Chapter 34

549 24 0
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

.....
Kasalukuyan ako ngayong taga pulot ng mga bolang nagkalat sa loob ng gymnasium dahil sa ito ang pinalit na punishment ng magaling kung kuya imbes na 15 laps na push up sana yung sakin ay sinagot ni Javier ang push up na para sakin kaya heto ako ngayon nagpupulot ng mga pesteng bola na ito na sinasadya pa yata ng mga taga section C at mga gagong Section D na kalatin ang bola ng pang basketball at volleyball para pahirapan ako. Tangina niyo!

"Need help?" Salita ng walang iba kundi ang Javier my savior tsk!

Linampasan ko lang ito at pinulot ulit ang bolang tinapon ni Montevano. "Letse talaga...aiist!" Iritada kung saad habang tinitingnan ang pwesto niya kasama ang ibang kauri niyang damuho na tumatawa.

Mga animal! Humanda talaga kayo sakin.

"Ang rude mo talaga sakin Ms. Rivera. Sinalba na nga kita sa punishment eh..."

"So?" Pataray ko itong hinarap na ikinangisi naman niya.

"Wala bang thank you diyan?" Nakangiti nitong tanong na ikinataas naman ng kilay ko.

"Thank you mo mukha mo!" Asik ko rito na ikinatawa naman niya kaya napakunot-noo naman ako. Ang weird niya takte.

"Mayumi!" Inis ko namang liningon ang mga grupo ng kababaihan na taga Section C na tinatawag ako.

"Bola please!" Sigaw nito sakin na ikinatawa naman nila.

Nakakatawa 'yon?

"Argh! Those bitches." Salita ko. At dahil nga sa badtrip na ako ay bored ko lang na tiningnan ang gawi nila at tinalikuran ang mga ito upang magpulot ulit ng mga bolang nagkalat. Bahala kayo diyan sa buhay niyo! Ano tingin niyo sakin utusan? Tsk!

"HOY! MAYUMI!!!" Sigaw nila pero hindi ko ito pinansin.

"NATHALIE! STOP ACTING LIKE A SPOIL BRAT. KUMPLETO YANG PAA MO KAYA MATUTO KANG KUMUHA NG BOLA DITO HINDI YANG NAG-UUTOS KA PA NG IBANG TAO DIYAN!" Napalingon naman ako sa pag sigaw ni Javier at sakto namang nakatingin 'to sakin kaya kinindatan ako nito na ikinangiwi ko naman.

The hell?

"Aba't, nakakarami na yang Montes na iyan."

"Naghahanap talaga ng gulo yang si Javier."

"Pansin niyo parang matamlay si Yumi?"

"Badtrip na naman yata HAHAA!"

"Sino ba kasing 'di mababadtrip kung papulutin daw ba ng bola na pabalik-balik pa niya itong pinupulot dahil pagkalagay niya sa cart meron na namang gugulong. Sige, ngayon mo sakin sabihin dre na hindi nakakabadtrip ang ginagawa ni Mayumi."

"Kalmahan mo pre."

Bungad agad na ratratan ng mga Section D ang narinig ko nang mapalapit ako sa pwesto nila dahil sa, nandoon ang ibang bola na nagkalat. Mga letse talaga. Sinasadya talaga ng mga hinayupak na 'to ang pagkalat sa bola eh. (͡° ͜ʖ ͡°)

Habang nagpupulot ako ng bola ay namataan ko namang nagpupulot din ang mga gago ng bola. Ba't ngayon niyo lang yan napag-isipan? Kung saan patapos na ako amp.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon