Habang mahimibing na natutulog si magandang ako, bigla akong ginising ng mga kaibigan kong baliw. Napamulat agad ako dahil sobrang lakas ng katok sa pinto.
Mga bushet talaga sa lipunan tong mga to. I lazily got up my bed at naglakad na papunta sa pintuan, I'm still half-awake kaya super tagal kong umabot don sa pinto.
Naiirita na din ako sa malakas na pagkatok ng mga br-ha. "Oo na ito na! kung gusto niyo sirain niyo nalang yung pinto eh! Nahiya pa kayo!" inis na sigaw ko sakanila sabay bukas- "Ano-
"Lady Candace, hindi ka pa nakakabayad sa bahay na ito. You really need to pay up or tatawagin namin ang head townsfolk para paalisin ka." Nanlaki naman ang mata ko sa nakita-
"H-ha?" nagulat kasi ako dahil hindi pala ko kaibigan yung kumakatok. Teka sino to? "Nangpa-prank po ba kayo?" an old lady with a young lady na di ko kilala ay nasa harap ko ngayon. Nakasuot din sila ng dress which really surprised me.
Ano na naman ang trip ng mga kaibigan ko? Teka- akala ko ba nasa hotel kami, bakit parang... umiba yung paligid?
"Ano ba ang pinagsasabi mo Lady? Kailangan mo nang magbayad." Napakamot naman ako ng ulo then somehow, I saw a ring in my finger.
Dapak? Wala naman akong ganito ah? Mukha namang mamahalin dahil it's made of gold with red gem. Kinuha ko naman ito at pinakita sakanila since kanina pa sila daldal ng daldal about me na may bayaran yung bahay.
Eh wala naman akong alam tungkol sa sinasabi nila kaya tumango tango nalang ako. Lutang din ako ngayon kaya wala ako sa mood.
"Ok na po ba to?" tumatanggap ba sila ng ganito? Wala pa naman akong pera. Mukhang mamahalin naman tong singsing na to ehh.
Kung bigay man ito ng kaibigan ko, babayaran ko nalang siya someday. I'm poor kaya, atsaka marunong naman akong bumabayad ng utang.
Kinuha naman nila ito at tiningnan ito ng maigi. "Ay oo! Sobra Lady! Grabe ang yaman niyo po siguro." Masayang sagot nung babae.
Tumango tango din yung matanda. "Isang linggo ka ding hindi lumabas Lady. Kung kailangan mo ng tulong, andito kami." Sang-ayon nung matanda.
Wala talaga akong maprocess sa sinasabi nila. So ayon umalis na sila at ako naman ay bumalik na sa higaan. Hays- ewan ko kung ano ang ginagawa ng mga kaibigan ko pero inaantok pa ako.
Mamaya ko na sila papagalitan. When I was about to close my eyes ay nahagip ko yung buhok ko... huh? The h-ck? I was about to stare at my hair more when I realized the surroundings...
Teka- this isn't- nasan ba ako? Mabilis nawala ang atensyon ko sa buhok ko.
Napabangon naman ako sabay masid sa paligid. A log house? What? Ang weird- alam kong mayaman ang kaibigan ko pero I'm sure they don't own this kind of house.
Malaki laki naman ito and the theme is really weird. Halos lahat eh made of wood, the chairs, the kitchen... like pang sinauna yung bahay pero aesthetic tingnan.
I'm not discriminating wood houses pero iba kasi ang vibes, basta aesthetic yung vibes. I have read many manwhas and mangas at ganitong ganito ang setup nila.
I went to look for a mirror pero bago ko mahanap ang dapat na hinahanap ko. May nakita akong box full of jewelries at hindi lang yon-
May mga make up din pero super aesthetic tingnan. The lipsticks, the powders... baka trip lang ng mga kaibigan ko ang ganito? Aba malay ko, hindi ako judgmental.
When I opened a closet nagulat ako sa dami ng dresses na andon. It's not that nice normal dress- parang mamahalin yung dresses na andito. Tapos super puffy nung sleeves niya.
