Pagkatapos naming bumalik sa frost lake ay dumeretse na kami sa palengke. "Talaga?" tanong ng anak ko, sabi kasi ni master na bibilhan niya si Cara ng bagong dress.
"Master, kakabigay mo lang niya ng dress kahapon. Don't spoil her even more please." Kumento ko nalang, madami dami na ding dresses si Cara ano?
Dahil lumipat na kami malapit doon sa kwarto ni master, palagi nalang may pasalubong na either pagkain or stuffed toys para kay Cara.
Atsaka nahihiya din ako dahil isa lang akong maid pero nakatira na ako sa ganoong kwarto, I even complained kay Nadia dahil ayaw ko at nakakahiya.
Pero Nadia just encouraged me. "Nako! Mas mabuti na din ano? Kesa makita siyang galit araw araw, you're such a blessing Lady Candy. You are our miracle! Blablablabla"
Basta marami rami pa siyang sinabi tungkol saakin, how I was her mother sent an angel dahil ako lang daw ang nagpapatigil sa mga galit ni master.
Hay ambot. Mukhang hindi naman nakinig si master sa sinabi ko and pumasok sa isang malaking store which consists of dresses. Nakita ko naman na may binulong si Cara kay Rhett and master nodded.
Baka may pinaplano na naman sila? "Mi Dulce, doon muna kami sa kabilang store ok? Dito ka muna. Lord Wyett, kindly assist my personal maid."
"Ah kukunin ko ba yung mga suits mo dito?" tanong ko at kinuha yung papel para tingnan kung meron nga ba siyang pinatahing mga suits.
Kahit nanligaw si master sakin, I'm still his maid. that doesn't change anything, ano naman kung nanligaw siya? maging instant pabigat na ba ako nito?
Di na ako humarap kay master at humarap na kay Lord Wyett para i-instruct ang mga suits ni Master. Madalas na ako dito and the owner already know me.
"Mi Dulce dito ka lang, we'll be back." I waved without looking at them dahil busy ako sa pagpili ng mga suits ni master na inilabas ni Lord Wyett.
"There should be around 12 suits. Kulang po ng isa, the one with golden stripes." Tumango naman agad si Wyett at pumasok sa pintuan kung san siya kumuha ng mga suits.
Ako naman ay naiwan which is ako nalang mag-isa. Habang inaantay ko si Lord Wyett, nagsimula naman akong magdouble check. "HMmp-"
Nagulat naman ako nung biglang may tumakip sa bibig ko, akala ko sina master lang na naglalaro ng kalokohan sakin pero mali ako.
It was the guy with blonde hair! Actually naalala ko na yung nangyari nung araw na yon, siya yung pinipilit hatakin ako para bumalik sa mansion.
Nagtaka naman ko kung paano ko hindi siya napansin na pumasok dito. "Candace, bumalik kana saakin. nagmamakaawa ako." He pleaded.
Kung dati akala ko gwapo siya mukhang nagbago na ang isip ko, he looks pretty scary right now. Pero pinilit ko paring maging kalmado para di siya mananakit.
"Pasensya kana my Lord pero hindi kita kila-" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil hinawakan niya ang balikat ko.
"Don't give me that! If bumalik tayo ngayon, maybe she'd forgive me?" pagkatapos niyang sabihin yon ay tinulak niya din ako pagkatapos, bal-w ba to? "Then she'd love me again tulad ng dati!"
Nab-uang najud guro ni. I should sneak out habang busy pa siya- "Candace my dear, my love." Nagsitayuan naman yung mga balahibo ko dahil sa sinabi niya, wow-
Hearing this from someone else... cringes the sh-t out of me. "Hindi kita kilala, sino ka ba?"
"Pag bumalik ka saakin, I promise I would love you too. Just like you always wanted my love." Napa-make face naman ako, ano daw? Diba kakasabi niya lang na mamahalin siya nung babaeng yun pag bumalik kami?
"Don't be like this my dear-" nakita niya naman ang mukha ko at mas dumiin naman ang tingin niya na parang hindi siya natutuwa. "Why are you like this?! ikakasal sana tayo, but you ran away!"
