❗Typo and Grammatical errors ahead❗
Niel P.O.V
Three days ng hindi pumapasok si besprend na siyang ikinatataka namin. Samantalang si lead naman ay palaging nakakatanggap ng imbistasyon sa mga samot-saring gang na siyang kinabibilangan din namin. Kaya palagi kaming nasasangkot sa away at lahat na naka-away naming mga gang ay iisa lang ang pakay at si Mayumi iyon.
"Anyare kaya kay Te Yumi?" Tanong ni Kai na kumakain ng Nova.
Puro pasa pa ang pagmumukha ng bata na ito na siyang bunga ng pakikipag away namin. Lahat naman kami ay may mga sugat na natamo sadyang itong bata lang talaga na'to ang napuruhan dahil sa inuuna pa ang paglalaro kesa sa umatake sa mga kalaban. Hayss.
"Malapit na intrams natin at heto tayo bugbog sarado aray! Yuan. Dahan-dahan naman bro ang masakit pa yang paa ko. Naneto." Reklamo ni Zedrick ng aksidenteng masagi ni Yuan ang paa nito.
"Sorry naman."
"Tsk!"
"Kaya nga." Salita naman ni Van na naka shades para matago ang black eye niya sa kaliwang mata.
"Ang dilim talaga guys ng paningin ko." Wika nito.
"Tangina ka pala eh. Sinong nagsabing mag shades ka ng kulay black? Malamang madilim talaga yang paningin mo ulol nito." Ani ni Jim.
"Tumahimik ka Jim, baka nakakalimutan mong ikaw may kasalanan nito. Bakit kasi yumuko ka nung sinuntok ka nung gonggong na iyon, yan tuloy sakin napunta yung suntok na dapat ay sayo.aiiist!" Sumbat naman ni Van.
"Malay ko bang nandoon ka pala sa likuran ko at gago ka ba? Talagang iiwasan ko yung suntok ng gagong iyon dahil sa baka matamaan ako. Tsk!" Naiiling na sabat naman ni Jim.
"Hays! lead. Kailan ba tayo tatantanan ng mga hinayupak na mga gagong iyan? Ang sakit na ng katawan ko, tatlong araw na tayong napapasabak sa gera na sunod-sunod pa tangina." Reklamo ni Tan.
"Mabuti nalang talaga at wala si Yumi. Kundi baka kanina pa tayo nun pinutakan ng samot saring sermon." Naiiling na sabi ni Clyde na siyang ikinagulat naman namin ng tumayo si lead.
"Lead?"
"Saan ka punta?"
"2 the moon"
"Bwisit ka talaga Zedrick! Sipain ko kaya yang paa mong ulol ka!"
"Sige, subukan mo kung ayaw mong dagdagan ko yang black eye mo sa mata. Pantayin natin."
"Pakyu!"
"Alabyu!"
"HAHAHA Bwisit!"
"Gray?" Tawag ko sa kanya.
Lumingon naman ito sakin. "I will find that bastard." Sabi nito sabay labas ng classroom.
"Bastard? Sino yun?"
"Gago! Don't tell me si Xhian iyong tinutukoy ni lead?" Pagkasabi nun ni Josh ay agad naman kaming nagkatinginang magkakaklase.
"Nalintekan na."
"Ba't si Xhian?"
"Tungeks ka dre. Hindi mo pa ba pansin na baka tinanan ni Xhian si Yumi alam mo namang may something yung dalawang iyon."
"At kahina-hinala din kasi si Xhian. Three days nadin siyang hindi nagpapakita satin kagaya ni Yumi."
"What if? Huli na si lead?"
"Tarantado ka talaga Zed."
"What if lang naman eh. Tsk!"
Hindi naman siguro kayang traydorin ni Xhian si lead.
BINABASA MO ANG
Section D
Teen FictionLeon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And that's secret is the existence of section D, the last section that always wants trouble. And the entire...