❗Typo and Grammatical errors ahead❗
Panay likot na ako sa pwesto ko ngayon na maingat kung pinapapadyak at hinihilot ang tuhod ko dahil sa nangangalay na.
Putcha! Hanggang kailan nila ako hihintayin diyan? Mga ilang oras narin akong nagtatago sa mga hinayupak na puro sigaw nalang ng pangalan ko ang alam.
Napako nalang ako sa kinatatayuan ko ng may malaking gagambang nahulog sa may balikat ko. Tinangka ko pa itong hipan pero tangina wrong move yata yung ginawa ko dahil sa imbes na pababa na ito sa balikat ko ay bumalik ito at patungo sa leeg ko. Sh*t!
At dahil nga sa sobrang takot ko ay napaatras ako na siyang nahulog ang isang upuan na siyang lumikha ng ingay. Takte!
Napalunok nalang ako ng nagsilingunan sa pinatataguan ko ang mga taong humabol sakin.
Lumabas na kaya ako?
"Miss Rivera, yohoooo!"
"Labas na sa lungga my dear."
Napapairap nalang ako sa kaartehan ng tono nilang pagtawag sakin. Tf.
Mas lalong bumulis ang tibok ng puso ko ng malapit na sila sa pwesto ko ng biglang malakas na sumarado ang pintuan.
"Peste! natakasan na naman tayo habulin niyo!" Biglang utos ng isang lalaki sa mga kasamahan niya na siyang sunod-sunod naman silang nagsitakbuhan. Akala siguro nila ako yung lumikha ng ingay sa pinto.
Hindi parin ako nagpakampante dahil sa may dalawa pang natira at dahan-dahang lumakad tungo sa pinagtataguan ko. Shit!
Ilang hakbang nalang ay makakalapit na sila sa pinagtataguan kung tumpok na mga sirang bagay kaya napaatras naman ako habang dahan-dahan ako umaatras ay napapikit nalang ako ng akmang hihilahin na ng isa sa kanila ang nakatabong tela sa pinagtataguan ko.
"And what do you think are you doing?" Dinig kung seryosong pagkabanggit na isang pamilyar na boses na siyang nagpamulat sa mata ko na nakita ko naman kung pano bitawan sa nagtangkang hihila sana sa tela. Aist! salamat.
"Zup! Fuentabella." Sa sinabi ng lalaking iyon na kasama sa mga humabol sakin kanina ay hindi ko alam kung bakit biglang tumambol yung dibdib ko na hindi ko maintindihan ang dahilan.
"Ano bang hinahanap niyo sa nakatumpok na mga sirang gamit ng paaralan na iyan at gusto niyo pa talagang kunin ang telang nakatakip diyan?” Dinig kung tanong ni Levine sa dalawa.
"Titingnan lang sana naman, baka kasi nandiyan yung hinahanap namin." Sabat naman ng impakto.
Aiist! tang ina anong oras kaya nilang balak umalis? Ang init na dito sa pwesto ko eh. Baka mamaya hindi na gagamba ang makita ko rito, baka ahas na, lintek.
"Sigurado akong wala diyan ang hinahanap niyo Ken, dahil sa nakita ko kanina si Rivera na kumaripas ng takbo pababa sa rooftop na kulang nalang nga ay liparin na niya ang hagdan. Ano bang pakay niyo sa babaeng iyon?" Napaismid nalang ako sa sinabi niya. Hindi ko alam na magaling palang gumawa ng kwento itong si Levine, tsk!
"Sabi ko sayo Ken eh dapat sumunod na tayo kila Lala." Salita ng kasama ng Ken. Asan kaya si Barbie?
At napabuga nalang ako ng hangin na sa wakas ay umalis narin yung dalawa. Ilang segundo ko rin pinagmatyagan kung wala ng tao sa labas ng biglang magsalita si Levine na ikinagulat ko naman. Takte! akala ko sumabay na rin ang isang ito sa mga hayop na iyon. Tsk!
"Labas." Utos nito sakin na sinunod ko naman dahil sa seryoso nitong tono.
Para naman akong gusgusing tutang lumusot sa isang bangko na siyang nag effort pa talaga akong gumapang dun para lang makapagtago ako sa mga tanginang humahabol sakin. (¬_¬)ノ
BINABASA MO ANG
Section D
Teen FictionLeon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And that's secret is the existence of section D, the last section that always wants trouble. And the entire...