❗Typo and Grammatical errors ahead❗
Pagkatapos masaksak ni Mayumi ang kamay ng lalaki ay halos magkandarapa na niyang binaba yung hagdan dahil sa nahihilo na ito at parang nanghihina na rin dahil sa tumatalab na ang gamot na tinurok ng lalaking iyon na 'di alam ni Mayumi kung anong klaseng gamot ang itinurok sa kanya.
Parang lasing na lumalakad si Mayumi habang naka alalay sa pader na nahahawakan niya pababa sa hagdan. Nang tuluyan na siyang makababa sa ground floor ay kapos hininga itong napa-upo dahil sa nanghihina na talaga ang mga binti niya.
"N-Not n-now, M-Mayu..mi...n-not...no-now." Nahihirapang salita nito. Bagkus sa panghihina nito ay buong pwersa niyang tinayo ang sarili niya ng marinig niya ang galit at mga daing na boses ng dalawang lalaki na humahabol sa kanya.
Napaluha nalang si Mayumi ng napa-upo ulit sa sahig. "Fvck!" Mura nito out of frustration.
"Argh! kailangan n-nating mahanap yung b-babaeng iyon!" Dinig niyang sigaw ng lalaki. At dahil nga sa hindi na niya kayang makatayo ng maayos ay gumapang ito malapit sa mga halaman na may katamtamang taas ng makaabot na siya rito ay tumago siya sa mga halaman at mga ilang segundo lang ay narinig na niya ang yapak ng dalawang lalaki kaya napatakip sa bibig si Mayumi ng sipain ng lalaki ang basurahan na malapit sa gawi niya na ikinatumba naman nito.
"Fvck!!! keep searching her!" Sigaw ng lalaki. Napapikit nalang si Mayumi na siyang pagpikit niya ay sumabay naman yung luha niya sa pagpatak ng ulan.
___
Hindi umalis si Mayumi sa pwesto niya kahit na basa na ito ng ulan na sinasabayan ng mga luha niya. Ilang oras rin siyang nagtagal doon at pilit na ginigising ang diwa niya sa pamamagitan ng pagkuyom ng kamao niyang nasugatan ng pirasong vase na ginamit niya panaksak kanina na lumikha ng hiwa sa palad niya, kitang-kita naman niya ang pagpatak ng dugo niya na humalo sa tubig ulan na umagos sa damit niya. Nang tuluyan ng humina ang ulan ay pinakiramdam muna ni Mayumi ang buong paligid kung nandoon pa ba ang mga humahabol sa kanya na lalaki at ng maramdaman na wala naman ay agad itong sumilip sa mga hardin at dahan-dahang tumayo at umalis sa mga hardin.Habang iika-ikang bumabaktas si Mayumi na sinasabayan ng mahinang pag-ulan sa ialim na madilim na kalangitan ay panay tingin ito sa paligid baka mamaya ay nasundan na pala siya ng mga lalaki na iyon sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay biglang namatay yung ilaw ng poste na tanging nagbibigay liwanag sa dinadaanan niya.
Napahinto si Mayumi sa paglalakad dahil sa nakaramdam na naman ito ng pagsikip ng dibdib.
"Mommy!"
"Mommy?"
"Sshhh!"
Napasabunot si Mayumi ng marinig na namn niya sa isip niya yung mga boses na pilit niya kinakalimutan.
"S-Stop it!" Sigaw nito.
"Baby, we will play hide and seek."
"No! Mommy don't leave me."
"D-Don't make any noise, ok?"
*BEEEEP! BEEEEEP!*
Sa businang iyon narinig ni Mayumi ay hindi na siya nakagalaw sa pwesto niya at parang napako nalang sa kinatatayuan niya habang walang emosyong tinatanaw yung liwanag na papalapit sa kanya.
"Mayumi!" Tawag ng kung sino man tanging anino lang nito yung nakita ni Mayumi dahil sa liwanag at bigla nalang itong walang malay na bumagsak sa kalsada.
____________
Akhiro P.O.VPagkatapos kung tawagan sila Gray para sabihin na trap lang ang lahat ay agad akong nag u-turn para bumalik sa Leon Dale dahil nasa peligro ang buhay ni Mayumi.
BINABASA MO ANG
Section D
Teen FictionLeon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And that's secret is the existence of section D, the last section that always wants trouble. And the entire...