❗Typo and Grammatical errors ahead❗
"Tangina ka bro! Pinag-alala mo kami. Alam mo ba 'yon!?" Suntok sa braso kung sabi kay Xhian na siyang ginagamot sa ngayon ng babaeng hanggang ngayon ay hindi parin namin alam ang pangalan.
"Hindi ka nga namatay sa loob ng arena Xhian. Mamamatay ka naman kay lead---ouch!" Biglang reklamo ng bubwit nang makatanggap ito ng batok sa kararating lang na si mareng Yumi. "Te Yumi naman! Ang sakit..." Kamot sa ulong angil ni Kaiser.
"Subukan niyo lang na magsalita ng kung kahit ano sa Krayolang iyon. Makikita niyo talaga." Wika nito na may pagbabanta.
"So, gusto mo kaming magsinungaling kay lead, ganun?" Tanong ko.
"Oo. Ayokong malaman ng damuho na iyon ang nangyari sa paghahanap natin sa pin---este kay Xhian. Sige kayo, kung gusto niyo namang malumpo ng lider niyong siraulo na iyon. Kayo bahala." Sabi ni Yumi. "Nasa inyo parin ang desisyon kung ipagsasabi niyo sa kanila ang detalye ng pangyayari ngayong gabi o hindi." Dagdag pa niya.
Bigla naman kaming nagkatinginan ni bubwit bago dumako ang tingin kay Xhian at kay Yumi na hinihilot ang balikat.
Napabuntong hininga nalang akong napakamot sa baba ko.
"Mas mabuting magbulag-bulagan nalang kayo sa mga nakita niyo kanina." Biglang salita nung babae na inaayos na ang mga gamit na siyang ginamit pang-linis sa mga sugat ni Xhian. "Isipin niyo nalang na walang nangyaring kahit ano sa lugar na iyon." Giit pa nito na nginitian kami.
"Salamat."
"Hindi naman malala ang sugat. Kailangan mo lang ng pahinga." Bilin nito kay Xhian bago umalis.
Sinundan ko pa ito hanggang sa makalabas sa pintuan ng kwartong tinuluyan namin.
"Who is she, by the way?" Biglang tanong samin ni Yumi.
"Ewan. Hindi namin siya kilala." Sagot ni bubwit.
"Weh? Hindi kilala pero kasama niyo kanina."
"Pinagtagpo lang kami ng landas." Ani ko naman na siyang ikinataas kilay ni Yumi.
Maniwala ka please. Totoo naman ahh. Hindi namin kilala iyong babae na 'yon.
"O-Ok..."
"At sino ka naman?" Biglang usal ni bubwit kaya napunta ang atensiyon namin sa gawi ng lalaki na nakasandal sa pader na nakapamulsa.
"Ako?" Turo nito sa sarili niya.
Nakita ko pa kung papaano ito sumenyas kay Yumi. Magkakilala ba sila?
"Ahhh... nawawalang kamag-anak niyo 'yan." Salita ni Yumi na ikinagulo naman ng utak ko.
"H-Ha?!'
"Pffttt!"
"K-Kamag-anak?!"
"Hoy! Le---Ellaine." Sita naman nung lalaki na ikinakunot-noo ko. Anong tawag niya kay mareng Yumi? Ellaine?
"Close ba sila?" Bulong ko.
"Mga dre si Gunner pala. Isa sa mga kaibigan ko." Sabi ni Xhian.
"Zup!" Sabay salute naman nung lalaki samin ni Kai na siyang tinanguan naman namin bilang tugon.
"Kaiser here." Pakilala din ng bubwit na sumaludo din.
"Zedrick. Zed for short." Pakilala ko din.
..........
Sa ilang oras naming pag-uusap sa kwarto na iyon na pagmamay-ari pala nung Gunner na ay napagpasyahan na din naming umuwi dahil sa maghahating gabi nadin.
BINABASA MO ANG
Section D
Teen FictionLeon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And that's secret is the existence of section D, the last section that always wants trouble. And the entire...