❗Typo and Grammatical errors ahead❗
Mayumi P.O.V
Kanina pang nakakunot ang noo ko habang tinitingnan ang nakapalibot na mga damuho sa may bandang likuran ng classroom na parang may pinag-uusapan. Gusto ko sanang makisali sa usapan nila dahil sa parang seryoso ang pinag-uusapan pero, tangina sila Kai at Zedrick na nakatingin sakin at may pa senyas pa si Zed na 'I'll watching you' sabay turo sa mata niya at sa mata ko timang lang? Tss.
Napairap naman ako kay bubwit na siyang liniitan ako ng mata at inutusan pa akong tumingin sa harap. Anaknang...humanda talaga sakin ang mga damuho na'to.
Dahil sa nairita na ako ay agad naman akong umayos ng upo at sinuot ang headphone ko. Kunyari nakikinig ako ng music pero ang totoo naka-off ito kaya narinig ko ng kaunti ang usapan ng mga damuho na siyang kanina ay pabulong sila mag-usap ngayon naman ay lumakas na ng kaunti at napangisi naman ako doon.
Habang nakafocus ang pakikinig ko sa pinag-uusapan nila ay nagsalubong naman ang kilay ko dahil sa mga naririnig kung usapan nila.
"Basta, ang nakatoka ngayon sa paghahatid kay Yumi ay sina Josh, Clyde, Kai, at Zed. At ang iba alam niyo na..."
"Sa Field mamayang 6:30."
"Seryoso ba tayo dito mga dude? Wala si lead--"
"Jim. Si lead ang may sabi nito. Kahit na ayokong sundin ay kailangan dahil pag hindi natin sinipot ang grupo ng mga taga Nsryn High na iyon...si Mayumi ang pupuntahan nila. Kaya kailangan natin gawin ang inuutos ni lead para din naman ito sa kaligtasan ni Yumi."
"At kayong apat. Siguraduhin niyong ligtas na makakauwi si besprend kundi--"
"Kundi ano?"
"Mukhang matapang ka na Niel ahhh..."
"Suntukan nalang oh."
"Magsitigil na nga kayo para kayong mga bata. Aiist."
"Si Niel kasi eh."
"Sumbong kita kay Chelsea eh."
"Mga tarantado. Hinaan niyo nga boses niyo baka mamaya niyan hindi naman pala naka-on ang headphone ni mareng Yumi. Patay talaga tayo pagnagkataon."
"Kalma Van, bingi si Yumi HAHAHA!"
"Gago ka Tan."
Pakyu ka Tan. Bingi? wtf...humanda talaga kayo saking mga alagad ni Montevano. Makikipag-away na naman huh?...sige, makikita niyo ang bangis ni Mayumi mamaya. (͡° ͜ʖ ͡°)
BINABASA MO ANG
Section D
Teen FictionLeon Dale High is a prestigious school known for its peaceful environment, but Leon Dale High has a little secret that only the campus knows. And that's secret is the existence of section D, the last section that always wants trouble. And the entire...