It was colorful... and yeah masakit siya sa mata. Not really my type of outfit, para kasing pabebe na pasikat. Napakamot nalang ako ng ulo at nagpatuloy na sa paghahanap ng salamin.
I checked the comfort room and found a large one! Pagharap ko sa salamin ay halos gusto kong sumigaw sa gulat. "HOLLYY SHEEET!? ANO TO!?"
Grabe yung gulat ko teh- yung mukha ko parang di akin dahil sa daming kung anong foundation and make up na nakalagay. Did I mention super kapal and panget tingnan?!
Para akong k-ller clown na galing sa mga horror movies. Sheeetaaaa grabe na yung trip nila ha?! Di na nakakatuwa. I washed my faced and removed the horrible make up on my face.
Halos mag-isang oras ako sa bathroom dahil super hirap alisin. Parang waterproof amps. Tapos ito pa yung mukha ko nung nakipag-usap sa matanda."Makabalos lang jud ko mga mnatay."
Napapabisaya nalang ako sa galit. Pagkatapos ng paghihirap ko ay sobrang hapdi ng mukha ko. napatitig ako don sa buhok ko na kulay frost blue na.
Grabe naaa! Ano na ba ang nangyayari sa akin? Bakit ganito yung mukha at buhok ko!? Pag nakita to ni mamang, siguradong wala na akong bahay na uuwian.
Pero infairness ha, ang ganda ng pagkakakulay ng buhok. Parang natural siya at parang di pinakulayan ng mga hairstylists.
Nakasimangot akong lumabas sa comfort room at napagpasiyang lumabas para hanapin ang mga kaibigan ko. Isusumbong ko talaga sila kay- huh?
Kinusot ko yung mata ko para ma-siguro ko ang nakita ko. Pero hindi eh... nasan ba ako? For some reason people here are wearing dresses.
May event ba? nagco-cosplay ba sila? Ganitong ayos din yung nakita ko kanina. Anong meron? Even though malayo layo sila ng konti.
I can still see them clearly, may distance kasi ang bahay sa village na nakita ko. "Oh Lady Candace! Buti naman at lumabas ka, maganda ba ang bahay?"
Napalingon ako don sa tumawag sakin... it was an old guy and he somehow knows my name? may dala siyang kabayo... kanina pa nila ako tinatawag na lady. "Isang linggo ka ding hindi lumabas, ok ka lang ba?"
"A-ah... s-sino po sila?" nauutal na tanong ko, he laughed. Grabe ang weird, di ko naman sila kilala pero kilala nila ako. I'm not that famous.
"Ano ka ba Lady, ako yung tumulong saiyo when you arrived in this village. You were weak and helpless kaya sinuggest ko ang bahay na ito. Mauuna na ako ah?" nagpaalam na yung matanda.
Ako naman eh nagmamadaling bumalik papasok. What the h-ck is happening... I'm convinced that... my friends... are not here with me.
Eh kasi naman! Yung paligid- yung mga tao... at anong village!? This had me all confused pero pinilit kong i-sink in ang mga nangyayari sakin.
Una, hindi ako taga-rito. They kept saying I have been in this house for a week pero sa totoo lang ito palang ang unang araw ko sa bahay na to.
next, they were wearing dresses and suits. Which is weird dahil never in my life pa akong nakakita ng ganong ayos sa pinas! Mainit at madaming judgmental sa pinas ano?
Atsaka pag ganon setup mo, you will be considered rich. Pero dito parang wala lang sakanila. And lastly... my hair and face.
I'm Candace Dulce and you can call me Candy! I'm 21 years old and is 3rd year college. I'm from Cebu city and I'm pure bisaya (Chour)
Pero I speak tagalog kasi nag-aaral na ako sa manila. Dapat din itim ang buhok ko at hindi frost blue. Tas yung mga mata ko... is not this whitish color.
Did I somehow get into someone's body na kapangalan ko? They call me Candace and Candace nga ang pangalan ko.
Did I got reincarnated into someone's body?
BINABASA MO ANG
Suddenly having a Dragon Daughter
Fantasy"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (June 3, 2022) -Queen A.M