Chapter 1

3.5K 67 1
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

Mayumi P.O.V

Naka-cross arm kung tiningala ang pangalang naka ukit sa ibabaw ng gate.

Leon Dale High yan ang nakasulat dun. New student ako ng L.D.H kaya ito andaming mga stupidyanteng nakatingin sakin...minsan lang yata makakita ng maganda, charot!

Napa buntong hininga nalang akong pumasok sa gate at inferness ha maganda pala talaga itong campus kumpara sa MGA paaralang napasukan ko. Maganda yung layout ng mga buildings na lahat ay kulay puti well sabi nga nila white means purity, weh? Plus idagdag mo pa yung mga samot-saring bulaklak na napapalibutan ang isang malaking fountain na may statue na parang anghel na nagbabasa basta may pakpak kasi alangan namang ibon yan na hugis tao lang...basta anghel na bookworm?,chariiiz!

Nakangiti akong lumapit sa may fountain para maglibot sana pero tangena nawala yung ngiti sa labi ko ng tumumbad sakin ang linta, oo linta...mga malalaking linta na hayok na hayok sa halik. (⊙_☉)

Agad ko namang iniwas ang tingin ko ng mapatingin sakin ang lalaki.

P*ta! Yumi exit na, wala kang nakita, ok. Wala. ಥ⌣

Dali-dali naman akong umalis sa pwesto ko na yon na merong naghahalikan.

"Kay aga-agang magmukbangan, tss." Sabi ko.

Binabawi ko na yung purity,hmmmp! ( ̄^ ̄)

"Asan na nga ba yung office ng head teacher dito?" Salita ko habang lumilinga-linga sa paligid na nagbabasakaling masulyapan ng aking mga mumunting mata ang kinaroroonan ng office of head.

___
Umakyat ako sa isang building at sakto namang walang tao sa hallway.

"Naks! Yumi, ang swerte yata ng araw mo ngayon ahhh." Usap ko sa sarili ko. Mabuti nalang talaga at walang tao sa hallway kung hindi baka pagkamalan pa akong baliw dito na kinaka-usap ang sarili.

(A/N: Bakit, baliw ka naman talaga ahhh....)

Aisst! shatap Ms. A. Magsulat ka nalang dyan nakiki-epal ka sa story eh.(¬_¬)ノ

(A/N: Tanggalin kaya kita sa story nato.)

Hehehe...ito namang si Ms. A 'di mabiro uy! Joke, joke lang yorn Ms. A.(⌒▽⌒)

(A/N: O sya! back to Mayumi na tayo...napadaan lang akech. Hshsh)

..............

Lakad lang ako ng lakad habang tinitingnan ang mga bintana ng bawat classroom na inferness ang lilinis mga masisipag siguro mga studyante ng Leon Dale. Chosh! binabawi ko na yung sinasabi ko dahil sa may nakita akong janitress na naglilinis sa may 'di kalayuan sa pwesto ko. Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at mabilis akong lumapit dito para itanong kung nasan ang office ng head, kanina pa kasi ako libot ng libot eh parang nawawalang bata na ako sa ginagawa ko shems!

"A-Ate...pwede po magtanong?" Medyo nahihiya kung tanong.

Mag hiya ka pala, Yumi? Bago yun ahhh...

Agad naman itong napatingin sa akin. "Ano iyon iha?" Tugon naman nito.

"Itatanong ko lang po sana kung nasaan po yung office ng head." Sabi ko.

"Naku! iha maling building itong tinahak mo." Wika nito na ikinataka ko naman.

"H-Ho?"

"Nasa kabilang building ang office ng head yung main building. Itong building nato ay, building ng mga senior high." Sabi nito. "Ayun, yung may mataas na hagdan sa gitna, ayun yung main building." Dagdag pa nito sabay turo sa building na tinutukoy niya na tiningnan ko naman.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon