Chapter 4: Who's the Father?

6.5K 341 20
                                    

"Wala ka talagang naalala tungkol sa ama ng bata na iyan, Lady Candace?" nag-alalang tanong ni Madame, grabe paulit ulit nalang?

It's the third time she's asking me this. "Wala nga po, also just call me Lady Candy para di na kayo mahabaan." Sagot ko nalang.

Candace nang Candace eh, alam kong pangalan ko yan pero dzuuuh I hate that name. "Oh sure pero seryoso? What are you going to do with the child?" sagot ni Madame

Hindi naman ako sumagot, hays... ano na nga ba ang gagawin ko? I don't know where I am originally from, wala akong ala-ala remember?

Atsaka wala ding alam sina Madame dahil maraming kingdoms chuchu sa lugar na to. They guessed na galing ako sa isang lugar where a kingdom stands.

They said this place is a remote village na wala masyadong nakakaalam and hindi din under sa kung anong kingdoms. It means they're a free village.

Tsaka dagdag nila na malayo layo daw ang mga kaharian dito kaya di talaga nila alam kung saan din ako galing. "Nako, Lady Candac- este Candy, mahihirapan kang palakihin ang anak mo pag ikaw lang."

Sabat naman ni Noxia kaya napayuko nalang ako. Tama si Noxia, I have heard and read articles of being a single mother online nung nasa own world pa ko.

I may have a lot of jewelries and fancy dresses pero alam kong mauubos din ito. Wala din akong experience bilang isang ina pero na experience ko na ang pagiging titang ina.

Well I have some cousins na may anak na at minsan ako ang pinapaalaga kaya consider na siguro yon na may experience ako diba?

I am 21 years old and an adult na so... hindi na siguro ako consider as batang-ina. Single mother nga lang. kaya ko kaya to?

"I will raise this child po." Mahinang sabi ko. They all looked at me worriedly, somehow, I'm relived na may ganitong tao dito.

Buti nalang talaga at mabait sina Madame when I arrived here, though ang unang bungad nila sakin ay bayad ko sa bahay... they seem to genuinely care.

Ano kaya ang mangyayari pag hindi mababait ang kaharap ko? I'd suffer probably. Pero thankful ako dahil ang taong tulad ni Madame ang nakilala ko dito sa mundong ito.

Malay ko kung sino ang ama nito but it's still my flesh and blood, kaya kung sino ka man ang ama nito. Wala akong pake basta bubuhayin ko ang bata.

Maybe that person will find me? Maghihintay naman ako. So after kong nagpa-check don sa doctor who is called a physician in this world-

They sent me home, months went by so fast. Like di mo ineexpect na mabilis ang oras dito, maybe because I'm busy?

Also, nagpapasalamat talaga ako kina Madame dahil biniyan nila ako ng trabaho sa inn nila. Their inn has a mini resto na mostly bar din- ehem...

I made it sound so fancy, basta yung nababasa niyo sa novels. Ganong setup din pang-sinauna. I am a waiter sa inn nila at marami rami na akong kakilala sa village.

Well maliit lang naman ang village, akala ko talaga super laki at dami ng tao pero kinalaunan napansin ko na konti lang pala kami dito. Si Noxia and madame parin ang kaclose ko syempre.

"Jusmeyo tulungan niyo tong babaeng hays- Lady Candy! what are you doing!? Dapat nasa bahay ka ngayon at nagpapahinga! You are 37 weeks pregnant!" Madame scolded me.

Nasa inn kasi ako nagwawalis, wala naman kasi akong maggawa and I hate idling. Gusto ko yung may gagawin ako- ewan ko kung bakit?

Also I'm eating sweets while sweeping, kain ako nang kain ng matatamis. Nagiging moody ako pag di ako nakakain ng matamis, so Madame and Noxia always prepare something sweet para sakin.

They were really considerate sa sitwasyon ko, not to mention first time kong mabuntis. Malay ko bang ganito pala kahirap. Masakit din yung tyan ko parati at naiirita ako agad.

D-ng, I don't want to get pregnant again. Kung sino man yung taong bumuntis sakin. P*t*ng*na niya ha, hindi ako natutuwa sa ginawa niya.

Now I remember why gusto kong mag madre nung nasa original world ako. It f--cking hurts like h-ll I wanna cry. Despite masakit ang katawan ko-

I still wanted to do something like work. Para man lang makalimutan ko ang sakit. "Madame I'm fine. Wag kang mag-alala." Kalmadong sabi ko habang kumakain parin.

"DIba sabi ni Lord Sinyo na kailangan mong magpahinga? Ano ba naman iyan Lady Candy, alam kong mahilig kang magtrabaho pero this is too much! You are pregnant!" she exclaimed.

Napanguso nalang ako. Lord Sinyo is the name nung physician, they call hime physician instead of doctor which sounds fancy.

I sighed nalang at tumango. I was about to go and rest pero may naramdaman akong basa...

"Huh?" did I pee- nanlaki naman ang mata ko when I saw my dress wet-

"JAAAAAAAA JUSKO ITO NA SINASABI KO SAIYONG BATA KA EH! NOXIA! NOXIA! TAWAGIN MO SI LORD SINYO! MANGANGANAK NA SI LADY CANDY!" she yelled at agad na lumapit sakin.

Ako naman eh nakatunganga lang pero unti unti akong nakaramdam ng sakit. Like super duper sakit that I've never felt before.

Wala akong narinig the whole time pero I can faintly hear madame's shouts. Hindi ko na din alam kung ano ang nangyari sa sitwasyon ko na iyon.

Everything went silent- all I can hear is me... my heart beat and ang pain sa tyan ko. The only thing in my mind right now is to m-rd-r the person who did this to me.

G----GSOOO SIYA! BEING PREGNANT IS NOT EASY! 

Suddenly having a Dragon DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon