Chapter 75

431 27 3
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

Ayos 'to Yumi. Kay aga-agang suki ka ng head mistress. Nakaka-ilang buntong hininga na ako sa labas ng office ng Head dahil sa pinatawag ako nito. Sure akong pinatawag ako rito para sermonan sa nangyaring gulo kagabi. Mga putrages kasi na mga hudlom iyon oh' gagawa nalang nga ng gulo sa loob pa talaga ng campus mga letse! Pwede naman kasi nila gawin iyon sa labas ng campus ng walang nakaka-alam ba't dito pa talaga sa LeonDale ginawa ang rambulan.

Minsan talaga napapa-isip ako kung may mga utak ba ang mga hudlom na iyon? Gumagana nalang yata iyon sa mga katarantaduhan nila sa buhay eh. Haaaays...╮(─▽─)╭

Ilang oras na ako sa labas nakatunganga dahil sa hinihintay ko pa ang pagtawag sakin ni Chelsea na siyang nasa loob parin. May inaasikaso pa siguro.

"Aiiist! masyadong inaaksaya ng bruhildang iyon ang oras ko. May mimisahan pa ako eh. Tsk." Usal ko na tinutukoy si Auntie na siyang Head ng L.D.H.

Napatingin naman ako sa pintuan ng dahan-dahan itong bumukas at linuwa si Chelsea na nailing. "Ano?" Tanung ko.

"Naku! Yumi. Mukhang malaking gulo talaga ang pinasukan niyo ng mga kumag na iyon." Sabi niya na siyang ikina-irap ko. "Pasok na. Pinapatawag ka na ni Mrs. Monteverde. Good luck!"

"Tsk!"

Saktong pagkapasok ko sa office of head ay agad na naningkit ang mata ko dahil sa nakikita ko ngayon.

Anong ginagawa ng lalaking iyan dito?

"Una na ako Yumi. Balitaan mo nalang kami ha." Salita ni Chelsea sabay tapik sa balikat ko at lumabas na ng tuluyan sa lungga ni tita. Aiist.

_______
"What the hell are you doing here?" Bungad ko agad sa lalaking nakaupo sa swivel chair na pagmamay-ari ng head. Narinig ko namang tumikhim si Mrs. Monteverde kaya tinapunan ko ito ng tingin at linakihan ako ng mata para suwayin sa inasta ko sa harap ng tatay ko. Ang tanong tatay ko ba? Tsk.

"Such a rude kid." Wika ni Leonard. "Why? I am not allowed to enter my own school?" Dagdag pa niya na siyang ikinakunot-noo ko at humalukipkip na hinarap siya.

"What? Your school?...as far as I know na kay tanda parin naka-pangalan ang paaralang ito kaya wala 'wag masyadong assuming Mr. Leonard na pagmamay-ari mo na ang L.D.H." Sabi ko na siyang ikina-tingin naman sakin ng masama ng tatay ko 'kuno'.

"Ms. Rivera. Mind your attitude. Nandito ka sa opisina ko." Sita ni Mrs. Monteverde na hindi ko naman binigyan pansin at nanatiling nakipagtitigan sa tatay kung pinupukulan parin ako ng matatalim na tingin. Kala mo naman masisindak mo ako sa ganyang mga tingin mo. Tss.

Nginisihan ko naman ito. "At tsaka alam naman natin na never na mapupunta sayo ang paaralang ito dahil sa pagkakatanda ko sa usapan nila tanda at nung lawyer niya ay wala kahit isa sa mga ANAK niya ang makakuha ng kahit anong manang iiwanan niya." Saad ko na mas lalong ikinakunot-noo niya.

"Ehem! Ms. Rivera hindi kita pinapunta dito para makipagsagutan kay Mr. LeonDalle. Nandito ka para sa---"

"Oo na. Alam kung pinapunta mo ako dito para pag-usapan ang nangyari kagabi, diba? Nakakagulat lang dahil hindi ako na inform na may bisita ka pa pala bukod sa akin." Singit ko sa salita ng Head na mukhang hindi yata nagustuhan ang inasal ko dahil umiba ang awra nito.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon