❗Typo and Grammatical errors ahead❗
Ilang oras din ang tinagal ko sa cr bago tuluyang dumating si Xhian na dala ang pinapadala ko sa kanya.
"Ang tagal mo namang ugok ka!" Singhal ko sa pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
"WTH?...anyare sayo?" Tanong agad nito ng makita ang itsura ko. Dahil nga sa badtrip ako ay inis kung kinuha sa kanya yung paper bag na dala niya na naglalaman ng uniform ko at walang pasabing sinarado yung pintuan na narinig ko pang tinawag nito yung pangalan ko.
"Mamaya ka nalang muna magtanong Xhian at baka sayo ko na naman mabuntong itong inis ko." Bulong ko at padabog na sinara yung isang pintuan ng cubicle para magbihis.
......
*Unknown P.O.V*"Mission accomplished,boss." Salita ng isang lalaki sa nakapandekwatrong lalaki na tinawag nilang boss.
"Good." Malamig na tugon nito at senenyasan ang isang kasamahan nito na agad namang tumango at binigay ang pabuya sa tatlong lalaki na kanilang inutusan.
"Here."
"Maraming salamat boss." Tumango lang rito ang lalaki bilang tugon at nagsi alis na rin ang tatlong estudyanteng inutusan nilang bumuhos ng tubig kay Mayumi.
"Ang simple naman ng pinagawa mo sa kanila dre. Sa tingin mo ba matitinag dun si Mayumi?" Tanong ng isang lalaki.
"Calm down. Nag-uumpisa palang tayo." Sabi nito na nakangisi ng nakakaloko.
......,
Mayumi P.O.V"Can you tell me, what happened to you?" Tanong ni Xhian habang sinasabayan ang mabilis kung paglakad.
"Xhian." Seryoso kung tawag sa kanya na ikinatigil din niya dahil sa pagtigil ko. Liningon ako nito at tiningnan ng may pagtataka sa mukha. "Hindi ka naman siguro kasabwat no?" I asked in a serious tone. Napakunot noo naman ito.
"W-What are you talking about, El? Kasabwat ako, nino?" Naguguluhang sabat nito sakin.
"That asshole. Gray Montevano." May diin kung sabi na bigla namang sumeryoso ang mukha nito.
"Siya ba ang may gawa niyan sayo?" Agad nitong tanong sakin.
"Aminin na nating masama ang magbintang...pero tangena siya lang ang pwede may gawa nito sakin dahil sa ayaw sakin ng hinayupak na yun!" Inis kung sabi. "Kaya sinasabi ko talaga sayo Xhian. Sabihin mo sakin kung may kinalaman ka ba sa pesteng pagbuhos sakin ng tubig na iyon o wala. Dahil kung meron man ay kalimutan nalang natin na magpinsan tayo." Banta ko rito na ikinagulat naman niya.
"Woah! El, calm down." Ani naman nito. "Para sabihin ko sayo na wala akong kinalaman sa nangyari sayo dahil sa may galit din sakin si Gray." Sa sinabing iyon ni Xhian ay napataas naman ang kilay ko rito.
"W-What? Magkagalit kayo?" Tanong ko.
"Remember that scene in a classroom?"
"Yung nagsuntukan kayo at yung...yun na nga, natalo ka tss." Naiiling kung wika.
"Tangena. Huwag mo na ngang ipamukha sakin na natalo ako. Badtrip nito eh." Maktol naman niya. Tsk!
"I don't care kung ano mang meron kayong dalawa ng hayop na iyon basta ang sinasabi ko talaga sayo Xhian. Don't you ever dare stab me in the back, 'coz you won't like it when I stab you back." Seryoso kung sabi sa kanya at lumakad na muli. Hindi ko na ito hinayaan pang makasabat dahil sa iniwan ko na ito na napanganga sa sinabi ko.
Marami-rami na rin akong nakakasalubong na mga estudyanteng napapatingin sakin pero wala akong pake doon at mas lalong wala akong pake sa mga wantusawa nilang bulungan diyan sakin,tsk!
BINABASA MO ANG
Section D
Dla nastolatkówLeon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And that's secret is the existence of section D, the last section that always wants trouble. And the entire...