Chapter 26

683 34 0
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

Mayumi P.O.V

Panibagong araw, panibagong kabwisitan na namang magaganap sa L.D.H.

"Parang cycle lang ang buhay natin Mayumi?" Pabulong kung sabi saking sarili.

Nasa field ako ngayon nakatambay habang tinatanaw ang mga estudyanteng busy sa mga buhay nila. ╮(─▽─)╭

At kung tatanungin niyo naman ako about sa mga damuho ay wala akong alam kung nasan ang mga gagong iyon. Nalaman lang nilang walang klase ay ni isa sa kanila ay walang sumipot dito sa paaralan tsk. Gusto ko sanang guluhin yung buhay ni Chelsea sa library kaso sabi ni Melissa busy daw si Chelsea dahil sa tumutulong ito na mag organize ng program para sa AKWE (Acquaintance Party) dahil member siya ng student council eh.

"Can I sit here." Biglang salita ng kung sino kaya liningon ko naman kung sino iyon. At napangiti ako nang makilala ko kung sino iyon.

"Melissa? Anong ginagawa mo dito? I thought nasa library ka?" Tanong ko sa kanya.

"Pupunta sana ako sa library kaso..." Napatingin naman ako sa kanya nang bigla siyang huminto at parang may kung anong iniisip.

"Hoy! ok kalang?" Tanong ko.

Ngumiti ito sakin. "Y-Yes. I'm fine."

Napa-iling nalang ako dahil parang naiilang itong tumingin sakin, na ewan. Well, matapos ang kaguluhan sa canteen kahapon ay naging ka-close ko narin kahit pa-paano si Melissa dahil kay Chelsea. Kaya siguro parang ilang parin siya sakin, hindi ko rin naman siya masisisi dahil sa kahit ako nga ay na a-awkward saming sitwasyon ngayon. (⌒_⌒;)

.......
"Siya nga pala Melissa..." Panimula kung salita na sumira sa katahimikan na bumabalot saming dalawa. "Ba't ganun nalang ang trato sayo ng grupo nila Jean?" Tanong ko at nahalata ko naman kung panu siya magulat sa tanong ko na parang natatakot at kinakabahan rin at the same time, dahil sa panay ang laro nito sa kuko niya.

"A-Ahhh...a-ano..."

"It's ok, if you can't answer my question. It looks like that is a personal issue. Hehe." Putol ko sa kanya dahil parang hindi ito komportable sa sinabi ko.

Bumuntong hininga at napayuko ito kaya nataranta ako baka umiyak. Pero hindi naman pala dahil sa nagsimula itong nagsalita na hindi naman ako umimik at nakinig nalang sa kanya.

"G-Galit sakin si J-Jean...dahil iniisip niyang inaagaw ko sa kanya ang lahat na meron siya." Sabi nito.

Napakunot-noo naman ako sa sinabi niya. "Inaagaw ang lahat? W-What do you mean by that?" Tanong ko.

Tumingin ito sakin at ngumiti ng pilit. "She's my step sister."

______
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa classroom. Dahil sa lumulutang na naman ang utak ko dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Melissa at yung pagiging step sister nila ni Jean?

"She blamed me for everything. Because she thought that I'm the reason why both of her parents divorced. Dahil nga sa anak ako sa labas at hindi matanggap ng mommy niya kaya nagpakamatay."

Sa lahat na sinabi ni Melissa sakin ay may iisang salitang paulit-ulit na luma-labas sa isip ko. "Her mom died because of me."

"Mom."

"Fvck! what the hell are you doing?!" Doon lang ako natauhan nang makarinig ako ng malakas na parang galit na nagsalita. Kaya gulat akong napatingin sa lalaking salubong ang kilay habang hawak-hawak ang pulsuhan ko.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon