Agad naman akong namula sa sinabi niya, yeah he's been throwing praises at me for no reason. Basta yung mga bagay na agad kong nakuha.
"Are you two flirting?" tanong naman ng anak ko, awkward naman akong tumawa. Kasalanan mo ito anak, we got more closer because of you!
Palagi kasi siyang hinahanap ni Caramel, pag kami lang dalawa ni Caramel laging tatanungin niya kung sasama ba si Master. MInsan busy kasi siya and di na makakasama sa mga pamamasyal namin.
I don't really know why they've gotten so close to this point, minsan kung nasa opisina ako. Bigla nalang papasok si Caramel like she owns na plays.
I always tell Caramel to be respectful lalo na't nasa palasyo, pero minsan lang siya nakikinig sakin. Kahit nga andyan sina Queen Vishuvac, ganon padin siya.
She's also close with Vishuvac, matagal na niya kasing idol ang reyna and she's currently trying her best para makasali sa top students ng akademiya.
Well dahil ito kay Vishuvac, the queen held the highest score sa akademiya and none of the students for the past few years catch up to her score.
Tinanong din ni Caramel si master tungkol dito, apparently that dude skipped school a lot at di man lang siya nakasali sa exam day. Pero Vishuvac already told us na mas matalino pa si Acacius at Rhett kesa sakanya.
Regarding with Acacius? Uhhh, he also skipped exam day pero isa siya sa mga active na estudyante. It's just that he skipped exam day dahil nagpasama sakanya si Rhett...
Nakarating na kami sa Frost lake and mukhang marami na itong mga decorations, it was so different from the past na napasyalan namin ni Cara.
Most of the trees were crystalized into ice, may mga tables and kung ano ano pa. the lake was already frozen and may mga mini boats sa gitna kahit wala nang tubig dahil sa ice.
Actually may mga disenyo naman yung mga mini boats. It even has a mini roof- wait I think it's a dating spot? Kasi may table din sa gitna.
Feel ko mas maganda to pag gabi? Well gabi naman talaga mangyayari yung event so eh? Hindi ko in alam kung para saan yung event.
Marami rami ding tao dito kasi bukas na magaganap yung event, marami na nga din ang nagdi-display na food stalls along the woods na patungo sa lake.
We went first doon sa woods na may mga pagkainan, of course napapalibutan parin ang paligid ng snow. Nakita ko namang binigyan ni master si Cara ng icecream.
"Master, you've been spoiling her too much." Kumento ko nalang, palagi na niya kasing binibigyan ng kung ano anong pagkain na mint flavor si Cara.
Tinawanan lang ako ni master at binuhat na ang anak ko na busy sa pagkain. Since marami raming tao dito, everyone's gaze was on us.
Actually matagal nang ganito pag namamasyal kami. Nagulat naman ako nung biglang may lumapit saming mga babae. It was a group of ladies from a high family.
"Lord Rhett! Long time no see, hindi ka na namin nakikita sa dating lugar kung saan ka tumatambay." And once again, nasa gilid na ako dahil sa dami ng babaeng pumapalibot sakanya.
Palagi na din itong nangyayari saamin. Yung anak ko ay wala pading pake sa paligid, I already know this. once na makakakain siya ng paborito niya, she won't be caring sa surroundings niya.
Nag-alala nga ako sa survival ng anak ko, kahit siguro may w-ar dito. Pag kumakain siya ng mint flavor na food, she will just ignore it.
Hindi naman sumagot si master, instead parang luminga linga siya na parang may hinahanap. Ako ata ang hinahanap nito?
"Lord Rhett! Lahat kami ay free later, we wonder if pwede ka naming makalaro? It's been 3 months, matagal tagal na din." Another lady spoke. Nagtawanan naman ang lahat.
"Oo nga your highness! Not to mention may gala na bukas. Sino ang kapartner mo? May tinanong kana ba?" a hoard of ladies surrounded him like ants, parang siya yung matamis sa gitna dahil pinapalibutan siya.
Bumuntong hininga naman ako, these ladies- galing siguro sila sa ibang kingdom? From Redstone and Bluestone? Kasi may gala bukas, of course lahat ng kingdoms ay dadalo.
First time ko pa silang nakita dito... atsaka looking at their outfits, I think I'm right.
Hindi siguro nila alam na matagal tagal nang ayaw makipaglaro sa iba, even the ladies from the Imperial capital already knows this? may rumors naman diba?
Ayaw ba nila maniwala don? Hellloooo? Asan na pagka-marites niyo? Gamitin niyo naman like now na! master doesn't like playing anymore!
Nakita ko naman ang reaction ni master, ahhh... he's getting mad. Hindi parin kasi niya ako nakita at mukhang naiinis na siya. again, Cara is still focused on her food.
"Oh what a cute child! Kaninong anak?"
"Oo nga! a lord Rhett is wala ka pang partner andito lang ako."
"Lord Rhett- andito din ako! Namiss ko ang halikan natin."
Napa-buntong hininga nalang ako dahil ready nang bumuga ng apoy si master. "Ah excuse me." Sabi ko sa mga babae na pumapalibot kay master, pinilit kong makapasok sa crowd para malapitan sila-
"F-CK-" hindi natuloy ang mura ni master dahil nakaabot ako at pinakain na siya ng mint candy, nakanganga na kasi kaya madali lang i-shoot sa bibig niya. "Mwi Dulce." He called while chewing candy.
"HI! Hello! Sino ka ba? kinakausap pa namin si Lord Rhett-" sabat naman nung isang babae, here we go again. Hayssss- "You're a maid right? Mag antay ka nga."
"Pasensya kana my lady, may pupuntahan pa kasi kami and we need to finish for the day." Agad na sagot ko para wala nang away. pero dzae- matigas ang ulo ni ate girl. Nakarinig naman ako ng mga bulong bulungan.
"How dare you answer me like this?! how rude, dapat paparusahan ka dahil you're disrespecting an aristocrat like me! Halika- I will teach you a lesson." And some cheers was heard from the group of ladies.
"What did you say?" sabay tanong ng anak ko at ni master, a-ahhhh hahaha heto na- "You lay a finger on her at sus-nugin ko ang mansion niyo." Inis na sambit ni master, naubos na siguro ang candy niya.
Yung anak ko din parang wala na sa mood kumain dahil sa narinig, "Pero Lord Rhett, she said something rude-" di natapos ang sasabihin nung babae dahil nagsalita ulit si Master.
"I don't care, if you still insist. Baka sus-nugin ko ang katawan mo, right here right now." Master said coldly sabay hawak sa bewang ko. "Saang sulok ka na naman pumunta?"
Mahinang bulong niya sakin, namula naman ako sa ginawa niya. Pero di ako maka-focus dahil sa mga babae, hays- another group of ladies na naman ang naging kaaway ko unintentionally.
Lumayo na sila kay master, natakot ata dahil sa boses nito. Master didn't even spare them another glance and was just holding my hips na para bang walang tao sa paligid.
"Tsk, hindi ko pa ba inanunsyo na meron na akong nililigawan?" inis na sabi niya, napapikit nalang ako sa hiya, I forgot to tell you guys... he did start courting me 'THAT' day na natulog kami sa kama niya.
"I should announce it publicly tomorrow night, f-cking ppl kept ruining my day." Inis na bulong niya ulit, ahhh master please don't. baka lahat ng babae sa lahat ng kingdom ay makakaaway ko.
BINABASA MO ANG
Suddenly having a Dragon Daughter
Fantasy"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (June 3, 2022) -Queen A.M