Chapter 36

614 31 1
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead

Mas minabuti kung maglakad pauwi dahil sa malapit lang naman ang village ng tinutuluyan ko dito sa campus. Habang naglalakad ako ay may naramdaman akong parang kakaiba na sumusunod sakin kaya dahan-dahan kung kinuha ang maliit kung mirror sa bag at pakunyari akong nag-ayos ng buhok ko kahit na hindi naman ito magulo at doon ko nakita ang repleksyon ko kasama ang isang black na sasakyan na kanina pa sunod ng sunod sakin.

"Aiist! hindi ko alam kung pinanganak ba akong may balat sa pwet at habulin ako ng disgrasya, tch." Sambit ko saking sarili at imbes na tumakbo ay mas minabuti kung mag lakad ng mabagal.

At dahil nga sinaniban na naman ako ng mabuting espiritu gaya ng sinasabi palagi sakin ni Eli ay napagpasyahan kung lumiko sa isang kanto na walang katao-tao. "Pano ba yan Yumi...ikaw talaga ang pakay ng mga gago." Tanging nabanggit ko na lamang at bored na liningon ang tatlong lalaki na patakbong huminto sa 'di kalayuan sa pwesto ko.

"Hoy! mga tauhan ba kayo ni Tandang Dann?" Sigaw ko na tanong sa kanila na siyang ikinatingin naman nila sa isa't-isa.

"Pakisabi nalang kay tanda na masyado pang busy ang kanyang magandang apo kaya matatagalan pa akong dalawin siya. Humihinga pa naman siguro siya, diba?" Wika ko pa na siyang ikinatataka na ng tatlo. Ayyt.

Agad naman akong na alerto ng biglang may linabas na katana ang isang lalaki? Tangina! "Wow! duda akong hindi kayo mga tuta ni tanda dahil sa pagkakatanda ko hindi afford ni tanda ang mga katana na ganyan kaganda. Just kidding." Nakangisi kung salita.

"Ang dami mong satsat." Salita ng isang lalaki na balot na balot ang pagmumukha. Well lahat naman sila ay balot na balot ang katawan na parang ninja.

"Hula ko mga kalahi kayo ng ninja turtles no?. Hoy! teka lang naman manong. Pwede, paki-kalma muna kagagaling ko lang po sa clinic kanina, oo. Kaya.."

"Argh! fvk!" Angil ng isang ninja turtles ng suntukin ko ito sa mukha.

"Aiist! masyado ka namang pakampante manong oh. Ayos kalang po ba--"

"Ahhh..." Agad ko namang naiwasan ang pagsugod ng isa pang pagong na siyang ikinalaki ng mata ko dahil sa legit talaga yung katana nila. Walang halong biro. Tangina! balak talaga nila akong patayin. OMG!!! ( ̄へ ̄)

Agad ko namang sinipa at sinapak ulit ang lalaking nasuntok ko ng una kanina na siyang ikina luhod naman nito kaya dali-dali ko itong sinipa ulit sa dibdib na siyang ikinahiga niya at malakas na inapakan ang hawakan ng katana na siyang ikinalipad naman nito sa ere na siyang nasalo ko naman. "Oh? Gulat kayo no?" Tanong ko pa sa dalawang lalaki na siyang napahinto sa pagsugod sakin. "Nagulat din nga ako." Saad ko pa at pinasundan ng daliri ang haba ng katana na siyang ikinangisi ko naman.

Bago pa ako sumugod sa dalawa ay pinatulog ko muna ang isang ninja turtle sa pamamagitan ng pagsipa rito na siyang inina knock-out naman niya.

"Weak." Sambit ko at hinarap ulit ang dalawa na siyang sumugod na sakin.

Lahat ng pagtama ng katana na para sakin ay lahat yun ay nahaharangan at naiiwasan ko. Sinasadya kung hindi sila matamaan ng tulis ng katana sa critical na bahagi ng katawan nila at baka mapatay ko sila. Kaya ang ginagawa ko ay puro padaplis lang ang patama ko sa kanila.

"S-Sino bang nag-utos sa inyo ha? At anong pakay niyo sakin?" Salita ko habang sinasagang ang katana,na alerto naman ako at agad na nakaiwas sa tatama sana sakin na dagger na hinagis ng isa.

"Hoy! wala sa usapan natin yan ahh." Sigaw ko sa may gawa nun kaya agad kung sinipa ang lalaking kaharap ko ngayon at mabilis na tumakbo sa humagis sakin ng dagger at iniwasan ang papuntang katana na hinagis din niya sa gawi ko na siyang naiwasan ko nga pero nadaplisan ang pisngi ko kaya napahawak ako sa kanan kung pisnge na siyang may kaunting dugo.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon