Nanlaki naman ang mata ko dahil na nakita ko. "Ah wag kanang bumati, I'm just walking around wearing a disguise. Baka may makarinig saakin." Sabi niya naman.
Kaya tumango naman ako, tapos nakita ko naman siyang tumingin sa anak ko na busy padin kakakain ng icecream. She didn't notice his highness dahil nilasap-lasap niya ata yung mint flavor na icecream.
"Mint, interesting." Kumento naman ni King Acacius sabay ngiti. "Kamukhang kamukha mo ang anak mo Lady Candace."
Awkward naman akong ngumiti, ano ba ang sasabihin ko? Duh, ngayon ko lang siya nakausap. Pero gorabels na kung ano man ang masasabi ko.
"Ah yes, she does." Pekeng ngiti ko, pero mas lalong ngumiti naman si King Acacius. Pero nagpatuloy naman sa pagtingin si King Acacius sa anak ko.
Ah diba nasa palasyo lang siya kanina? How the h-eck is he here? Tsaka ba't titig ng titig siya sa anak ko. AH! DON'T TELL ME- "I'm sorry your highness pero wala pa sa edad ang anak ko." Seryosong sabi ko.
Napatingin naman siya sakin at namangha. Bakit ba siya tingin ng tingin sa anak ko? "Oh do I look like a-" hindi natuloy ang sasabihin ni King Acacius dahil pumagitna si Caramel.
"You look like a cr-ep po, did no one teach you na staring is rude po?" agad ko namang tinakpan ang bibig ni Caramel dahil sa sinabi niya.
Halaka inday oy! Baka mapahamak tayo dahil sa sinabi mo! Isang hari si Acacius ano?! "Hmm? what a feisty child! Just like someone I know."
Napatigil naman ako sa sinabi niya, "Bakit ka nga pala andito King Acacius?" tanong ko, eh diba nasa meeting siya kanina kasama sina master at yung reyna?
How come he's here. "Oh I escaped, gumawa din ako ng excuse to manage an event dito." Nakangiting sagot niya. "And I saw some familiar faces." Dagdag niya.
Huh? Naalala niya kami? How come? Ah baka sinabihan siya ni Master na ako ang bagong personal maid niya? That guy likes bragging.
Tulad nung nakaraan nung may pinuntahan lang kami sa labas saglit, a lady kind of asked he proudly answered me as his personal maid... he even said I was the best he had.
Sino ba ang hindi mahihiya don? Whatever, I'm sure he also told King Acacius tungkol saakin. Atsaka maid lang naman ako, soooo I need to be respectful.
Tinitigan lang siya ng anak ko at nagpatuloy na sa pagkain like she didn't care.
That's weird, she's usually talkative. Anong nangyari? "Gusto mo bang sumama sakin? I'm heading to the lake, doon kasi gaganapin ang event. Since ako lang isa, I would like a company." He asked.
Wala din naman kaming gagawin ni Caramel dito so I agreed, pero si Caramel parang na bad mood bigla. "Anak is the mint icecream not enough?" tanong ko sakanya.
She didn't answer pero tiningnan niya naman si Haring Acacius and squinted her eyes. Yung parang nagbabala ba or something.
"Haha, she doesn't seem to like me." Natatwang biro ni King Acacius. SUmabay nalang ako sa tawa, ano ba isasagot ko?
We arrived in the lake at nagulat naman ako sa setup ng paligid. "Welcome to frost lake, may mangyayaring event dito soon... it's kind of an evening party na may kasamang laro."
Pagi-introduce ni King Acacius samin ni Caramel. Namangha naman kami dahil sa ganda ng lugar, I mean nasa gitna kaya kami ng init but this place...
It's all snow. Tas naka-freeze na yung lake, tas yung mga puno- basta! Yung mga nakikita niyo sa mga movies na may snow!
"Wow- kayo po ba ang may gawa nito?" I asked sincerely, he chuckled naman at tumango.
"Yep- I can manage ice. The gem here..." sagot niya sabay turo ng maliit na dot sa noo niya, ito yung nakita ko nung nasa village pa ako. "Mains ice powers, pwede din naman apoy pero mine's weak."
Well that explain why, siguro ice nga ang main power niya? I did saw Queen Vishuvac na nagtransform na parang apoy... maybe she mains fire?
Ano kaya yung kay master? Well he was said to be the strongest dragon, pero nawala na yung kapangyarihan niya.
"See?" I gasped when he made the lake snow. Hindi naman siya severe na snow, yung light lang? biglang gumanda tuloy.
"Mas maganda dito pag gabi." Kaya pala gabi ginanap yung sinasabing event ni King Acacius. "Do you guys like it?"
"Ah oo, first time kasi naming makita ito. Diba Caramel? Look! Snow doves!" turo ko sa malayo. Caramel just smiled along pero di parin nagsalita.
Nagtatampo ba to? Why is she so silent, nag-alala na tuloy ako. "Malamig ba? pansensya na, here have my sweate-
"Nilalamig din po ako King Acacius." Sabat ni Caramel. Then she stared more at King Acacius na parang nagsasabi ang mata niya na andito din siya.
In the end, binigay ni King Acacius sakin ang sakanya and mukhang may inner sweater siya so binigay niya yun kay Caramel.
Napatigil naman ako, wait... why does it smell... uhh unpleasant? I mean hindi mabaho ok? Just unpleasant, it makes me wanna p-ke.
Pero pinilit kong inignore ang baho ng sweater ni King Acacius, baka mapansin niya. Bahala na nga.
"Ah the event is called frost lake gala, kailangan mo ng kapartner sa ganon. I was wondering if-" hindi natapos ang sasabihin ni King Acacius dahil natumba siya bigla.
Pati ako nga eh nagulat sa nangyari, biglaan kasi. pero napansin namin kung bakit siya natumba. He stepped in a slippery ice puddle, parang out of place nga siya eh. Ang layo layo ng iced lake.
Why is there an ice puddle here? Pero baka andito na to at di lang namin napansin. Myeh.
"O-ok ka lang ba King Acacius?" actually he doenst look fine, parang hindi din niya inexpect na matutumba siya and he hit his head a little.
Agad naman akong naghanap ng maliit na block of ice. Napalayo ako saglit kina Caramel, I panicked kasi at ang unang naisip ko ay kailangan niya ng ice para sa ulo niya.
Madali lang siyang hanapin since it's everywhere, pagbalik ko ay napansin kong parang may sinabi si Caramel sa hari.
"Heto na po ang ice, ok ka lang ba-" di natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol ito ni Caramel.
"Mama, nakalimutan mo bang may kapangyarihan siyang ice din? He can heal his self naman po." Mahinang sabi ni Caramel, yung parang pa-cute? And innocent?
Teka ano ba ang nangyayari? Pero oo nga ang t-nga ko sa part na may power pala si King Acacius kaya tinapon ko na yung nakita kong ice.
King Acacius also smiled nalang, nagtaka ako dahil bigla siyang tumahimik. I wonder what's up? Kinarga ko naman si Caramel, baka madulas din siya.
"Ano nga pala ang pinag-usapan niyo? I saw it from afar." Tanong ko kay Caramel, she just smiled and tinapik ang pisngi ko ng mahina.
"Mama don't bother, ah! Tara na't umuwi, I have homeworks to do!" masayang sabi niya sakin, ako naman ay nagtaka.
What? Didn't she say na wala na siyang homework?
BINABASA MO ANG
Suddenly having a Dragon Daughter
Fantasy"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (June 3, 2022) -Queen A.M