Mayumi P.O.V
Ilang araw na din ang lumipas sa nangyaring iyon sa gymnasium. At kahit ni isang kaklase ko ay wala akong iniimik kahit na sila Melissa at Chelsea ay iniiwasan ko din dahil sa alam kung nagulat sila at naguguluhan sa nangyari sa gymnasium noong nakaraan at ang isa pa ayaw ko na rin silang madamay sa gulong pinasukan ko dahil sa simula't makatanggap ako ng link na iyon na galing sa pesteng Montevano na iyon ay hindi na naging tahimik ang buhay ko sa loob ng LeonDale. Palagi nalang may nang aabang sa mga hallway para e prank ako ng kung anumang maisipan nilang gawin na hindi ko naman pinapansin.
Bahala sila sa buhay nila kung iyon ang ikakasaya nila edi go! Wala akong pake.
Napabuntong hininga nalang ako habang papaakyat sa hagdan patungong heaven, char! Syempre patungo sa classroom ko. Saturday ngayon pero may klase tch.
Habang tinatahak ko ang mundo ng mga hudlom ay napapatingin naman ako sa mga estudyanteng napapatingin din sakin at nagbubulungan pa.
"Ang tibay niya talaga ano? May gana pa talaga siyang bumalik sa paaralang ito sa daming kontrang bullies sa kanya."
"Kasalanan naman kasi niya. Hindi sana siya makakatanggap ng invitation kung hindi lang naging matigas ang ulo niya kay Gray at yung grupo pa talaga ni Jean ang kinontra niya e' ang daming koneksiyon yata ng babaeng iyon na puro bullies din."
"Good luck nalang sa kanya."
Napa-irap nalang ako sa mga tsismosang frogs na ito na walang ginawa sa buhay kundi ang komokak! Nakaka umay. ( ̄^ ̄)
Napakunot-noo naman ako nang marami akong mga kababaihang nakakasalubong sa hallway na galing sa room namin eh? Anong meron? At yung iba pa ay pasimple akong iniirapan tangina lang?
"Omg! Tinanggap ni Kai yung invitation ko mamayang party kyaaah!"
"Same girl, tinanggap din Niel yung sakin ahihihi"
"Kinikilig ako teh waaah! Hinalikan ni Zed yung kamay ko kyaaah!"
"Si Yuan!"
"At Van ang pogi niya talaga!"
Napangiwi nalang akong napatingin sa mga kababaihang pababa ng hagdan na tili ng tili. WTF? Ano na naman kayang kagaguhan ang ginawa ng mga ugok na iyon?
....
Bigla naman akong napa-irap nang may tumawag sa pangalan ko na base sa maarteng boses nito ay alam kung galing iyon sa impaktang nag ngangalang Jean."Oh? Good morning babe!" Bati nito sakin. Liningon ko naman ito at napataas kilay naman ako nang irapan ako ni Piper amp. tangina talaga itong impakta na'to kung maka irap, kala mo naman maganda tsk!
"Walang good sa morning ko Jean." Sabat ko naman sa kanya na ikinangiti naman niya.
"Awss! Pagod ka na ba sa laro natin babe?" Maarteng salita naman ni Piper na nginitian ko naman ito ng plastik.
"Hindi. Actually nga..." Sabay lapit sa kanilabg dalawa na ikinaatras naman nila kaya napatawa ako ng mahina. "Why so scared?" Nakangiti kung tanong sa kanila ni ikina salubong kilay naman nilang dalawa.
BINABASA MO ANG
Section D
Teen FictionLeon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And that's secret is the existence of section D, the last section that always wants trouble. And the entire...