Chapter 11

911 37 0
                                    

❗Typo and Grammatical errors ahead❗

Mayumi P.O.V

Nasaksihan ko lahat yung pangyayari kung paano namatay ang mommy ko sa harap ko. Walang awa nilang pinagsasaksak at pinagbabaril ang walang kalaban-labang babae hanggang sa malagutan ito ng hininga.

"M-mom." Tanging huling salitang lumabas sa bibig ko.

_____
"Elle. Elle!" Nagulat nalang ako sa biglang pagtapik sakin ni Rhyss.

"Are you ok?" Nag-aalalang tanong nito.

Ngumiti ako ditong tumango bilang tugon sa kanya. Kasalukuyan akong nasa hospital ng L.D (Leon Dale) dahil sa nangyari sakin kahapon.

Napapa-isip parin ako sa mga animal na iyon na tumangkang gumahasa sakin. Aiist! pagmalaman ko talaga kung sino yung mga iyon ililibing ko talaga iyon ng buhay.

Naramdaman ko namang umupo sa tabi ko si Rhys at taka ko itong tiningnan ng mapansin ko itong nakatitig sakin.

"What?" Irita kung tanong.

"Kilala mo ba yung mga lalaking gumawa niyan sayo? At anong koneksyon ang mayroon sa inyo ng mga section D?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Pwede bang isa-isa lang ang tanong uy! mahina ang kalaban kuys kaya kalma." Sabi ko naman. Grabe naman kasi kung maka tanong itong si Kuya Rhys sunod-sunod, at tama kayo ng basa dahil sa isa sa mga kapatid ko itong si Rhys, pangalawa sa apat na magkakapatid bale ako yung bunso.

"Ito ang sagot ko sa unang tanong mo kuya...para sabihin ko sayo hindi ko kilala yung mga hinayupak na gustong g-aray naman kuya!" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng makatanggap ako ng malutong na batok. Tangena!

"What the heck? Para saan iyon?!" Inis kung tanong habang kinakamot yung batok ko. Aiist!

"Watch your mouth." Sabi nito na ikinakunot ng noo ko kaya dali-dali kung kinuha yung salamin sa table.

"Ginagawa mo?" Taka naman nitong tanong sakin.

Bored ko itong tinapunan ng tingin. "Diba sabi mo watch your mouth? Kaya ito tinitingnan ko yung bunganga ko---" Napalaki naman ang mata ko ng nakatanggap ulit ako ng batok sa kanya. "Yah!" Sigaw ko sa kanya. "Tangena nakakadalawa ka na Rhys!" Inis kung sabi na ikina salubong ng kilay niya. Akma pa sana ako nitong babatukan na hindi na niya naituloy ng bumukas yung pinto ay niluwa nito ang isang magandang doctor.

"Hay naku Rhys! hindi ka ba naaawa sa bata? Mayroon na ngang iniinda ang iyong kapatid tapos kung makabatok ka pa parang walang katapusan." Naiiling na wika nung babae na ikinatingin ko naman kay Kuya na seryoso parin ang tingin sakin. Tsk!

"Kailangan ko lang turuan ng leksyon itong bata na'to." Mahinahong sabat naman ni Kuya.

"I know....at pwede naman sigurong isantabi muna natin yan diba Mayumi?" Biglang sabi sakin ng babae na ikinangiti ko lang dito. Habang busy ito sa pagtingin sa nakasabit na kung anong ka aningan sakin at sa temperatura ko ay bigla na namang nagsalita si Kuya. Aiist! wala ba siyang duty?  Balita ko nandito siya naka assign sa L.D.H.

"Mayumi--"

"Ops..." Pigil ko sa sasabihin niya. "Alam ko na yang sasabihin mo kuys, at tulad nga ng sinabi ko sayo kanina, hindi ko kilala yung mga hi--" pigil ko sa saaabihin ko ng taasan ako ng kilay ni kuya aiist! "...I mean yung gustong kumuha sakin na mga lalaki ay hindi ko kilala dahil sa mga nakasuot ito ng maskara, happy?" Inis kung sabi. Nakita ko naman itong bumuntong hininga.

Section DTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon