Chapter 24

670 34 0
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

Mayumi P.O.V

Kasalukuyan ako ngayong napunta sa library para hindi mag-aral, kundi para matulog hehe. Nasa pinaka-dulo ako ng silid na maraming nakatambak na libro kaya masasabi ko talagang may new favorite spot na naman ako para tambayan na tahimik lang at malayo sa mga abnormal kung kaklase tsk.

Eksakto namang pagkahikab ko ay natanaw ko si Chelsea na 'di kalayuan sa pwesto ko na naghahanap malamang ng libro. Bookworm daw siya eh, sabi ni Niel a.k.a besprend. ಥ⌣ಥ

Nang maisip ko si Niel ay agad naman akong napangiti ng nakakaloko at kinawayan si Chelsea na agad naman niya akong nakita.

Nakangiti itong tumungo sa pwesto. To be honest ang cute talaga ni Chelsea ngumiti, may pagka chinita kasi ito at tsaka bumagay talaga sa kanya yung pagka nerdy niya. Tapos pag ngumingiti ito ay nawawala yung mata niyang singkit hahahaha no doubt na patay na patay yung Niel na'to sa kanya dahil sa maganda rin naman ang lahi ni Chelsea.

(A/N: Kanina pa talaga yang Magandang Lahi na iyan. Jusko!)

"May ano ba Ms. A?"

(A/N: Nvm.)

______

"Uy! napadpad ka yata dito?" Bungad niyang tanong sakin na linapag muna yung mga librong hawak niya bago umupo sa isang table na malapit sakin.

"Wala lang. Trip ko lang gumala sa buong campus at saktong napadpad ako dito sa library na never ko pang napupuntahan." Nakangiti kung sabi na ikinatango-tango naman niya.

"Bakit?" Takang tanong nito sakin nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya.

"Alam mo ba Chelsea, nakakainggit ka." Sabi ko na ikinataka naman niya.

"Ba't naman?"

"E' kasi, ang sipag mo mag-aral tas ako ito. May gana pang ma bored sa buhay kahit na tambak na ng mga activities." At sa sinabi kung iyon ay napatawa siya na ikinatihimik rin naman niya agad nang sitahin ito ng librarian.

"Sorry."

"Alam mo kasi Mayumi hindi rin ako ganun kasipag mag-aral. Napilitan lang ako." Sa sinabi niyang iyon ay nagka salubong naman ang kilay ko. Ako lang ba nakapansin? Na parang nalungkot siya sa sinabi niya na ewan?

Dahil nga naging akward na ang atmosphere ay napatawa nalang ako at tsaka kumuha nalang ng isang libro dahil sa seryoso ng nagbabasa itong si Chelsea. At ayoko namang istorbohin siya baka ma badtrip sa kadaldalan ko. Para kasing may something talaga sa sinabi niyang 'napilitan'. Matanong ko nga si besprend baka may alam siya sa status ng buhay ni Chelsea na sure akong alam na alam niya dahil sa stalker din yata ang ugok na iyon tsk.

Habang bored na bored akong naglilipag ng pahina sa libro ay agad akong napatigil sa pagbuklat nang magsalita si Chelsea.

"Can I ask?" Parang nahihiyang tanong nito.

"Your already asking." Pabiro ko namang sagot na ikinangiti naman niya. Ang kyut talaga ng future mo Niel.

"About Section D." Panimula niya kaya parang naging interesado ako sa mga katagang binitawan niya. Hindi ako nag salita at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Kumusta naman yung pakikitungo nila sayo, bilang nag-iisang babae sa Section na iyon?" Tanong niya na ikinabuga ko naman ng hangin.

"Well, kung alam mo lang Chelsea, palagi akong binabad trip ng mga ugok na iyon mas lalo na yung leader 'kuno' nila na si Montevano tsk. Pinanganak yata iyon sa sama ng loob dahil sa palagi sakin nag susungit tapos..." Pinutol ko yung sasabihin ko dahil sa titig na titig sakin si Chelsea na nakangiti pa. Luh! Nabaliw na ba siya?

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon