"Please don't misunderstand your highness." Kalmadong sagot naman ni Nadia kay Lord Rhett, eh ako naman ay nanginig.
Baka kasi parusahan kami dahil sa mga chika namin ni Nadia. "Also spare this young maid, bago palang siya dito-
"Kaya nga sinabi kong new playmate eh, tsk tsk Lady Nadia- oh? Who's this little kid? Your sister?" nakangising tanong naman ni Lord Rhett sakin.
Ako naman eh di alam kung ano ang isasagot, na-flatter din ako na sinabi niyang anak ko si Cara. Shyeeet ang bata ko pa sigurong tingnan ehe-
Hoy y-w-aa Candy umayos ka nga, sinabihan kang playmate. Baka maging bagong babae ka ng hari, baka maging side chick sa soon.
Ano ba isasagot ko? Alangan namang ia-accept ko maging side chick ng isang to? Masyado akong mapride- may asawa na ako... imaginary husband dahil di ko alam kung sino ang ama ni Caramel.
"I'm flattered your highness but this is my daughter and I don't want to be your... playmate, it's extremely rude to say that to a lady especially with a daughter." Seryosong sagot ko.
OH HAAAA FULL ENGLISH YAN MGA MARS! Buti nalang at nasanay ako kaka-english dito dahil sa anak kong conyo magsalita.
Nakita ko naman ang reaksyon ng mga tao sa paligid ko lalo na kina King Acacius at kay Lord Rhett, wala tahimik lahat till Nadia laughed.
"HAHAHHA, I can't believe someone will reject such offer. HAHAHAH." Natatawang sabi ni Nadia, gagiiii Nadia bat ka tumatawa- t-ngi-na naman mapaparusahan tayo nito eeehh.
Nawala naman ang ngiti ni Lord Rhett at tiningnan ako ng seryoso. Nanlamig nga nag buong katawan ko eh, yun yung reaction niya kanina nung tinapon niya yung lalake sa hardin.
Baka matapon din ako diba? Diba? Dibaaaa? Nako ayaw ko pang iwan si Caramel ano? His expression is still the same.
Ay tangeeeeeekkk, did I offend him badly?! Hala sorrii na uwu de charot lang. seryoso to Candy, baka maparusahan ka tas di ka pa nakapagstart ng trabaho.
"Hmm that's a first. Wala pang nagdecline saiyo dati." Kumento naman ni King Acacius sabay tingin kay Lord Rhett. "Vishuvac's gonna like this."
"Shut up... bakit?" tanong naman ni Lord Rhett sakin, anong bakit? Bakit alin? Di ko siya tinanggap? Gagsiii ba siya?
"I think it's basic common sense your highness, I have a daughter and a husband. Kaya ayaw kong maging side chick mo." Sagot ko ulit. Actually the husband part is lie, wala akong asawa-
"But mama, I won't have a papa remember?" sabat ni Caramel, kaya napatigil ako. CARAMEL INDAY WAG MONG IPAHAMAK ANG IYONG INA.
Niluwal kita sa mundong ito, why must- pero totoo naman eh. Wala nga akong husband- kaya peke akong umubo. "E-ehem, I don't, pero I still have a daughter. So I'm still owned by someone."
"P-" magsasalita sana si Caramel pero tinakpan ko na yung bibig niya. Jusko kung ano pa ang masabi niya-
"What's your name?" tanong ni Lord Rhett, hindi parin umiba ang expression niya, he still has the serious expression. "Will you be my personal maid?"
Ha? G-giiiii ano daw? Should I accept or decline? GI-ATAY MANI SIYA OI! BAKIT NIYA BA AKO DINADAMAY SA KALANDI-AN NIYA?! I HAVE NO TIME FOR THIS?
"Ipagpapaumanhin niyo po ako but I humbly refuse, the position is so high and it is not worthy of someone like me." Pa-bow na sagot ko sakanya.
Nilagyan ko na ng kung ano ano ang mga sinasabi ko para hindi na niya ako pilitin. Bush-t bakit ako pa ang pinagtatyempuhan ng haring to?
May k-in-k ba to sa mga bagong maid. "I'll pay you higher." Mas lalo naman akong napasimangot sa sinabi niya, alam kong mukha akong pera pero this kind of job ain't it.
"I apologize your highness pero ayaw ko parin." Jusmeyooo marimar, wag mo na akong pilitin. Madali lang akong madala basta pera, ok?
So please leave us alone na, like maawa naman kayo saken na mukhang pera. "Then-" magsasalita pa sana si Lord Rhett kaso may narinig kaming malakas na sigaw. Oh I'm saved! Thank the heavens! Hallelujah!
"ANO NA NAMAN BA ITO!? LORD RHETT YOU'VE GOT TO BE-UGHHH!" sabay kaming napalingon sa sumigaw. It was Queen Vishuvac and she just arrived.
Nakita niya ang kalat sa paligid and she started fuming mad. Nagulat naman ako dahil biglang tumaas ang horns niya and scales started appearing.
Para namang umapoy ang buhok niya and her crimson eyes started glowing. She gnashed her teeth at napatingin sa gawi namin, super sama ng tingin niya.
I think I've seen this kind of look before, yung parang si mama noon pag di ako nakapaghugas ng plato. She'd give me that scary look.
I changed my mind, hindi nakakatakot ang tingin ni Lord Rhett. Queen Vishuvac's look even more scary. "Ah sh-t, ba't ang bilis niyang nakarating dito." Pabulong na mura ni Lord Rhett.
Mukhang di naman siya natakot sa tingin ni Queen Vishuvac. "Nawala lang ako for a few hours at ito na agad ang nangyari sa palasyo!? Are you kidding me?!" she exclaimed in fury.
Ewan ko kung bakit pero nakaramdam ako ng init sa paligid, yung parang may nasusunog? "What? Like hindi ito nangyayari everyday, masanay ka na." bored na sabi ni Lord Rhett.
Hoy ginoo kooooo! If gusto mong ma-deds wag mo kaming idamay! Ang init init na! galing ata ito kay Queen Vishuvac dahil umaapoy na din ang kamay niya.
Owshiiii- ayaw kong maprito ng buhay dito. "COME HERE AND LET'S FIGHT!" Queen Nadia roared. Nagulat naman ako dahil biglang bumalik ang appearance ni Lord Rhett.
Yung mahaba ang buhok at mataas ulit na s-ngay? Even scales started appearing like earlier.
Bumalik din yung fierce na tingin sa mata niya and he was smirking, naglabas din siya ng purple na apoy tulad nung kanina when he was talking to the guy.
not gonna lie. He looks extremely hot when he did that. "Oh yeah? Come and defeat me old h-g!" kung kanina mainit, ngayon ay mas lumakas pa. mas mainit pa siya sa pinas mga sizt!
Agad naman akong hinawakan ni Nadia, napansin ko din na isa isang nagsialisan ang mga katulong. "That's our cue, let's go." Sabi niya sabay hatak sakin paalis.
Habang tumatakbo kami papalayo, bigla namang may sinabi si Caramel. "Ma, she looks awesome! Are they dragons?" bulong ni Caramel sa tenga ko.
"Yes and they're dangerous." Bulong ko pabalik sakanya, tumatakbo parin ako kaya hinihingal na ako. Tas may dala pa akong anak, mas lalo pa akong napagod.
"Ma, don't I look like them?" nagtatakang tanong ni Caramel. "I also started glowing just like them diba? Being a dragon looks awesome!"
BINABASA MO ANG
Suddenly having a Dragon Daughter
Fantasy"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (June 3, 2022) -Queen A.M