Chapter 40

569 32 0
                                    

Third person P.O.V

Kasalukuyang napapa-iling ang grupo ng Blue Team na siyang kinabibilangan nina Van, Elijah, Jim, at Xhian na siyang natitira nalang sa grupo.

"Lodi! Sino kaya yang myembro ng Green Team ang malakas makahakot ng puntos na sunod-sunod pa." Wika ni Jim.

"Si hapon siguro yan." Tugon naman ni Van.

Agad namang nagtinginan sina Xhian at Elijah at nagtanguan dahil sa may hula na sila kung sino ang may gawa nun.

"That's my princess." Pabulong na sabi ni Elijah.

......
Sa kabilang grupo naman nina Gray, Arkin, Levine, at Niel ay nagulat din ang mga ito nang makita nila na humahabol na ang puntos ng grupo nila Yumi sa kanila.

"Wow! ibang klase talaga ang grupo nila hapon, tsk." Sambit ni Niel.

"Dama ko na ang totoong kalaban natin." Ron

"KC from White Team. OUT!"

"We better move." Utos naman ni Gray sa grupo niya.

......
"Jasper, Jhon, and Nad from Yellow Team. OUT!

"Anaknang..." Nai-usal nalang ni Clyde nang marining ang pangalan ng mga ka-grupo nila.

"Humahabol ang grupo ni Ate Yumi ah." Sambit naman ni Kai kaya napatingin si Nash sa LED na siyang humahabol nga sa White Team ang Green Team.

"Sa tingin niyo sino ang MVP sa grupo ng Green Team?" Tanong ni Clyde.

"Akhiro yata." Aniya naman ni Kai.

"Kung alam niyo lang." Pabulong na sambit ni Nash.

"Let's go." Aya ni Nash sa dalawang kakampi nito.

"Ryan from Blue Team. OUT!"

_____
"Tangina. Tatlo nalang tayong natira?" Giit ni Zedrick sa dalawang kasama niya na nakaupo sa isang mataas na puno.

"Wala pa akong naririnig na pangalan ng mga Section D na, na out ah." Sabi naman ni Javier na ikinangisi naman ni Zed.

"Syempre naman. Matik yata section namin. E' yung sayo Javier mukhang naghihingalo na ah. Ikaw nalang yata ang natitirang Section C. Ba't 'di ka pa napapatumba?" Asar naman ni Zedrick kay Javier na ikinangiti naman ni Javier kay Zedrick.

"Matagal mamatay ang masamang damo." Sabat naman ni Javier dito.

"Mabuti alam mo."

"Tsk!"

"Mukhang wala pa yatang namamatay na kahit isang Spy." Sa sinabing iyon ni Tan ay napatingin naman si Javier sa LED na nangunguna ang grupo nila Gray.

"Lakas din ng grupo nila hapon ah. Humahabol...ang tibay din ni Yumi, hindi ko parin naririnig ang pangalan niyang na out." Salita ni Zedrick.

"It's a sign dre na ihanda mo na ang sarili mo kay Mayumi. HAHAHA!"

"Ulol ka, Tan."

"3 hours remaining..."

"Umiwas kayo sa main area(gymnasium). Duda akong doon na papunta ang mga grupo nila Arkin at iba pa dahil sa doon karamihan ang nakukuha ang malaking puntos ng Green Team." Wika ni Javier na siyang nagpakunot-noo naman kay Zedrick. Nang matandaan niya si Mayumi...

"Don't tell me..." Pabulong na sambit ni Zedrick at napatingin sa baba ng puno nang tumalon na si Javier sa baba.

"Kitakitz nalang..." Paalam nito sa dalawa. Nag plano kasi ang tatlo na maghiwalay para mas mapadaling makahabol ang puntos nila.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon