina-prito ko nalang kay Ana, total gising na din naman siya. Unti unti ko nang kinakain ng bigla nalang tumawag si Irene.
*On call*
"Hello, Irene?" sagot ko."Good morning, pinakamaganda kong ate."
"Ano na naman, Irene?" tanong ko.
"Macau daw, for Mama Meldy's birthday.." anunsyo niya.
"Macau? Di ba pwedeng Ilocos lang? Eh buntis na buntis ako, tatamadin lang ako dun." sagot ko.
"Eh gusto ng mama na dun daw, kasi magsho-shopping siya para kay Vincent at sa soon paborito kong pamangkin." sagot naman niya.
"Wag mo akong tuksuin Irene, narinig ko din na sinabi mo yan kay Liza, balimbing ka talaga!" biro ko.
"Huy, hindi kaya!" she insists.
"Bahala na basta favorite ko yan." dagdag pa niya.
"Osya, kailan pala ang plano?" tanong ko.
"Ngayong sabado, June 30? 30 ba yan? Basta sabado, 10 a.m. then uuwi din tayo on Tuesday, July 3, pagkatapos ng birthday." sagot niya.
"Sabado? Tas ngayon mo pa ako sinabihan? Di pa ako nakapag-ayos ng gamit- sa mga bata, yung mga papeles- nababaliw ka na ba Irene?!" taranta kong sagot.
"Shh! Inasekaso na namin ni Aimee lahat, accomodations, ticket, transpo, sabihin mo lahat. Wag ka ma-stress, buntis ka diba!" sagot niya naman.
"Oh, yan naman pala pinatagal pa bago sabihin." sagot ko.
"Pano ko sasabihin di mo ko pinatapos satsat ka ng satsat."
"Sorry po, Maria Irene Victoria." pa-sweet kong sagot.
"Balakajan!" sagot niya bago binaba ang telepono. Attitude mo naman po.
Tinapos ko na yung kinuha kong saba at pinuntahan na ang tatlo sa taas upang gisingin, kasi may pasok sila ngayon.
Una ko pinuntahan si Borgy, at pagpasok ko sa kwarto niya nandun na pala si Mike.
"Good morning, boys!" I greet habang binuksan ko ang mga kurtina.
"Good morning mom!" sagot ni Borgy.
"Good morning, my!" ani naman ni Mike.
"Early niyo naman ata, nakipagchikahan pa kayo ha." biro ko habang umupo sa gitna nilang dalawa.
"No, kasi, we have an event at school today - eh kuya and me both have different parts in the program." paliwanag ni Mike.
"The jock and the bookworm on the same page? Weird." biro ko.
"But kuya doesn't even attend the grade school of Ateneo anymore." tanong ko, kasi naguguluhan na ako.
"No kasi, kuya with the other band members of the junior highschool are gonna play for the guest, then I'm gonna be the hosting with another person."
"Yieieie si Caraaa!" biro ni Borgy.
"Stop it kuya!" sigaw ni Mike. Defensive yarn?
"Who's that ba?" tanong ko.
"The student council president, and crush ni Mike!" sagot ni Borgy.
"No kaya." sagot ni Mike.
"Sige deny pa." biro ulit ni Borgy.
"Bahala nga kayo diyan." sabi ni Mike sabay walk out papuntang banyo. Ang aga aga, pero pangalawang tampo na yan ng mga tao sakin ha. 🧍♀️
"Tingnan mo, pina-walk out mo na naman kapatid mo." sabi ko kay Borgy.
"Okay lang may bago naman, good morning, ading!" sagot niya at humiga malapit lang sa tiyan ko.
"Masapak kita diyan, Borgy! Go na maligo ka na.." biro ko at lumabas na din para puntahan si Matt.
"Good morning, Matthew!" tinaas ko boses ko para gumising na siya habang binuksan ko ang mga kurtina.
"Mom, ang aga aga pa!" sagot niya at tinakpan ng kumot ang mukha niya.
"Aga ka diyan! Sabi mo you have a test today!" sagot ko habang tinanggal ang kumot.
"My schedule is at 9 pa naman, kaya I'm going back to sleep muna." sagot niya.
"Di ka magre-review?" tanong ko.
"Eh, I'm smart naman in English, kaya matutulog ako uli-" di niya natapos sasabihin niya dahil hinila ko siya pa-upo, nagmamatigas pa ang shuta.
"Matt, come onnn - di ka ba naawa sa ading mo nai-ipit siya dito oh kasi kuya niya nagmamatigas." sabi ko habang umupo dahil napagod ako kakahila ng kapreng to.
"Oh! I'm sorry ading.." sabi niya habang umupo at hinalikan ang tiyan ko.
"Okay, get up!" utos ko.
"Okay, maliligo na po." sabi niya at tumayo na patungo sa banyo niya.
"Okay, yan naman pala." sagot ko habang palabas ng kwarto niya.
"Oh mom! Uh, can you hatid me to school? Sama na lang ako sayo later? Kasi ang aga ng school bus, mabo-bored lang ako dun." tanong niya.
"Okay, bilis!" sabi ko at lumabas na sa kwarto upang makapunta na ako sa dining.
Dahan dahan akong bumaba sa hagdan ng pababa na din si Borgy.
"Mom, come on, let me help you." sabi niya sabay alay ng kamay niya.
"Thank you, kuya." sagot ko at nagpatuloy na kaming bumaba.
Kumain na sila, at sumunod din si Matt. Sina Borgy at Mike kinuha na ng school bus habang si Matt, nasa kwarto pa lang nagre-review muna.
Mage-eight na din kaya naligo na ako ng mabilisan. At lumabas na kami ni Matt.
"Manong, si Matt muna ihatid natin baka ma-late siya sa test niya."
"Okay po, ma'am.."
Pagkatapos ng ilang minuto dumating na kami sa school niya.
"You ready?" tanong ko.
"Ako pa, I'm Matthew Joseph Marcos - Manotoc, no english is to hard for me!" he confidently said.
"Sabi mo yan ha!" biro ko.
"Okay, go na ma-late ka pa." sabi ko.
"Bye mom, love you!" paalam niya at lumabas sa sasakyan.
"Bye, love you more!" sagot ko.
Bago siya pumasok sa gate, tinawag ko siya ulit.
"Matthew!" sigaw ko at lumingon din naman siya.
"Good luck!" sabi ko.
"Thank you, you also!" sagot niya at kumaway.
_______________________________________
I think magu-update ako maya, kasi medyo busy ako tomorrow! Dasurv niyo yan! New week na naman, good luck everybody! Mwuah! <33
YOU ARE READING
La Douleur Exquise: Imee Marcos
FanfictionLa Douleur Exquise is a rollercoaster of a family drama, mostly from the eyes of the rose among the thorns, the unica hija of Ms. Imee Marcos, and watch as she goes through the struggles and challenges of her life as a member of a prominent family. ...