It's time for the Gala at nakabihis na ako- I got to tell you guys, dresses- are f-cking heavy. Kung akala niyo maganda sa pakiramdam, NO F-CK NO!
Super bigat tapos andaming layers lalo na sa skirt part. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang lahat ng dresses dito or it's just the theme sa gala.
Winter theme kasi, para akong nagbubuhat ng mabigat bagay sa bandang bewang ko. Pero maganda naman ang dress, kaya pala pumunta sina master somewhere is because to send this dress sa palasyo.
Apparently yung anak ko ang pumili, did I mention you na napaka-mahal nito? Pero sabi ni master, regalo na niya sakin ito.
I'm also coming as his partner pero still a personal maid sa party. Actually papunta na kami sa party, di nga ako makaisip ng maayos dahil kinakabahan ako.
First time kong dumalo sa mga ganit, wala akong alam kung ano ang gagawin. Ayaw ko nga sanang pumunta kaso pinilit ako nilang dalawa.
Oh and kasama namin si Cara dito, buti naman ano? Master said na ok lang na sumama ang mga bata dahil marami rami din ang bata na andoon.
Nakarating na kami sa destinasyon namin at tama nga ang hinala ko, sobrang ganda niya pag gabi. The woods were full of blue lamps that makes the atmosphere frostier but with elegance.
"It really matches you MI Dulce." I scoffed at hinampas siya.
"Kanina mo pa yan sinasabi master." Natatawang sabi ko sakanya, he lifted my hand at hinalikan ito. Hindi parin ako nasasanay sa mga pinagagwa ng master ko.
He's been b-lder and b-lder every second of the day. Mind you ha, araw araw niya akong nilalandi. Like everyday talaga as in.
Dahil di pa ako sanay non, I didn't let him do something like this. napaka-touchy niya kasi, bigla bigla nalang hahawakan yung bewang ko-
O di kaya yung buhok ko para amuyin, buti nalang at di na niya ako tinawag na mabaho. Umiinit parin yung dugo ko don pag naalala ko yon.
"Aaahhh, are you falling for me na ba?" nakangising tanong niya, in 3 months ang nagbago lang sakanya is yung pakikipaglaro niya sa mga babae. He hasn't played or flirted with anyone now.
Hindi ko alam kung bakit pero somehow, I'm relieved na nagbago na siya. it may have been a short period of time pero nalalaman mo naman siya actions niya.
Tnawanan ko nalang si master, for some reason feel ko parang amoy mint na din ako? Ewan ko kung bakit? "Mama, since you fell for your master. Pwede na po ba si mahal na hari matulog sa kama mamayang gabi? He told mehmp-"
Napataas naman ako ng kilay. Sabay harap kay master and he just smiled innocently na para bang wala siyang kinalaman don.
One time lang kami natulog sa iisang kama kasama ni Cara and then he goes asking if I will let him sleep sa kama ko... "Mi dulce-
"No." agad na sagot ko sakanya at napanguso naman siya sa sagot ko. Alam kong tatanugin niya na naman ako tungkol doon, pero his expression made me soft "Fine, pag-iisipan ko pa."
Nakita ko naman ang biglang pagliwanag sa mga mata niya, hinigpitan niya naman ang pagkawahak ng bewang ko sabay lagay ng ulo niya sa bandang leeg ko. "Mi dulce is so kind."
Hinayaan ko nalang siya, unti unti na din akong nasanay sa mga pinagagawa niya. "Oh my? Is my favorite young lady here? HAHA Caramel my deaar." Sabay naman kaming napalingon sa nagsalita.
Naglalakad na kami patungo sa frost lake at nakita namin si Queen Vishuvac na may kasamang babae at lalake. Super ganda naman ng suot niya dahil bumagay sa buhok niya.
"Queen Vishuvac! A-ah I'm sorry, greetings to her-AH!" nagulat naman ang anak ko dahil lumapit sina Queen Vishuvac sabay binuhat siya.
"Haha! Eat more young lady para maging katulad mo ako, strong and brave. Kung gusto mong makamit ang ganitong katawan, then eat more!!!" natatawang sabi ni Vishuvac sa anak ko na natutuwa sa pagbuhat niya.
"Be careful not to drop her old h-ag." Nakasimangot na tugon ni Master kay Queen Vishuvac, ewan ko ba kung bakit old h-ag ang tawag ni master kay Queen Vishuvac? Magka-edad lang naman sila.
I'm pretty sure mast matanda ng ilang buwan si Master. Weird... napa-shrug nalang ako. Baka form of insult lang yun ni master. "Sino po yung mga kasama mo?" tanong ng anak ko.
Walang preno talaga ang bibig ng anak ko, I don't know kung kanino siya nagmana. Basta nalang niya sasabihin kung ano ang nasa isip niya. "Oh them? They're my dates." Masayang sagot ni Queen-
Huh? both? Like... silang dalawa? Nagbow naman silang dalawa. "Greetings to the King." Sabay bati nilang dalawa. DI naman sa ano ako ok? Nagulat lang dahil dalawa yung dala niya-
"She likes both genders." Paliwanag nalang ni master sakin, kaya napatango nalang ako at di na nagcomment. I don't wanna say something offending.
Sabay na kaming naglakad patungo sa frost lake, as always samin nakatuon ang pansin ng mga tao sa paligid.
'Ang ganda ng kapartner ni haring Rhett.'
'Oo nga, she seems worthy of the king.'
'I heard na siya lang ang nagpapakalma sa hari.'
Napapikit nalang ako sa narinig, pero binuksan din agad para tingnan ang mga tao. I was about to look ahead when someone caught my attention... huh?
It was a young lady looking grimly at me, nung una akala ko admirer lang siya ni master since marami naman talaga si master non pero as I look again...
It was his ex-fiancé. Kung naalala ko ng maayos, her name is Chrisa DeLillo. Siya yung babaeng nabangga ko don... she was looking at me like she was envious.
Di ko na ulit siya tiningnan, isa ata siya sa mga babae na din nilandi ni master. I mean he did tell me na he was about to till she force the marriage on him at don siya nawalan ng gana.
Madaldal si master sa mga ganito, he keeps telling me about him being a wom-nizer at naba-bad mood ako minsan don- pero nonetheless, marites ako kaya nakinig ako lalo sa sa part tungkol sa ex fiancé niya.
For me, feeling ko related kami. Hindi ko masyadong naalala yung sinabi niya pero yung DeLillo, it rings something to my ears.
Kaso di ko talaga maalala, I can remember the familiarity pero di ang ala ala. Gusto ko sanang malaman kung ano ang nangyari saakin kasooooo... I have my doubts sometimes. Feel ko na gusto kong malaman na hindi, yung ganon?
Basta! Di ko ma explain, ganito siguro pag nalaman mong wala kang ala ala. You wanted to know the truth but at the same time, takot din.
Nakarating na kami sa frost lake at sobrang ganda ng paligid, hindi ko parin alam kung bakit nila nilagyan ng boat sa gitna kahit nagye-yelo na yung lawa.
"Mi Dulce, stay here for a second. Kailangan kong bumati sa mga bisita." Tumango naman ako, master will be greeting visitors kasama sina Vishuvac. Karga karga niya padin si Cara at mukhang masaya naman si Cara don.
"My dear sister." Nagsitaasan naman ang balahibo ko sabay tingin sa tumawag, it was her. Chrisa.
BINABASA MO ANG
Suddenly having a Dragon Daughter
Fantasy"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (June 3, 2022) -Queen A.M