Chapter 71

515 21 0
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

Mayumi P.O.V

Parang wala ako sa sarili na nakaupo. Nasa labas kami ngayon ng 7/11 na siyang nakaupo sa isang table dahil sa nag-aya ang mga damuho na mag no-noodles daw sila. At ang kapal ng mga pagmumukha ako yung pinabayad sa mga pinamili nila. Mga kingina.

Kasalukuyang nag-aasaran ang mga ito samantalang ako ay iniisip ko parin ang nangyari kanina. Wala silang kaalam-alam kung anong nangyari kanina. At mabuti iyon dahil ayokong kwestyonin nila ako ng mga kung ano-ano.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito, Xeno?"

"At paano kayo nagkakilala ni Te Yumi ko ha?!"

"Siguro inutusan ka ng gongong na si Javier no?"

"Don't tell me,...may gusto ka kay Mayumi? Hindi pwede yun dude. Taken na siya."

"Chill. Ang dami niyo namang tanong."

"Ha?" Tanging naiwika ko nang bigla akong kalabitin ni Kai.

"Ok kalang ba Te Yumi?" Nag-aalalang tanong nito.

"Ahhh hmm. Ok lang ako." Tugon ko naman at binigyan sila ng pilit na ngiti.

"Talaga lang ha..." Rinig ko pang sabi ni Xeno na siyang sinamaan ko nga ng tingin.

"Hoy! Mr. Castillo, ba't ka ba nandito nakiki share sa table namin?" Pataray kung tanong sa kanya.

"Kaya nga. Hindi ka naman kabilang samin kaya doon ka sa kabilang table dude shooo!" Taboy naman no Zedrick rito.

"Bulag ba kayo? Malamang dito ako makiki-share ng table eh sa puno na yung iba oh." Wika ni Xeno sabay turo sa mga table na akupado na ng mga tao.

Ang stupid mo sa part na iyon, Yumi.

"Haaays! Iba din ang kapit ng isang ito oh. Sabihin mo nalang kasi na gusto mo si Mayumi. Dami pang palusot eh." Naiiling na sabi ni Clyde na siyang nakatanggap ng mga masasamang tingin kila Josh, Kai, at Zed.

"Siraulo ka ba dre?"-Zed

"Ikaw Clyde ha...may bias ka pala."- Kai

"Naimagine ko pag nadinig yan ni Lead. R.I.P nalang dre."- Josh

"Ngayon ko lang napansin na mga baliw pala kasama mo sa section D." Mahinang sabi ni Xeno na siyang sakin lang pinarinig.

"Actually, mga kadugo mo din yan." Sarcastic kung sabi na siyang ikinangiwi naman niya.

"The hell? No way!" Maarte niyang sabi na siyang ikinangisi ko naman na nailing.

Habang abala ang apat sa pagbabardagulan ay ginawa ko iyong paraan para matanong si Xeno.

"About what happened earlier---"

"I know." Agad niyang salita na pumutol sa sasabihin ko. "Your life is in danger, right?" Casual lang niyang tanung na siyang ikinahigpit ng pagkakahawak ko sa chopsticks.

"H-How did you know that?" I ask. Tumingin ito sakin at ngumiti.

"Guardian angel mo yata ako." Nakangiti niyang sabi na siyang ikinatingin ko sa kanya ng masama.

"Yung totoo. Sino ka ba talaga?" Tanung ko. Napapansin ko kasi lately sa kabute na ito ay parang may something sa kanya na parang pa mysterious. Tsk. At ang creepy lang dahil palagi siyang nakabuntot sa akin. Iiih.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon