Chapter 8: Rumors Has It

5.8K 347 29
                                    

"Lady Candy! I heard what happened? Ok lang ba kayo?" agad naman kaming napalingon sa tumawag and it was Noxia.

Pinapunta ko naman si Caramel sa kwarto niya, napaka-vulgar din kasi ng bibig ni Noxia at kung ano ano ang sinasabi.

"Lady Noxia! Nah ok lang kami." Nakangiting sagot ko, she just sighed.

"Pasensya kana, nagkagulo din kasi sa inn. Nawalan ata ng malay yung head ruler na si King Rhett after he started going berserk." Paliwanag ni Noxia.

Agad ko naman naalala na may bisita nga pala kami doon sa inn. So nahimatay pala ang haring iyon, ano kaya ang nangyari?

"Oh I heard Caramel started... glowing again? Hays! Kasalanan yan sa anak ni Amaya, alam naman nilang bawal galitin ang anak mo eh!" paggalit na sabi ni Noxia.

"I'm sure sinasadya nilang awayin si Caramel. Nako nako! Yung br-h-ng yon talaga, kung ano ano ang inuutos sa anak niya." Pagpapatuloy ni Noxia.

"Hayaan na natin, hindi naman ito ang first time na nangyari yon. Nga pala, nakaalis na ba ang mga royalties?" pagche-change topic ko naman

"Oh yeah agad din silang umalis. Hindi din namin alam kung bakit sila andito pero it could be good or bad." Naka-shrug na sagot niya.

"Narinig ko na inutusan sila na pumunta dito, by someone who has a higher rank than them." -Me.

"Hays totoo, they were sent by aristocrats with high ranks. Actually mas mataas talaga ang rango ng mga dragon, pero simula nung nawalan ng kapangyarihan ni King este Lord Rhett."

"Everything changed, they take the dragons for granted. Dahil nga nawalan ng kapangyarihan ang head ruler nilang dragon, they were treated as slaves..." paliwanag ni Noxia.

Kaya pala parang galit na galit yung Vishuvac kanina. "Mukhang wala namang pake si Lord Rhett, mukhang masaya nga siya dahil pwede siyang makipaglaro freely."

Napatitig naman ako kay Noxia. "Laro? Laruin ang alin?" tanong ko naman. She flipped her hair as a respond.

"Babae! He likes playing with women..." napa-make face naman ako sa sagot ni Noxia. "He was even eyeing for someone kanina sa inn, kung di lang siya nawalan ng malay- he probably played with that lady."

"Bakit daw nawalan siya ng kapangyarihan?" tanong ko ulit, ayaw kong marinig ang mga pinagagawa niya sa mga babae.

"Hindi ko din alam, actually walang nakaka-alam. Only dragons know that pero rumors has it that it was gone that night." Pa-shrug na sagot ni Noxia.

"A lady he slept with stole the power. Pero rumors lang naman yon, di naman natin alam kung totoo." Yun din ang sinabi ni Madame sakin.

Maybe he's looking for that lady na kumuha ng kapangyarihan niya, hindi ba siya na-karma? Dahil sa pagkakab-b-ero niya eh nawalan siya ng kapangyarihan?

Pero dzuuh who am I to judge ba? "Mama! Look! I have horns!" sabay naman kaming napalingon ni Noxia dahil sa sinabi ni Caramel.

"hala ano yan? bukol? Pero mukhang sungay." Agad na sabi ni Noxia, lumapit si Cara at pinakita niya samin yung sinabi niya.

Sungay ba to o bukol? Isa lang naman ang tumubo and it's in her right forehead. "Kelan pa to anak?" tanong ko naman, may sakit kaya siya?

"Kanina ko lang napansin mama." Sagot niya, I actually notice bumps in her forehead pero kanina eh dalawa yun at maliit.

Ito naman eh isa lang pero malaki... (Paran kay Eri from My hero academia ang peg -Q.A.M) "Luh, wag mong sabihin sakin na kin-lam ka nga Lady Candy?" I glared at Noxia, hay ambot.

Pinapasok ko nalang ulit si Cara sa kwarto niya and told her na ipapa-check namin ang noo niya bukas kay Lord Sinyo. "Nasa opisina ba bukas ang asawa mo?" tanong kay Noxia.

Apparently despite na palaging nag-aaway ang dalawa, they got married. They don't have a child yet pero mukhang masaya naman silang dalawa.

"Oh yeah, sabi niya di daw. Palagi nga siyang nagrereklamo dahil parami-rami ang mga babae na nagpapacheck sakanya." Pairap na sagot ni Noxia sakin.

"Is Lady Aya one of them?" tanong ko sakanya and she rolled her eyes. Di lang naman ako ang ginugulo ni Lady Aya, pati nadin ang asawa ni Noxia.

Kaya din ayaw ni Noxia sa babaeng yun eh dahil palaging umaaligid sa asawa niya. Sabi ni Noxia, kaya daw ako ginugulo ni Aya is because I was also close with Lord Sinyo.

Gusto ata angkinin ni ate gurl ang buong lalake sa village na to. Umuwi na si Noxia since gabi niya, pumunta lang siya para icheck if ok lang kami.

Ako naman eh pumunta sa kwarto ni Cara para tingnan ang kalagayan niya, she was sitting in her bed and looking out the window.

"Inday, bakit di ka pa natutulog?" tanong ko kay Cara, when she looked at me her eyes were glowing again.

"Mama, why are you so kind?" parang out of the blue naman ng tanong ni Caramel pero sinagot ko naman.

Maybe she's upset again dahil lumiliwanag ang mata niya, nasanay na din ako and didn't give it much thought. Her bump is still there too.

"Is there a reason not be kind? Alam mo anak, the world is cruel. But that doesn't stop you for being kind, who knows..." I answered...

"Baka isang araw, that kindness will come around you too." Dagdag ko, nawala naman yung liwanag sa mata niya and it turned back to normal.

Ewan ko kung bakit kulay purple pag lumiliwanag ang mata niya, pero it looks beautiful... I think nakakita ako ng ganon kanina, pero baka namalikmata lang ako.

"Pinatawad mo din agad yung lalake don sa inn when he did something horrible to you." napatitig naman ako kay Caramel. Hindi talaga siya nakaka-move on sa pangyayaring iyon.

That guy kind of hurt me pero ok lang naman ako since lasing yon. "Pero I'm still fine right? Tsaka lasing naman yun and he got his karma eventually diba?"

Pero di sumagot si Cara pero she just squinted her eyes sabay iwas ng tingin. "it wasn't an accident." May binulong naman si Cara na di ko rinig...

"Hmm? May sinabi ka ba Cara?" pero nakatingin padin siya sa malayo. Nilambing ko naman agad at niyakap siya. "Let's just ignore them, hmm? Bukas, babalik ulit lahat sa dati."

"But they still think I'm a m-nster." She whispered sabay hawak ng bump niya sa noo niya. "P-pag lumala ito, iiwan mo ba ako mama?"

I scoffed at hinigpitan ang yakap ko sakanya. "Iiwan? That would never happen, masakit kayang manganak tas iiwan lang kita? I will always be with you kahit anong mangyari." 

Suddenly having a Dragon DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon