❗Typo and Grammatical errors ahead❗
Mayumi P.O.V
Naka cross arm ko ngayong kaharap ang apat na sina Lisa, Chelsea, Niel, at Zedrick na kanina pa ako tinitingnan.
"Tangina! Ano bang problema niyong apat ha? At...p-paanong...aiist. nvm." Kay aga-agang akong bwisitin ng apat na 'to.
"Wala ka ba talagang alam sa nangyayari ngayon sa campus, Mayumi?" Salita ni Chelsea na siyang ikinatingin ko naman sa kanya.
"Ang alin?" Nagtataka kung tanong sa kanila na sa ngayon ay napa-nganga na at napakurap-kurap si Melissa samantalang sila Zed, Niel, at Chelsea ay napa face palm at napakamot nalang sa ulo.
"My ghad! Gurl. Nag trending ka na naman sa page ng campus natin." Sa sinabing iyon ni Lisa ay napakunot noo naman ako.
Ilang segundo pa nilang hinintay ang sasabihin ko na nauwi rin sa panlulumo nila. "Oh? Tapos?"
"Ibang klase ka talaga Yumi. Kalat na kalat na sa buong campus natin na namamangka ka sa dalawang ilog." Sambit ni Zed na ikinakamot ko naman sa kilay ko.
Ano bang pinagsasabi nila? Takte. Wala akong ma-gets. Lumilipad na naman ang utak ko. Lintek!
"May scandal ka Yumi--"
"ANO?!!" Sigaw ko bigla dahil sa biglang sinabi ni Niel tangina. Scandal? Ako? Kailan?
Mabuti nalang talaga at nandito kami sa field nakaupo sa silong ng puno kaya walang masyadong katao-tao.
"Tarantado. Ayusin mo kasi ang sasabihin mo Niel." Sabi naman ni Zed na napakamot na sa ulo.
"Aiist! ipakita mo na nga kay bespren yung issue niya. Mukhang lumulutang na naman ang utak niya."
Tatadyakan ko sana si Niel ng tumayo na ito. Tarantado talaga ang gago na'to.
"Pasensiya na. Masyado lang akupado ang isip ko ngayon. Ano ba kasi yang scandal at issue na pinagsasabi niyo? Alam niyo bang ang gulo niyo kausap?" Salita ko.
"Ikaw ang magulo, gurl." Sabat naman ni Lisa na naiiling.
"Look." Agad namang binigay sakin ni Chelsea ang ipad niya na kinuha ko naman. At napataas naman ang kilay ko ng makita ako ang sinasabi nilang scandal.
"Masyado namang misleading ang post nato?" Sambit ko habang ini-iscroll ang mga comments. Hayys.
"Aray!" Reklamo ko ng makatanggap ako ng kurot sa braso galing kay Chelsea na tinitingnan na ako ng masama. "Bakit?" Tanong ko habang hinihimas ang kinurot niya. Ang sakit letse!
"Stress na stress na kaming apat sa kakahanap kung sino ang nag post niyan sa page natin. Tapos ikaw itong parang wala lang sayo yang post." Sermon sakin ni Chelsea na ikinangiwi ko naman.
"Kalmahan mo Che, puso mo." Salita naman ni Zedrick na linakihan ko naman ng mata.
"Aiist! para sabihin ko sa inyo ang lahat, hindi ako hinalikan ni Levine sa picture na siyang nakikita niyo sa page na'to. Sadyang sakto lang sa pagkuha ng angulo ng camera yung pagyuko ni Levine, dahil sa, linagay lang talaga ni Lev yung coat niya sakin dito. Gets?" Paliwanag ko naman sa kanila na ikinabuntong hininga ko nalang.
"Masyado lang talagang mga ma-issue ang tao rito sa campus, tsk!" Aniya ko pa.
"Ayun naman pala eh. Hindi naman pala hinalikan,tsk!" Salita ni Zed na nakaharap kay Niel at parang nag-uusap ang dalawa na parang mga timang.
"Ba't 'di niyo pa yan dinedelete sa page?" Tanong ko kay Chelsea.
"Na hack ang account namin."
"Ano?!" Sabay-sabay naming salitang tatlo nina Niel, Zed, at Ako.
BINABASA MO ANG
Section D
Teen FictionLeon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And that's secret is the existence of section D, the last section that always wants trouble. And the entire...