Singhal niya sakin. so galing nga ako dito? Kanina niya pa ako niyugyog ng paulit ulit- ano ba yan! dahil napuno na ako agad ko siyang sinipa, because of my kick.
I got out of his grasp, since free na ang dalawang kamay ko. Agad ko siyang sinuntok sa mukha, p-unyawa ka! I have been patient and calm while answering you tapos ganito lang aabutin ko!?
"Sabi ko ng paulit ulit na wala nga akong na-aalala! Ayaw sig binungol! Bu-go!" ayan tuloy napapa-bisaya nalang ako ng wala sa oras!
Kahit na dumud-go na yung ilong niya, he still clings into my legs. "We were perfect! what happened to you!? bakit umiba na ang pananalita mo!!!" sigaw niya naman.
Juskooo Lord- makakap-tay siguro ako ng tao ngayon! "You were gentle! Ano na ang nangyari saiyo. My dear? You were perfect and kind and gentle-"
"Kung kilala mo talaga ako, bakit hindi mo ako hinanap?" napatigil naman siya sa kakakapit sakin. "That's what I thought. Atsaka may anak na ako, sure na agad ako na hindi ikaw ang ama."
Sasagot sana siya kaso tin-dy-kan ko siya out of anger. "Kahit hindi ako ang ama, I can take care of you!" he screamed. Nakarinig naman ako ng pagtawag ni master sakin sa labas.
"I found someone better." Inis na sagot ko sakanya. Akmang aalis na sana ako, till he said something.
"No, because of you- everything became a mess- it was you, ikaw ang nagnakaw non. it was you with him that night, right? I saw you, you're the culprit." Mahinang sabi niya. "Kung gusto mong malaman kung sino ka talaga, come us."
Tuluyan ko na siyang tinalikuran and went to master na parang walang nangyari. Andon na din si Lord Wyett na parang nag-alala dahil nawala nalang ako bigla.
"Anong ginagawa mo sa stockroom, my lady? That place is full of unwanted stuffs." Agad namang sabi ni Wyett, agad naman inilahad ang kamay ni master sakin.
Syempre kinuha ko ito, pag kasi di ko tinatanggap yun, he would be acting upset tas tatanungin ulit niya ako ng 'Do you hate me?' or 'Ayaw mo na ba sakin?' jusqqq di pa nga kami pero grabe na umaaligid.
"Saan ka galing Mi Dulce?" nagaalalang tanong ni master sakin, I just lied na pumunta ako ng stockroom to check something. I just feel na there is no point in telling master this.
Bumalik na kami sa palasyo pero yung utak ko, nasa sinasabi nung lalake. Master told me his name t naalala ko na siya, Fabian Borja is his name.
Isa sa mga pinakamalakas na pamilya sa aristocracy and is a close family friend din sa DeLillo. Kaso may sc-ndal na nangyayari.
The night nung engagement night daw ni master, his ex-fiancé ay may inilagay sa inumin ni master. May naka witness sakanilang dalawa na nagsama, which means Fabian's family also become one of the suspects sa nagnakaw ng kapangyarihan ni master.
Walang may alam kung ano ang nangyari that night kasi pati si master walang naalala, so sila talagang dalawa ang strong suspects.
Master also said na walang sinasabi na fiancé si Fabian, so him coming to me that day was probably a misunderstanding, pero ngayong binalikan niya ako and still convincing I'm his fiancé... ano ba ang nangyari?
"Mi Dulce, why are you in daze again? Come here... do you like it?" pagtingin ko sa sinabi ni master, nakita ko naman ang isang magandang dress na pang winter. "It matches the color of your eyes."
I should just forget about the past and just look forward in the future. Nginitian ko naman si master, he will be with me in the future.
BINABASA MO ANG
Suddenly having a Dragon Daughter
Fantasy"I just arrived in this world and suddenly I'm pregnant? HOW?!" -Candace Dulce ____________ Copy pasted from WRAWA so expect some errors in this story Made in WRAWA Fb Group (June 3, 2022) -Queen A.M