"Cara! Caramel!" sigaw ko sabay yakap sakanya sa likod, pagkatapos ay hinarap ko siya sakin. "Are you ok?! Are you hurt!?"
Nakita ko naman ang expression niya, yung galit na galit? She was in the verge of crying, kaya napatingin ako don sa babae na nakahiga lang.
"IKAW! ANONG GINAWA MO SA ANAK KO!" malakas na sigaw ko sabay hawak ng kwelyo niya since may kwelyo naman ang outfit namin.
No one dares to make my daughter hurt and make her cry! Aba- I won't sit idly pag may nangyari kay Caramel.
Pero tulala lang si ate girl- hindi man lang sumagot, bukas naman ang mata niya and she just looking in dazed. Yung parang nawalan ata ng kaluluwa?
Wait a minute, this looked familiar? Hmm? Oh! Naalala ko na, yung lalake na gumawa ng gulo sa inn. Ganito din ang nangyari sakanya...?
Ang naalala ko ay nahulog siya sa ilog, it was an accident daw. Tas when he went out of the water, he went mute and in daze tulad ng nangyari sa babaeng to.
I'm not st-pid... kaya napatingin ako kay Caramel. "M-ma, sh-she's going to hurt you." naiiyak na sabi niya saakin kaya lumapit ako sakanya at niyakap siya.
"Cara inday... tell me. Ikaw ba ang may gawa nito?" nag-alalang tanong ko sakanya, hindi naman siya kumibo pero she then nodded.
"I-... hindi ko alam ang nangyari. N-narinig ko lang po yung sinabi niya and everything went dark afterwards. Pero nung tinawag mo ako, doon ko narealize that I'm glowing again." Takot na paliwanag niya.
This is bad- if someone will know what she did, she might get hurt. "Ma, a-are you leaving me? D-dahil sa ginawa ko? I'm sorry- I didn't mean it, really." Umiiyak na sabi niya.
Hinalikan ko naman ang pisngi niya at umiling iling. "No no, mama won't do that. For now, let's just hide na ikaw ang may gawa nito. People here is dangerous, so don't tell anyone sa ginawa mo ok?"
Hindi ko man alam ang rules sa imperial capital pero I'm sure what my daughter did will offend a lot of people. So I need to protect her...
Even if it means na isacrifice ko ang sarili ko. Nawala naman agad yung yung glow sa mata at sa buhok niya. Bumalik na sa dating kulay ang buhok ni Caramel.
"Yes mama, I'm sorry." Pagso-sorry niya ulit. Kinarga ko naman siya at niyakap ng mahigpit. Buti nalang at sina Cara lang ang andito.
Pero paano ko to itatago? Everything's a mess. Kinuha ko ang maliit na hat na gawa ko sakanya at pinasuot ulit sakanya.
Tumango naman siya. "Oh? What happened here?" sabay naman kaming napalingon sa nagsalita. It was Lord Rhett, kaya agad akong nagbow kahit karga karga si Cara.
"Kakadating mo lang po ba mahal na hari?" tanong ko since mahirap na pag nakita niya. He then shrugged.
"Hindi sana ako magtatanong kung alam ko ang nangyayari Lady Candace." Bored na sagot niya. "Mahirap ka ding hanapin since ang bilis mong tumakbo. Who would've thought na andito kayo sa inside garden ko."
Pinakalma ko naman ang sarili ko."Some accident happened your highness. We sincerely apologized." Mahinang sagot ko. Napatingin naman siya kay Cara...
"Your daughter seems hurt, anong nangyari." Taas kilay na tanong niya sabay lagay ng isang kamay sa bewang niya.
"My Lord, this lady was planning to hurt my mama! Narinig ko ito since she was saying it out loud." Agad na sabi ni Cara kaya nagulat ako.
"Tapos nakita niya ako and bumped into that big statue." Dagdag ng anak ko sabay turo niya don sa malaking statue na nabasag malapit don sa babae. Wait, yun ba talaga ang nangyari?
Pero Cara just admitted that siya ang may gawa non, don't tell me? She's lying right now? Namangha naman ako since para siyang hindi nagsinungaling sa sinasabi niya.
Kung di ko lang alam baka naniwala na din ako. Tsaka yung statue is made of glass like pure glass talaga kaya agad itong nabasag.
Not to mention magaan lang ang glasses, so accidentally bumping it would cost it to fall at mabasag. Kaya what Caramel is telling right ay parang totoo.
"Hmm? what happened next young lady?" tanong ulit ni Lord Rhett sa anak ko. My daughter calmly pointed her head.
"She hit her head... kaya siya naging ganyan." Napangiti naman si Lord Rhett sa narinig. Jusqqqq sana hindi siya maging suspicious sa anak kooooo.
"Well she did deserve it. good for her, that accident was well deserve. Come." He sneered, sabay tawa. No wonder he's called ruthless. "May first aid ako sa office. Your daughter seems to have an injury."
"P-paano po yu-yung maid?" nauutal na tanong ko, basta kinakabahan ako ok? Atsaka pwede naman kaming bumalik nalang sa maid's chamber ah?
May first aid kit din doon, bakit kailangan pa naming pumunta sa opisina niya. Baka napansin niya na nagsisinungaling kami? Tas kokomprontahin niya kami?!
"Why are you concerned to someone na gusto kang saktan?" his eyes squinted habang sinasabi niya iyon sakin.
"Oo nga mama? Didn't they deserve to be left alone since they're bad people?" nagtatakang tanong din ni Caramel.
Di nalang ako sumagot, bakit pareha sila ng iniisip? Bawal na bang ma concern sa isang tao? May awa ako ano? "Wag kang mag-alala, I'm sure Lady Nadia heard it. she hears everything here."
Pagtapos ay naglakad na siya kaya agad na akong sumunod karga karga si Cara. We arrived at his office at agad na nagpatawag ng physician. (Yun tawag nila sa doctor sa mundong to.)
Since may isang room kung saan may sofa, doon naiwan si Caramel. Samantalang ako eh nasa main office niya, kanina pa ako pinagpawisan dito.
He was staring at the ceiling na parang may iniisip. "I'm glad walang nasaktan sainyo Lady Candac-
"Call me Candy my Lord." Sabat ko, he the glanced at me sabay ngisi. Of course lumabas ulit yung pangil niya pero it's not sharp tulad nung nakita ko kahapon.
"Candy hmm? how sweet." Bigla naman akong nakaramdam ng shiver down my spines. "But I do need you to fix that glass statue, masyado yong mahal."
Nanlaki naman ang mata ko, ano daw? Hindi naman kami ang nakasira ah? Wait- kami nga pala, ewan ko kung ano ang isasagot ko pero I'd better deny. "Pero your highness, hindi naman kami-
"But you guys are still in the scene, tsaka yung babae na nakahiga is paralyzed. Are you expecting her to pay it?" my jaw clenched when he said that...
"So let's made a deal, you can be my personal maid. para mabayaran mo unti unti yung statue..." tinaasan ko naman siya ng kilay.
"If the offer kahapon is still available then tatanggapin ko." Kami naman talaga ang nakasira sa statue eh, pero kailangan ko din ng pera ano?
Nakita ko naman ang namamangha niyang mata while looking at me. "Please include the education sa anak ko tulad ng sinabi mo kahapon." Dagdag ko.
Kung mamba-blackmail man siya ng ganon, I would like more rewards then. Aba lugi ako kung yung statue lang ang pagtatrabahuan ko.
"Sweet... yet gr-edy."
BINABASA MO ANG
Suddenly having a Dragon Daughter
Fantasy"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (June 3, 2022) -Queen A.M