Chapter 51

537 28 0
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

"O-Ouch! Dahan-dahan naman!" Reklamo ko kay Gray.

Nandito kami ngayon sa clinic at saktong walang tao kaya heto ang damuho na'to ang lumilinis sa sugat ko. Ewan ko lang kung saan dinala ng kapwa damuho niya si Josh.

"I can't believe na ang tapang-tapang mo kanina tapos ngayon dumadaing ka sa isang patak lang ng alcohol. Ibang klase ka talaga, Rivera." Salita niya na ikina-irap ko naman.

"Aba'y malay ko bang biglang kumulo ang dugo ko kay Josh at bigla ko siyang---aray naman perv!" Singhal ko sa kanya na sinadya yata yung pagdiin ng cotton na may alcohol sa kamay ko. Lintek!

"Your so talkative. The hell." Sabi nito na ikinanguso ko naman.

Hindi na ako umimik at pinagmasdan siyang binebenda ang kamao ko. Napapatingin pa ako sa seryosong mukha niya habang naka pokus sa ginagawa niya.

Well, he's handsome. Montevano yata 'tong kaharap mo Yumi. Tch.

Habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng mukha niya ay nadako naman ako sa labi niya na siyang ikinaiwas ko naman ng tingin dahil sa umangat ang tingin nito sakin.

"Silly." Sabi niya na ikinatingin ko naman sa kanya na siyang tumayo na at inayos ang mga gamit na ginamit sa panggagamot sa kamay ko.

Tiningnan ko naman ang benda sa kanang kamay ko na ikinabuntong hininga ko naman.

"Stop staring at me, Perv." Salita ko habang ang tingin parin ay sa naka benda kung kamao.

Tinaasan ko naman ito ng kilay. "Matanong ko nga, anong ginawa mo nung binubugbog ko ang kapwa mo damuho?" Tanong ko na siyang ikina-upo naman niya sa isang kama na kaharap ng sakin.

"Nag che-cheer." Pilyo niyang sabat na ikina ismid ko naman. Takte talaga.

"Seryoso ako Gray!"

"Same." Kibit balikat niya kaya tiningnan ko ito ng masama.

"Montevano." Sita ko sa kanya.

"Yes, babe." Nakangiti nitong sabat na siyang ikinairita ko naman. Ayan na naman siya. Letse!

"Hindi ako nakikipag-biruan, perv." Seryoso kung sabi.

"Mas lalong ako, Yumi." Aniya nito na ikina inip ko naman. Anaknang.

"Bahala ka nga diyan sa buhay mo." Inis kung salita at hinawi ang kurtinang puti na siyang tumakip sa pagitan naming dalawa ng bigla siyang magsalita.

"Rivera. I'm being serious, when I say that I'm starting to like you..." 

*Dug. Dug. Dug. Dug.*

Ito na naman tayo. Tangina. No waaaay!

Habang hawak ko ang dibdib ko ay nakatitig parin ako sa kurtina at iniisip na parang nakatitig ako kay Gray ng magulat ako nang may biglang humawi sa kurtina at tumumbad sakin ang seryosong pagmumukha ni Gray.

Seryoso itong nakatayo sa harap ko. "No. I think it's not just a like,anymore...because, Perv Montevano is in love with a woman named; Mayumi Ellaine Rivera." Pagkasabi niya ng mga salitang iyon ay parang may nagkakagulo sa loob ng dibdib ko.

Hindi ako naka-imik at huli na ang lahat dahil ang isang perv Montevano ay siniil na ako ng isang halik. At ang ikinagukat ko pa doon nang tumugon ako sa halik niya. What the fvck! Basta ang nararamdaman ko lang sa ngayon ay parang lumulutang ako sa ere at walang kahit anong pumapasok sa isip ko habang hinahalikan ang isang kiss stealer na si Perv. Tanging nasa kanya lang ang buong atensiyon ko ngayon.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon